You are on page 1of 2

De Jesus, Reymar L.

BAMP – 2A

Panitikan at Lipunan

El Filibusterismo (Kabanata 1-2)

Ang El Filibusterismo ay kasunod ng Noli Me Tangere kung saan si Crisostomo sa Noli


Me Tangere ay naging Simon na sa El Filibusterismo. Mapapansin din natin ang pagkakaiba ng
Noli Me Tangere sa El Filibusterismo kung saan mas naging mapahayag ang El Filibusterismo sa
problema at sa katayuan ng Lipunan natin ngayon. Sa kabanata 1, naglalaman ito ng ibat ibang
mensahe na kung ano ba ang nasa kubyerta. Inilarawan ni Jose Rizal kung ano ba ang meron sa
ibabaw ng kubyerta kung saan naririto ang mga matataas at may mga kapangyarihan na tao.
Inilarawan rin ni Jose Rizal na ang bapor ay representasyon ng ating pamahalaan kung saan ito
ay mapang-api, at mayabang. Inilarawan din ni Jose Rizal dito ang pagiging mabagal ng bapor
na kung ihahalintulad natin sa pamahalaan natin ngayon, ito ay nagmamaterialize. Sinabi sa
akda: “Kaya sinasabing malakas ding umusok ang barko ng Estado! Bumubulahaw ang silbato
bawat saglit, paos at naninindak tulad ng isang hari-harian na ibig mamahala nang pasigaw-
sigaw, kaya hindi maunawaan ng mga pasahero kahit ang kanilang sarili. Tinatakot nito ang
bawat makasalubong. Wawasakin wari ngayon ang mga salambaw, maninipis na kasangkapang
pangisda na kapag gumalaw ay tila mga kalansay ng higanteng yumuyukod sa isang sinaunang
pagong.” ang linyang ito ay patunay na inilalarawan ni Jose Rizal ang pagiging maingay,
malakas, at pagiging malaki ng bapos upang katakutan ito ng mga sumalubong dito na makikita
natin sa lipunan natin ngayon na iilan at kakaunti lang ang sumasangga sa pamahalaan dahil
madami ang natatakot sa kalakasan nito. Ayon kay Emilio Jacinto, ang liwanag ang katunayan at
ang Ningning ay maraya, na makikita din natin sa akda ni Jose Rizal kung saan inilarawan ang
bapor bilang maningning dahil sa kulay puti ito at dahil din sa ibat ibang palamuti na nakadikit
dito, tulad nga ng sinabi ni Emilio Jacinto ang ningning ay nakakasilaw at nakakasira ng
paningin na pilit tinatakpan ang katunayan na liwanag. Isa sa mga tauhan na naririto ay si Donya
Victorina at inilarawan ni Jose Rizal siya bilang isang indio na bastos ang bibig, at nakakabwisit
kung saan siya ay nagsusuot ng “wig” upang siya ay pagkamalan ng taga-Europa. Ito din ay
nagmamaterialize sa panahon natin ngayon dahil sa globalisasyon at paglaganap ng mga sikat na
produkto na nanggagaling sa ibat ibang bansa na pumipigil sa ating tangkalikin ang sariling
produkto. Naririto din si Don Custodio isang opisyal na konsehal, si Ben Zayb isang manunulat
kung saan siya ay hangang-hanga sa kanyang sarili, at si Simon. Nakaalitan ni Don Custodio si
Simon at sa bandang huli ay nanalo si Simon sa kanilang pagdidiskusyon, nanalo si Simon dahil
mataas ang tingin ng mga mamamayan kay Simon sa dahilang may impluwensiya siya sa
Heneral sa Maynila. Makikita dito ang pagtupi ng mamamayan sa kapangyarihan, na ang tanging
paraan para makinig ang mga tao sayo dapat ikaw ay mayroong nararapat na kapapngyarihan.
Masusuma natin na ang nasa itaas na kubyerta ay para lamang sa taong may kapangyarihan na
kung saan ito at napakagaling na metapora sa pamahalaan natin ngayon at lipunan. Silang may
kapangyarihan ay patuloy na mananatiling may kapangyarihan at ang mga mahihina at walang
kapangyarihan ay maninitili bilang mga mahihirap. Sa Kabanata 2, naririto naman ang ibabang
kubyerta. Inilarawan naman ni Jose Rizal dito kung sino-sino ang mga nasa ibabang kubyerta,
sila ang mga taong gusto makaranas ng kasaganahan ngunit sila ay nahihirapang ikamit ito dahil
sa ilalim na kubyerta ay mainit, masikip, at mabaho ang amoy. Ito ay nangyayare rin sa panahon
natin ngayon kung saan kaysa maghirap ang mga Pilipino para maghanap ng trabaho upang
makaahon ay ginagamit nila ang oras at pera sa mga walang kakwentang kwentang bagay. Isa sa
mga tauhan na naririto ay si Basilio at Isagani. Silang dalawa ay simbolo ng pagiging makabayan
sa akda ni Jose Rizal kung saan gagawin nila ang lahat upang makatulong sa bansang Pilipinas.
Naririto rin si Kap. Tiago kung saan siya ay tutol sa proyektong naiisip nila Basilio at Isagani,
kung susuriin ito, ito ulit ay nagmamaterialize dahil sa panahon natin ngayon na silang gobyerno
ang pinakaunang dapat sumuporta sa mga proyekto na naiisip ng mga mamamayan ay sila pang
hindi sumusuporta, kadalasan sila pa ang nagiging dahilan upang ito ay hindi matuloy.
Mapapansin din dito ang pagsabi ng serbesa at tubig kung saan ang serbesa ay nasisimbolo
bilang kastila at ang tubug ay para naman sa mga Pilipino. Sa ibabang kubyerta naman, kung sa
ibabaw na kubyerta ay tumupi ang mga mamamayan sa kapangyarihan ni Simon, dito sa ibaba na
kubyerta ay lakas loob na hinarap nila ang bagyo at walang katakot takot na nakipagdiskusyon
dito. Sa dalawang kabanata na ito inilarawan ni Jose Rizal kung ano ang nasa baba at itaas na
lugaw sa lipunan natin ngayon at mapanghanggang nagyon ito ay tunay dahil silang may mga
kapangyarihan ang nasusunod at ang silang mahihirap ang silang sumusunod.

You might also like