You are on page 1of 1

Wala nga bang Puso sa Gilid ng Riles? Ni Daniel R.

de la Cruz

Sa kuwentong ‘to, inilahad sa simula ang pamumuhay ng apat na batang-riles na sina Emil, Victor, Rico at
ang naglalahad ng kuwento mismo. Ipinakita ang kanilang pagtitiis sa buhay at mga sari-sariling
karanasan at paghihirap nilang apat bilang isang tila “pamilya” or “pagkakapatid”.

Litaw ang pananaw na Marxismo sa akda dahil tumutok ang akda sa pangkaraniwang buhay ng mga
walang pera’t walang magawang mga Pilipino. Simple lang ang kanilang pamumuhay. Wala silang
masyadong pagtutunguhan lahat. Ikinumpara pa ng akda sa mga batang nasa Greenhills na wala
masyadong prinoproblema kundi pagpapasarap. Kita talaga ang paghahati ng nakatataas sa lipunan
kumpara sa mga nasa baba.

‘Di nila malaman kung saan sila papadpad at kung anong gagawin nila sa buhay. Sa paglipas ng panahon
nagkagulo-gulo na rin ang mga buhay nila. Kulang kasi sa opotunidad eh. Unti-unting naiwan na lang ang
tagapagsalaysay. Lahat na ng kaniyang mga kasamaha’y umalis at nagdesisyong tumigil sa pag-aaral. Lalo
pa silang malululong sa kahirapan

You might also like