Pinapakiramdaman ang mga nagniningning na berdeng damo sa bukiran. Nilalanghap ang sariwang hangin na dala ng mga bulaklak na nagbibigay halimuyak sa aking kapaligiran. Pinagmamasdan ang mga taong nagkakatuwaan.
Isa. Dalawa. Tatlo.
Pagmulat ng aking mga mata
Tila ba parang may kakaiba Ang kalsadang puno ng ingay at kaguluhan Ngayo’y nababalot nang matinding katahimikan
Ang tanging napagmamasdan
Mula sa bintana na walang kasiguraduhan Ay mga taong nakatakip na ang ilong at bibig. Mga usok mula sa trapik na ating kinagisnan Ay unti unti ng nawawala.
Para na tayong mga presong nakakulong
sa sarili nating mga tahanan. Naghihintay sa muling pagsikat ng araw Bilang hudyat sa muli nating pagbangon mula sa ating mga higaan.
Pilit kong pinipikit ang aking mga mata
Pinapanalangin na sana’y biro lang ang lahat Ngunit hindi, Ito na ang reyalidad Na kailangan nating tanggapin Hindi na natin kailangang lumabas sa ating mga pintuan Para habulin ang mga pangarap na inaasam Para tapusin ang buhay na sinimulan sa labas ng tahanan
Hindi hadlang na ika’y manatili sa apat na sulok na iyong kinagisnan
Upang ipagpatuloy ang laban Dahil ang hindi mo pagbukas ng pintuan Ay isang malaking tulong upang tapusin na itong karahasan at kahirapan Na dulot ng bakteryang pilit na pinupuksa ng karamihan.