You are on page 1of 3

Balangkas A

Pamagat ng Akda: Mr. Congressman

May -akda: Clodualdo Del Mundo

Si Clodualdo del Mundo ay isinilang sa Maynila noong 1911. Patnugot ng Liwayway, kritiko, palaaral, at
pangulo ng TANIW (Taliba ng Inang Wika). Nagkamit ng Presidential Award sa panitikan at nasyonalismo.
Isa sa mga nanguna sa larangan ng makabagong dula na makikita sa kanyang sarsuelang Anong Tamis ng
mga Sandali sa Sariling Bayan, na itinanghal sa Cultural Center of the Philippines, at sa isa pa niyang
opera na si Balagtas ang bayani. Sumulat ng may mga 100 “nobela” para sa telebisyon, radyo, at
pelikula, at tumanggap ng FAMAS Award sa isa sa kanyang mga kuwento. Sa panulaan, isa siya sa mga
naunang sumulat ng malayang taludturan. Ang kanyang Ang Kanyang mga Mata (na inihawig sa haiku ng
Hapon) ay isang hiyas sa kalinawan at katimpian. Araw ng kamatayan: Oktubre 5, 1977.

MGA TAUHAN

Mister Congressman-Makikilala ninyo ngunit hindi makikita

Dinasto- Binatang ang ambisyon ay maging “Congressman” Leni -Dalagang ang ambisyon ay maging
maybahay ng isang “Congressman”

Pikoy- Mensahero ng Kongresista

Mang Ambo- “Janitor” ng mga Kongresista

Aling Mameng- Ina ng KongresistaDiputado 1Diputado 2 Mga tauhan ng administrasyonLider

Mister Areglo-Isang taong masayahin at hangga’t maaari ay inaareglo ang mga kaso

Inaanak- Isang batang babae na inaanak ni “Congressman”; Escolastica Ordinario

Kumpadre- Isang maton na naghahanap ng trabaho; Bienvenido BaldozaMga yagit na

BUOD O LAGOM NG KATHA

Gaya ng dapat asahan, dahan-dahang bubukas angtelon na saglit na titigil kapag lumitaw na ang pintong
may babalang: “Mr. Congressman, Private” at pagkatapos ay mabilis na mabubuksan upang
tuluyangmakita ang kalahatan ng opisina. Ang unang makikita nating tao’y si Mang Ambo, ang “Janitor,”
na siyang may pinakamababang opisyo sa gusali ng mga diputado. Nagwawalis siya, hindi nagdidiskurso.
Maminsan-minsan ay titigil upang masdan ang mawawalis niya; sulsihong panyolito, sirang abaniko,
pudpod na lipstick. Manggagaling sa pintong nasa gawing kanan si Pikoy,ang mensahero-pangalawang
pinakamababang opisyo sa gusali ring iyon-na maraming dalang mga pakete atmga sulat. Iba’t ibang tao
ang nais makausap ang “Mr.Congressman” ngunit sa halip na siya ang kumausap samga ito ay sina
Dinasto na kaniyang pantalya at Leni nakaniyang sekretarya ang kumakausap sa mga ito. Nananatili lang
siya sa kaniyang pribadong kwarto.Gustong kausapin ni “Lider” si “Mr. Congressman”tungkol sa isang
squeeze play ngunit o panunuhol saisang lider ng kalaban niyang politiko. Nais namangikonsulta ni
Mister Areglo ang dalawang kaso tungkol sa mag-asawang gusting maghiwalay dahil inirereklamong
asawang babae ang lakas ng paghihilik ng kaniyangkatipan. Ang isa naman ay tungkol sa isang tsuper na
patong-patong ang paglabag sa batas. Isang batangbabae naman na nagpakilalang Estolastica Ordinario
na inaanak ‘raw’ ng “Congressman” ang naghahanap ng trabaho gayong dalawang taon lang sa hayskul
angkaniyang natapos at tatlong buwan lamang. Dumatingnaman ang dalawang diputadong gaya ni
Dinasto angnagtanong ng kaniiyang opinion tungkol sa paghingi ngtulong sa mga Hapon ukol sa
kabuhayan at ekonomiya. Nayayamot na siya sa pagiging pantalya lamang ng“Congressman.” Desidido
na si Dinasto na magbitiwnang malamang magkaiba ang opinion nilang dalawa ni“Mister Congressman”
Dumating pa ang isang maton na kumpadre ng "Congressman” na nagngangalang Bienvenido
Baldozaalyas “Ben Bulldog” na naghahanap ng trabaho kahit maging bodyguard. Pinakahuling dumating
ay isangmatandang babae na Aling Mameng ang tawag.Sinamahan siya pumasok sa loob ni Leni ngunit
bumalikuli ang dalaga kay Dinasto habang pinapanood niyaitong nagmamanikilya. Tinawag muli si
Dinasto sa loob kaya’t napilitan itong pumasok; sa kabilang banda ay pinalitani Leni ang liham pagbibitiw
ni Dinasto ng isangliham na humihingi ng bakasyon. Pagbalik nito aynapagtanto niyang hindi masamang
tao si Congressman,alam din ito ni Leni dahil kahit pa halos hindi nanakikipagkita si Congressman sa
kahit kanino, ngdumalow ang ina nito, dali-dali niya itong ppinapasok.Sa huli ay magkasamang hiniling
nina Dinasto at Lenina maging ninong nila sa kanilang kasal angCongressman. Sabay silang pumasok sa
pintong pribado.

WAKAS

Pagkapasok nina Dinasto at Lenis a pintong pribadoay dahan-dahang magsasara ang tabing na titigil
nang saglit kapag ang nakikita na lamang ay ang pintong may“Mister Congressman, Private” at
pagkatapos ay tuluyan ng mapipinid

PANAHONG KINABIBILANGAN

Ang "Kwento ni Mr. Congressman" ni Clodualdo del Mundo ay isang akdang pampanitikan na isinulat
noong dekada '70. Ang panahong kinabilangan nito ay mahalaga upang maunawaan ang konteksto ng
kwento at ang mga isyu at tema na ipinapakilala nito. Ito ay isang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas na
puno ng mga politikal na pangyayari at kaganapan, na maaaring naging inspirasyon sa paglikha ng
kwento ng may-akda.
SARILING PUNA

Ang sariling puna sa "Kwento ni Mr. Congressman" ay ang pagiging sadyang tumatakbo ng kwento sa
mga stereoptyikal na imahe ng mga politiko sa Pilipinas. Halimbawa, maaaring ipakita ng kuwento ang
pang-aabuso sa kapangyarihan, korupsyon, at pagkakasangkot sa mga krimen ng ilang mga politiko.
Subalit, maaaring mabatid na ang ganitong pagpapakita ay hindi na bago at maaaring makita na rin sa
iba pang mga akdang pampanitikan.

GINTONG KAISIPAN

Ang "kwento ni Mr.Congressman" ni Clodualdo Del Mundo Jr ay naglalarawan ng mga kaisipan at


realidad sa politika at lipunan ng Pilipinas . Isa itong pagtalakay sa kahirapan, korapsyon,at katiwalian sa
gobyerno pati narin sa mga hamon at pangarap ng mga mamamayan

MGA MUNGKAHI

1. Pagpapakita ng Realistikong Pamumuhay ng Isang Kongresista: Mangyaring ipakita ang mga araw-
araw na gawain at mga hamon na hinaharap ng isang kongresista sa kanyang trabaho. Maaaring ito ay sa
pamamagitan ng mga personal na karanasan o paglalarawan ng karakter.

2. Pagsasalaysay ng mga Isyu sa Lipunan: Ilahad ang mga aktuwal na isyu sa lipunan na kinakaharap ng
kongresista at kung paano niya ito hinaharap at iniisip. Maaaring ito ay mga polisiya sa edukasyon,
kalusugan, ekonomiya, o kahit mga lokal na isyu sa kanilang nasasakupan.

3. Pagpapakita ng Personal na Buhay: Huwag kalimutang ipakita ang personal na buhay ng kongresista,
kabilang ang kanyang relasyon sa pamilya, mga kaibigan, at iba pang personal na interes. Ito ay
makakatulong sa pagpapakita ng kabuuan ng kanyang karakter.

4. Pagpapakita ng Kanyang Ambisyon at Layunin: Magbigay ng linaw sa mga layunin at ambisyon ng


kongresista sa kanyang serbisyo sa bayan. Ano ang kanyang mga hangarin at kung paano niya ito
isinasakatuparan?

5. Paglalantad sa Sistema ng Pulitika: Ipakita ang komplikadong sistema ng pulitika kung saan kabilang
ang kongresista. Maaaring ito ay mga pagpapakita ng dayaan, korapsyon, o mga manipulasyon sa
politika.

Sa pamamagitan ng mga mungkahing ito, maaaring mas lalong maging makabuluhan at kaakit-akit ang
kuwento ni Mr. Congressman ni Clodualdo del Mundo.

You might also like