You are on page 1of 2

POSITION PAPER OUTLINE:THE KINGMAKER-IMELDA MARCOS

Ang Kingmaker ay isang dokumentaryo tungkol sa karanasan ni Imelda Marcos. Ito ay


nagpapaalala sa akin kung paano nila tratuhin si Ferdinand Marcos at kung ano ang papel na
ginampanan ni Imelda sa paghahari ni Marcos. Buhay ni Imelda matapos mapatalsik at kung
paano ngayon sinusubukan ng pamilya Marcos na yumaman. Napakadetalyado ng
dokumentaryo. Sa isang panayam dito, nagsalita si Imelda tungkol sa kanyang mga kontribusyon
sa Pilipinas at sa rehimeng Marcos. Dito, sinuri niya ang mga larawan ng mga pagpupulong at
pakikipagpalitan ng mga kilalang pinuno ng ibang bansa, tulad nina Nixon at Reagan sa Estados
Unidos, Gaddafi sa Libya, Mao Zedong sa China at Hirohito sa Japan, at naitala ang kuwento ng
pakikipagkamay kay Imelda. At kapanayamin ang mga pinunong ito. Ipinagmamalaki rin ni
Imelda ang mga proyektong pang-imprastraktura tulad ng Metro Manila Hospital. Ang mga
katulong ni Imelda ay nagbahagi rin ng mga nakakabagbag-damdaming kwento sa pamamagitan
ng mga panayam, tulad ng maagang pagkamatay ng ina ni Imelda at ang balita ng
pakikipagrelasyon ni Ferdinand sa isang Amerikanong aktres. Samantala, nakapanayam din sina
Imelda at Van Marcos. Ang mga aktibista na naging biktima ng batas militar, sina Andy
Baustista, pinuno noon ng Philippine Good Government Commission, at ilang taong nakatira sa
Calauit Island. Ang mga hinaing nila kina Imelda at Marcos ay sa kanila. Nariyan ang
pagpapahirap sa mga aktibista, ang pagtatago ng mga ninakaw na ari-arian at ang pagpapatapon
para magtayo ng safari sa Calauit Island.

Bilang isang mag-aaral ng kasaysayan ng diplomasya, naging tanong sa aking utak ay kung
dapat bang ituring si Imelda na isang diplomatiko? Dapat bang magpasalamat ang Pilipinas kay
Imelda sa kanyang mga ambag sa diplomasya? Ano ang dapat mapulot na aral ng isang
diplomatiko sa mga kwento ni Imelda? Una, para sa akin ay hindi ganap at hindi dapat ituring na
diplomatiko si Imelda Marcos. Nabanggit nga niya sa pelikula na ito na hindi manlang niya
inaaral ang mga bagay na dapat niyang malaman tungkol sa mga tao at lider na makakasalamuha
niya, o magbasa manlang tungkol sa mga bansang kanyang dadayuhin. Inihaharap lamang siya
dahil sa ganda ng kaniyang mukha at sa dala niyang charisma, ngunit ang tunay na diplomatiko
ay hindi imahe ng mukha ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan, kungdi ang imahe ng sinseridad
bilang isang kaibigan at tao, at kredibelidad ng husay at pagiging tapat sa mga kasunduan. Hindi
dapat magpasalamat ang taong bayan kay Imelda. Maaring ikonsidera ang halaga ng mga treaty
at agreements na naikasa ng siya ang nakipag-ugnayan sa mga lider ng ibang bansa, pero
labislabis-labis – hindi ko maipaliwanag kung gaano ka labis ang kinuha ni Imelda at ng mga
Marcos sa ating bayan – ang sinamsam nito para sa kanyang pansariling interes at luho. Tama
nga na ito ang pinagmulan ng Imeldific na bansag dahil sa mga luho ni Imelda na sa kaban ng
bayan dinudukot. Walang pakundangan ang paghakot ni Imelda sa mga mamahaling bagay, tulad
ng mga painting ni Monet, mga hayop sa Africa, mga real estate sa New York, at ang
humigitkumulang tatlong libong pares ng sapatos; habang naghihirap at nagugutom ang bansa sa
kanilang panahon. Ang mapupulot na aral ng isang diplomatiko o gaya ko na mag-aaral ng
kasaysayan ng diplomasya sa buhay at mga karanasan ni Imelda na, hindi pansariling interes ang
dahilan ng paglipad o paglayag sa kabilang dako ng mundo. Ito ay para mag-uwi ng pasalubong,
hindi Imeldific na pasalubong gaya ng mga mamahaling bag o sapatos, kunghindi tunay na
pasalubong, tulad ng buhay, ginhawa, at dangal.

You might also like