You are on page 1of 10

Depinisyon : Epiko

Ang mga epikong Pilipino ay:


mga naratibong pinanatiling mahaba
base sa sinasambit o inuusal na tradisyon
umiikot sa mga pangyayaring mahiwaga
nasa anyo ng berso o talata na inaawit
may tiyak na seryosong layunin
kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting
aral ng mga mamamayan
Ang mga epiko ay mas nararapat na tawaging ethno-epic
pilipino

dahil sa may mga epiko na kumakatawan sa bawat pangkat


etniko at tumatalakay sa mga bayani ng bawat rehiyon at
tribo.
• Umaabot sa 28 ang bilang ng mga epiko na
kilala sa Pilipinas.
• Karamihan sa mga natitirang epiko ay
natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa
nagagalaw ng makabagong proseso ng
pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga
katutubo at etnikong grupo sa
Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo
ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan ay
makikita sa mga mamamayang Kristiyano.
Bilang at Distribusyon
Ang haba ng mga
epiko ay mula sa
1000 hanggang
55000 na linya
Haba
Tulad ng ibang mga alamat, ang
mga epiko ay inihahayag ng pasalita –
patula o pakanta (sa iba't ibang mga
estilo); mula sa memorya, mayroon o
walang saliw ng ilang mga instrumentong
pangmusika. Ito rin ay maaaring gawin
nang nag-iisa o kaya naman ay grupo ng
mga tao na katulad ng isang chorus, na
. ng maraming araw at oras.
tumatakbo

Rendisyon
Katangiang
Pampanitikan
Ang ilang katangian ng ibang epiko ay:
 ang paggamit ng mga bansag sa pagkilala sa tiyak na tao
 mga inuulit na salita o parirala
 mala-talata na paghahati o dibisyon sa mga serye ng kanta
 kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang-
araw-araw na buhay at kalikasan (halaman, hayop, mga
bagay sa kalangitan, atbp).
 Ang mga epiko ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay
iba-iba at bukod-tangi sa bawat rehiyon at hindi
maikukumpara sa mga Kanluranin na epiko.
 kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga
sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang, anting-anting, at
ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang;
ito rin ay maaaring tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.
Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan.
Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan.
Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal.
Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.
Patuloy na pakikidigma ng bayani.
Pamamagitan ng isang bathala para matigil ang labanan.
Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo.
Pagkamatay ng bayani.
Pagkabuhay na muli ng bayani.
Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan.
Pag-aasawa ng bayani.
Ano ang ipinapakita ng epiko ng sinaunang kultura?
Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na
paksa at tema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking
bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa
istorya; ating makikita kung paano naipapakita ng epiko
ang kultura ng isang grupo ng tao.

Kahalagahan sa kultura
katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani
mga supernatural na gawa ng bayani
pag-ibig at romansa
panliligaw – pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto
ng buhay
kamatayan at pagkabuhay
pakikipaglaban at kagitingan ng bayani
kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o
piging
Ang Paulit-ulit na Paksa o
mga ritwal at kaugalian
ugnayan ng magkakapamilya
Tema
Sa pagbabasa ng mga epiko,
agad na makikita ang mga katangian
ng isang bayani. Karamihan sa
kanyang mga katangian ay maiuuri
sa alin man sa sumusunod: pisikal,
sosyal, at supernatural. Maaari ring
isama ang kanyang intelektwal at
moral na katangian.
Ang Lalaking Bayani
Ang pangunahing
babaeng karakter ay
kadalasang ang babaeng
iniibig ng bayani o maaari rin
namang tinutukoy dito ang
kanyang ina.
Ang Pangunahing Babaeng
Karakter

You might also like