You are on page 1of 3

Mr. Congressman ni Clodualdo Del Mundo.

Balangkas C- ayon kay Nenita Papa

I. Sanligan
Ang sanligan ng kwento ay ang pagpapakita ng pagbabago at pag-unawa sa
mga karakter kahit na una silang naapektuhan ng kanilang unang mga
impresyon. Ipinakita rin ang kahalagahan ng pakikisama at pagpapahalaga sa
iba sa kabila ng mga unang pagtatangka ng pagkakamali at maling pang-
unawa. Sa huli, nagkaroon ng pagpapahalaga at respeto sa isa’t isa, na
nagresulta sa hiling na maging ninong sa kasal ng mga tauhan.

II. Buod
Iba’t ibang tao ang nais makausap ang “Mr. Congressman ngunit sa halip na siya ang
kumausap sa mga ito ay sina Dinasto na kaniyang pantalya at Leni na kaniyang
sekretarya ang kumakausap sa mga ito. Nananatili lang siya sa kaniyang pribadong
kwarto. Gustong kausapin ni “Lider” si “Mr. Congressman” tungkol sa isang squeeze
play ngunit o panunuhol sa isang lider ng kalaban niyang politiko. Nais namang
ikonsulta ni Mister Areglo ang dalawang kaso tungkol sa mag-asawang gusting
maghiwalay dahil inirereklamo ng asawang babae ang lakas ng paghihilik ng
kaniyang katipan. Ang isa naman ay tungkol sa isang tsuper na patong-patong ang
paglabag sa batas. Isang batang babae naman na nagpakilalang Estolastica Ordinario
na inaanak ‘raw” ng “Congressman” ang naghahanap ng trabaho gayong dalawang
taon lang sa hayskul ang kaniyang natapos at tatlong buwan lamang. Dumating
naman ang dalawang diputadong gaya ni Dinasto ang nagtanong ng kaniyang opinion
tungkol sa paghingi ng tulong sa mga Hapon ukol sa kabuhayan at ekonomiya.
Nayayamot na siya sa pagiging pantalya lamang ng “Congressman.” Desidido na si
Dinasto na magbitiw nang malamang magkaiba ang opinion nilang dalawa ni “Mister
Congressman”. Dumating pa ang isang maton na kumpadre ng “Congressman” na
nagngangalang Bienvenido Baldoza alyax “Ben Bulldog” na naghahanap ng trabaho
kahit maging bodyguard. Pinakahuling dumating ay isang matandang babae na Aling
Mameng ang tawag. Sinamahan siya pumasok sa loob ni Leni ngunit bumalik uli ang
dalaga kay Dinasto habang pinapanood niya itong nagmamanikilya. Tinawag muli si
Dinasto sa loob kaya’t napilitan itong pumasok sa kabilang banda ay pinalitani Leni
ang liham pagbibitiw ni Dinasto ng isang liham na humihingi ng bakasyon. Pagbalik
nito ay napagtanto niyang hindi masamang tao si Congressman, alam din ito ni Leni
dahil kahit pa halos hindi na nakikipagkita si Congressman sa kahit kanino, ng
dumalow ang ina nito, dali-dali niya itong ppinapasok. Sa huli ay magkasamang
hiniling nina Dinasto at Leni na maging ninong nila sa kanilang kasal ang
Congressman. Sabay silang pumasok sa pintong pribado.

III. Kahulugan ng Pamagat


Ang pamagat na “Mister Congressman” ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa
posisyon at kapangyarihan ng isang congressman, subalit ito rin ay nagpapakita ng
pagiging malayo o hindi abot-kamay ng mga karaniwang mamamayan.

IV. Pagpapahalaga Ayon sa Nilalaman


1. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan
Nagpapakita ng pagkakaiba sa lipunan at ang kawalan ng oportunidad ng ilang mga
tauhan tulad ng mga yagit na nagkalat sa gusali ng kongreso.
Ipinalalabas ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa mga karakter tulad ni Bienvenido
Baldoza.
2. Kulturang Pilipino:
Pumapakita ng mga katangiang Pilipino tulad ng pagiging mapagkumbaba at
pagiging matulungin sa kapwa, na ipinapakita ni Leni at Dinasto sa kanilang
pagtulong sa isa’t isa.
3. Pilosopiyang Pilipino:
Ipinapakita ang di pagkakaisa sa lipunan at ang pagtitiwala sa liderato na may
malakas na impluwensya sa buhay ng mga mamamayan.
4. Simbolismong Pilipino:
Ang pagtanggi ni “Mister Congressman” na makipag-usap sa mga karaniwang
mamamayan ay simbolo ng paglayo ng mga pinuno sa kanilang mga nasasakupan.

V. Teorya/Pananalig Pampanitikang Napapaloob sa Akda

Teoryang Realismo– pinalulutang dito ang katotohanang nangyayari sa tunay na


buhay.
Gustong kausapin ni “Lider” si “Mr. Congressman” tungkol sa isang squeeze play
ngunit o pamumuhol sa isang lider ng kalaban niyang politiko. Nais namang tkonsulta
ni Mister Areglo ang dalawang kaso tungkol sa mag-asawang gusting maghiwalay
dahil inirereklamo ng asawang babae ang lakas ng paghihilik ng kaniyang katipan.
Ang isa naman ay tungkol sa isang tsuper na patong-patong ang paglabag sa batas.
Isang batang habae naman na nagpakilalang Estolastica Ordinario na inaanak raw ng
“Congressman ang naghahanap naman ang dalawang diputadong gaya ni Dinasto ang
nagtanong ng kaniyang opinion tungkol sa paghingi ng tulong sa mga Hapon ukol sa
kabuhayan at ekonomiya. Nayayamot na siya sa pagiging pantalya lamang ng
“Congressman.” Desidido na si Dinasto na magbitiw nang malamang magkaiba ang
opinion nilang dalawa ni “Mister Congressman”.
Dumating pa ang isang maton na kumpadre ng “Congressman” na nagngangalang
Bienvenido Baldoza alyvas “Ben Bulldog” na naghahanap ng trabaho kahit maging
bodyguard. Pinakahuling dumating ay isang matandang babae na Aling Mameng ang
tawag Sinamahan siya pumasok sa loob ni Leni ngunit bumalik uli ang dalaga kay
Dinasto habang pinapanood niya. Itong nagmamanikilya. Tinawag muli si Dinasto sa
loob kaya’t napilitan itong pumasok sa kabilang banda ay pinalitani Leni ang liham
pagbibitiw ni Dinasto ng isang liham na humihingi ng bakasyon. Pagbalik nito ay
napagtanto niyang hindi masamang tao si Congressman, alam din ito ni Leni dahil
kahit pa halos hindi na nakikipagkita si Congressman sa kahit kanins, ng dumalow
ang ina nito, dali-dali niya itong ppinapasok Sa huli ay magkasamang hiniling nina
Dinasto at Leni na maging ninong nila sa kanilang kasal ang Congressman. Sabay
silang pumasok sa pintong pribado.

Vl. Implikasyon
1.Kalagayang Panlipunan / Pambansa
•Sa akda ni Clodualdo Del Mundo na “Mr. Congressman, Private “ Sa kalagayang
panlipunan/pambansa, ipinapakita ng akda ang mga suliranin at isyu sa sa lipunan,
mga taong lumalabag sa batas, at iba pang mga pangyayari na nangyayari sa totoong
buhay. Nagpapakita rin ito ng impluwensya ng mga pulitiko at kanilang mga
koneksyon sa lipunan.

2. Kalagayang Pangkabuhayan

•Sa kalagayang pangkabuhayan ng mga tao, ipinapakita ng akda ang kahirapan at


pangangailangan sa trabaho, kung saan may mga karakter na naghahanap ng
oportunidad para mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay.

3. Kalagayang Pansarilin
• Batay sa nangyari sa akda, ang kalagayang pansarili ng karakter na Dinasto ay
nagbago mula sa pagiging nayayamot at desididong magbitiw sa kanyang posisyon
hanggang sa pag-unawa at pagtanggap sa kabutihang-asal ng Congressman. Ipinakita
rin niya ang kanyang pagpapahalaga sa personal na ugnayan at pagkakaisa sa
pamamagitan ng paghiling na maging ninong sa kanilang kasal. Ang implikasyon nito
ay ang kapangyarihan ng pagbabago at pagkakaisa sa kabila ng mga pagkakaiba at
suliranin.

You might also like