You are on page 1of 6

Aralin 8: Tapat na Paglilingkod

“Anumang salapi na kinita natin


nanggaling sa pawis dapat na isipin
ang pera ng bayan dapat na gamitin
sa ikabubuti ng bansa natin”

Talasalitaan…

Lider- isang mabuti at tapat na tao na siyang namumuno at gumagabay sa mga taong nasasakupan niya.

Siste- “sistema” kalakaran o mga pinagsama-samang pamamaraan, ayos o tuntunin ng mga bagay

Abubot- mga kagamitan, pansariling kagamitan o ma sangkap

Bupete- “Law Office” tanggapan kung saan

Pihong- sigurado, tiyak

Squeeze play- isang agresibong pagtatangka upang pilitin ang pagtanggap ng konsentrasyon o pagmamanipula ng
kapangyarihan

Obrero- trabahador, manggagawa

Aburido- abala, balisa

Susupalpalan- punuin ang bibig, pakainin, bigyan

Magugumon- maaadikto, masasanay

Likmuan- upuan

Pantalya- manikin, tau-tauhan, pakitang-tao

Politika- mga aktibidad na may kinalaman o nakakaimpluwensiya sa mga Gawain at panuntunan ng isang pamahalaan

Paglulunggatian- nanaisin, hahangarin


Basahin Natin…
Mr. Congressman
ni Clodualdo Del Mundo

Mga Tauhan:
“Mister Congressman” Makikilala ninyo ngunit hindi makikita
Dinasto Binatang ang ambisyon ay maging “Congressman”
Leni Dalagang ang ambisyon ay maging maybahay ng isang “Congressman”
Pikoy Mensahero ng Kongresista
Mang Ambo “Janitor” ng mga Kongresista
Aling Mameng Ina ng Kongresista

Diputado 1
Diputado 2 Mga tauhan ng administrasyon
Lider

Mister Areglo Isang taong masayahin at hangga’t maaari ay inaareglo ang mga kaso
Inaanak Isang batang babae na inaanak ni “Congressman”; Escolastica Ordinario
Kumpadre Isang maton na naghahanap ng trabaho; Bienvenido Baldoza
Mga yagit na nagkalat sa gusali ng kongreso

Panahon:
Sa taong ito ng pagkakaunlad, hindi lamang sa maraming bagay na material,kundi maging sa takbo man ng isipan ng
mga tao. Katunyan: ang tinatawag na “lider”ng bayan ay itinuturing na tagapaglapat ng lunas sa maraming sakit ng
ating kapanahunan, na kinabibilangan ng kawalan ng trabaho, paghihikahos at panlalamang, at panlilinlang sa kapwa,
at kung ano-ano pang bagay na hindi lubhang kilala noong panahon ng ating mga ninuno. At palibhasa’y tao rin, ang
“Congressman” na kinikilalang lider, sa purok na kaniyang kinakatawan, ay maasasabi nating hantungan ng lahat ng
pag-asa at pagkabigo ng bayan sa panahong ito: “A.D. 1960.”

Tagpo:
Tanggapan ni “Mister Congressman.” May mgma muwebles na karaniwan sa mga opisina na gusali ng Kapulungang
Pambansa. May isang pintong nakapinid na kababasahan ng ng mga titik sa dalawang patlang: “Mister Congressman,
Private.” Sa labas ng pintong iyon ay may dalawang mesa, isa sa gawing kaliwa at isa sag awing kanan. May harang na
naghihihwalay sa dalawang mesa sa pinakapasilyong nasa harapan ng tanghalan. Sa gawing kaliwa, malapit sa unahan
ng tanghalan, ay may ilang silya at isang mesita para sa mga panauhin. Sa dulong kanan ng pasilyo ay may pintong
ginagamit ng naglalabas-masok sa tanggapan.
ng trabaho gayong dalawang taon lang sa hayskul ang
kaniyang natapos at tatlong buwan lamang. Dumating
Simula: naman ang dalawang diputadong gaya ni Dinasto ang
nagtanong ng kaniiyang opinion tungkol sa paghingi ng
Gaya ng dapat asahan, dahan-dahang bubukas ang tulong sa mga Hapon ukol sa kabuhayan at ekonomiya.
telon na saglit na titigil kapag lumitaw na ang pintong Nayayamot na siya sa pagiging pantalya lamang ng
may babalang: “Mr. Congressman, Private” at “Congressman.” Desidido na si Dinasto na magbitiw
pagkatapos ay mabilis na mabubuksan upang tuluyang nang malamang magkaiba ang opinion nilang dalawa ni
makita ang kalahatan ng opisina. Ang unang makikita “Mister Congressman”
nating tao’y si Mang Ambo, ang “Janitor,” na siyang
may pinakamababang opisyo sa gusali ng mga diputado. Dumating pa ang isang maton na kumpadre ng
Nagwawalis siya, hindi nagdidiskurso. Maminsan- “Congressman” na nagngangalang Bienvenido Baldoza
minsan ay titigil upang masdan ang mawawalis niya; alyas “Ben Bulldog” na naghahanap ng trabaho kahit
sulsihong panyolito, sirang abaniko, pudpod na lipstick. maging bodyguard. Pinakahuling dumating ay isang
Manggagaling sa pintong nasa gawing kanan si Pikoy, matandang babae na Aling Mameng ang tawag.
ang mensahero-pangalawang pinakamababang opisyo Sinamahan siya pumasok sa loob ni Leni ngunit bumalik
sa gusali ring iyon-na maraming dalang mga pakete at uli ang dalaga kay Dinasto habang pinapanood niya
mga sulat. itong nagmamanikilya. Tinawag muli si Dinasto sa loob
kaya’t napilitan itong pumasok; sa kabilang banda ay
Buod: pinalitani Leni ang liham pagbibitiw ni Dinasto ng isang
liham na humihingi ng bakasyon. Pagbalik nito ay
Iba’t ibang tao ang nais makausap ang “Mr.
napagtanto niyang hindi masamang tao si Congressman,
Congressman” ngunit sa halip na siya ang kumausap sa
alam din ito ni Leni dahil kahit pa halos hindi na
mga ito ay sina Dinasto na kaniyang pantalya at Leni na
nakikipagkita si Congressman sa kahit kanino, ng
kaniyang sekretarya ang kumakausap sa mga ito.
dumalow ang ina nito, dali-dali niya itong ppinapasok.
Nananatili lang siya sa kaniyang pribadong kwarto.
Sa huli ay magkasamang hiniling nina Dinasto at Leni
Gustong kausapin ni “Lider” si “Mr. Congressman” na maging ninong nila sa kanilang kasal ang
tungkol sa isang squeeze play ngunit o panunuhol sa Congressman. Sabay silang pumasok sa pintong
isang lider ng kalaban niyang politiko. Nais namang pribado.
ikonsulta ni Mister Areglo ang dalawang kaso tungkol
Wakas:
sa mag-asawang gusting maghiwalay dahil inirereklamo
ng asawang babae ang lakas ng paghihilik ng kaniyang Pagkapasok nina Dinasto at Lenis a pintong pribado
katipan. Ang isa naman ay tungkol sa isang tsuper na ay dahan-dahang magsasara ang tabing na titigil nang
patong-patong ang paglabag sa batas. Isang batang saglit kapag ang nakikita na lamang ay ang pintong may
babae naman na nagpakilalang Estolastica Ordinario “Mister Congressman, Private” at pagkatapos ay
na inaanak ‘raw’ ng “Congressman” ang naghahanap tuluyan ng mapipinid.

Aral…

● May mga tao o pinuno na akala natin ay hindi kummikilos o walang ginagawa para sa kapakanan ng
nasaasakupan nila pero di natin alam na sila iyong bagaman nasa opisina lang nila, ay puspusang nag-iisip ng mga
proyekto, patas na tinitimbang ang mga usaping legal ng bayan nila at ilang beses na inuulit-ulit basahin ang mga
panukala sa kanila,makabuo lamang ng tamang desisyon.

Kislap-Kaalaman…

Ayon kay Julian C. Balmaceda (1974), ang agham ng dula ay siya namang nagtuturo sa atin ng pagyari ng isang akdang
pandulaan o paghahanda ng akdang tatanghalin, pagpili ng paksa, paghahanda ng balangkas, paglikha ng tauhan, at
pagbibigay ng buhay sa paksang napili na umaalinsunod sa paglalahad, buhol o kagustuhan at kalutasan o kakalasan.

Honorable Absent

ni Jose Corazon de Jesus

“Mga kababayan kung ako’y mahalal,

ay sisiskapin kong matubos ang bayan,

ma-araw, ma-gabi’y paglulunggatiang

matamo ang mithiing kasarinlan.

At ngayon senador itong si matanda,

Ngayong deputado itong aking bata

Sa lahat ng pulong ay laging ng wala,

Pagsusuweldo lamang naroon ang bunganga.

Sasahod ng kuwalta’y wala mang proyekto,

Ni hindi kilala ang tanging deputado

Ni kapwa senador ay walang amigo

Paano ay absent ang anak ng diyablo,

Oh, hayop-hayupan nitong aking bayan,

Sabihin mo ngayon ang katotohanan

“Mga kababayan, pag ako’y nahalal,

ay sasahod ako sa tuwing suwelduhan.”


Aral…

● Sa mga namumuno at mamumuno, obligasyon po natin na paunlarin at pagymanin ang ating bayan. Kayo po ang
inaasahan sa ating bayan, wag naman po sana tayong matulog sa pansitan. Magtrabaho din naman po tayo huwag
lang puro sahod.
● Sa atin naman pong mga botante, sa katunayan po, mas makapangyarihan pa tayo sa kanila, dahil sa atin
nakadepende ang pagkaluklok nila. Wag tayong pasisilaw sa mga mabulaklak nilang mga salita at pangako dahil
baka hanggang kampanya lang ang itatagal ng mga ito at lanta na pag natapos ang halalan. Piliin natin yung tama
at makabubuti para sa atin.

You might also like