You are on page 1of 2

Sandoval, Luisa Angela S.

PS 21
2018- 01129 Pebrero 04, 2020

The Kingmaker: Ang Mahigpit na Pagtangan ni Imelda sa Huwad na Realidad

Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas sa pelikula ay nabulgar na agad ang tunay na
pagkatao ni Imelda Marcos.
Sa loob ng kumportable at malamig na sasakyan, tila naka trono ang dating tinaguriang
The Iron Butterfly (Pedrosa, 2011)—kapansin- pansin ang makapal nitong kolorete sa mukha,
makinang at maitim na buhok, at ang magarbo nitong mga alahas. Habang binagbagtas ng
sasakyan nila ang Maynila, isang kunot- noo at nakasimangot na ekspresiyon ang nakabalot sa
kaniyang mukha.
“During my time, there were no beggars, [Noong panahon ‘ko, walang mga pulubi,] ”
(Kingmaker, 2019) ani ni Imelda.
Sa mga saglit ng sandaling iyon, tila hindi ‘ko na napigilan ang pag iisip na sa sobrang
pagkalubog ni Imelda sa sarili niyang mga kasinungalingan, ay nakagagawa na siya ng isang
huwad na realidad na siya namang nagagamit niya upang makaimpluwensya ng iba—at bilang
resulta, ay negatibong naaapektuhan ang kasaysayan ukol sa mga katiwalian ng mga Marcos.
Sa mga munting detalye na nakakalat sa buong pelikula makikita ang pangingibabaw ng
pagka- elitistang pagiisip ni Imelda.
Mayroong isang parte ng pelikula na kung saan habang mayroon siyang kinukuhang
picture frame sa lamesang puno ng mga larawan ay nakabig niya ang ilang mga larawan sa lamesa,
dahilan kung bakit ang mga ito ay mahulog at mabasag.
Ngunit, bilang isang Imelda Marcos, tila pinanood niya lamang na mahulog ang mga
picture frame na ito nang walang ekspersiyon sa kaniyang mukha. Samantala, ang kaniyang mga
tauhan ang agarang dumampot sa mga basag na piraso ng salamin na nagkalat sa lapag, na siya
naming nahagip ng kamera.
Isa pang halimbawa ay ang kaniyang narsisismo, na sa palagay ko’y patuloy na
namamayani sa harap o likod ‘man ng kamera. Makikita ang manipestasyon nito sa pelikula sa
mga eksenang paninigurado na siya’y maganda, na ang mukha niya ay nakaayos, at maski ang
porma ng katawan niya’y nasa tamang anggulo.
Bukod pa rito, isa pang aking napansin sa pelikula ay ang lubos na kawalan ni Imelda ng
kamalayan sa tunay na kalagayan ng masa.
Tila para kay Imelda ay pera ang solusyon sa lahat; kagaya na lamang ng pamimigay niya
ng malulutong na pera sa lansangan at maski sa mga pasyente sa ospital.
Isa itong repleksiyon ng kawalan ni Imelda ng kamalayan sa tunay na kalagayan ng masa
sapagkat sa pananaw niya, ang simpleng pag abot ng pera sa mahihirap ang magsisilbing solusyon
upang ang mga mahihirap ay makabangon, na siya namang mali sapagkat ang kahirapan ay may
malalim na pinaguugatan na dulot ng isang bulok na sistemang pinamumunuan ng imperyalismo,
pyudalismo, at burukrata kapitalismo na kinabibilangan ng mga uring kagaya niya.
Bagamat ang pelikula ay sinimulang gawin noong taong 2014, malinaw pa ‘rin na ang mga
isyu na nabanggit ay patuloy na nananatiling isyu pa ‘rin sa ating bansa hanggang ngayon; ang
mga Marcos ay hindi pa ‘rin nananagot sa pagnanakaw ng yaman ng taumbayan, at hanggang
ngayon, nananatili pa ‘rin ang pulitikal na presensiya nila—na hindi na lamang sa porma nina
Ferdinand at Imelda, kundi naipasa na ‘rin sa kanilang mga anak.
Ito ay siyang ikinababahala ‘ko sapagkat, sa pagpatuloy ng pamumulitika ng pamilyang
Marcos, may ilang mga tanong na lumalabas sa aking isipan: hanggang kalian pa magpapalinlang
ang mga Pilipino? Paano babakahin ang ang historical na rebisyonismo na naidulot ng mga
Marcos?
Sa kabuuan, ang pelikulang The Kingmaker ay malinaw na nakapagpakita ng mensahe—
at ito ay ang kung gaano kalubog sa sariling mga paniniwala at sariling pantasya si Imelda. Sa
lakas ng narsisismo nito, maaaring kaya siya pumayag na gumawa ng isang pelikula na iikot sa
kaniyang pamumuhay; at maaari ‘rin para gamitin ito bilang isang instrumento upang mamulitika
muli.
Tama nga na ang kingmaker ay siyang mas magaling at mas makapangyarihan kaysa sa
king mismo.

Sanggunian:
(2019, November 8). Retrieved February 3, 2020, from https://www.imdb.com/title/tt5105734/
Pedrosa, V. (2011, September 22). Imelda Marcos and Me. Retrieved February 3, 2020, from
https://www.aljazeera.com/programmes/aljazeeracorrespondent/2011/09/2011918111843217223
.html

You might also like