You are on page 1of 3

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

MTB-MLE 2

Pangalan : ____________________________________ Petsa: _______________ Iskor: _____


Baitang at Pangkat: ___________________________ Guro: _______________________________
A. Basahin ang kuwento at sagutin ang mga kasunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang
sagot.
Ang Bakasyon
ni Glenda R. Listones

Isang tanghali, sa kantina ng paaralan ay nagkukuwento si Cassy sa kaniyang mga


kamag-aral na sina Ressy at Missy.
“Tuwing bakasyon ay pumapasyal kami ng aking pamilya sa iba’t ibang lugar sa
Pilipinas.
Nakapagtampisaw na ako sa malinis na dagat ng
Boracay sa Aklan. Napagmasdan ko na rin ang napakagandang hugis ng Bulkang Mayon sa
Albay at nahawakan ko na rin ang lupa sa Chocolate Hills ng Bohol. Naakyat ko na rin ang
matayog na Dambana ng Kagitingan sa Mt. Samat ng Bataan.”
“Sa lahat ng napasyalan ko, ang pinakapaborito ko ay ang Luneta Park ng Maynila
dahil nakita ko dito ang kasaysayan ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal,”
dagdag pa ni Cassy.
“Kailan kaya ulit ako makapapasyal doon?” ang huling sinabi ni Cassy.

____1. Ano ang pamagat ng kuwento?


A. Ang Bakasyon C. Ang Kalaban
B. Ang Kaaway D. Kalabang Di-Nakikita
____2. Sino ang nagkukuwento sa salaysay?
A. Cassie B. Cassy C. Kassy D. KC
____3. Nasaan sina Cassy, Ressy at Missy?
A. kantina B. palaruan C. silid- aklatan D. silid- aralan
____4. Kailan nakwento ni Cassy sa kanyang mga kaklase ang kanyang bakasyon?
A. Isang gabi B.Isang hapon C. Isang tanghali D. Isang umaga
____5. Ayon kay Cassy, ano ang pinakapaborito niyang pasyalan?
A. Boracay C. Dambana ng Kagitingan
B. Chocolate Hills D. Luneta Park
____6. Alin sa mga sumusunod na gawain ang HINDI nabanggit ni Cassy sa kaniyang
kuwento?
A. Inakyat ang Dambana ng Kagitingan.
B. Nagtampisaw sa malinis na dagat ng Boracay.
C.Pinagmasdan ang magandang hugis ng Bulkang Mayon.
D. Nakita ang kasaysayan ng ating pambansang bayaning si Andres Bonifacio sa
Luneta Park
____7.Alin sa mga sumusunod na lugar ang hindi nabanggit sa kuwento?
A. Albay C. Bohol
B. Bataan D. Zambales
____8. Ano ang kahalagahan ng pamamasyal sa iba’t – ibang lugar sa Pilipinas?
A. Upang makita ang magagandang tanawin sa Pilipinas.
B. Upang maipagmalaki ko ang magagandang tanawin sa Pilipinas.
C. Upang matutuhan ko ang kasaysayan ng magagandang tanawin sa Pilipinas
D. Upang walang matutunan sa kasaysayan ng magagandang tanawin sa Pilipinas.
B. Kumpletuhin ang pangungusap gamit ang angkop na salitang kilos. Piliin ang letra ng
tamang sagot.

____9. Ako ay ____________ kagabi bago matulog.


A. dasal B. nagdasal C. nagdarasal D. magdarasal
____10. Ako ay ____________ ng kamay kanina bago kumain.
A. hugas B. naghugas C. naghuhugas D. maghuhugas
____11. Ang tindera ay ___________________ ng mga bago niyang paninda ngayon.
A. alok B. nag-aalok C. nag-alok D. mag-aalok
____12. Tuwing Sabado kami ay __________ ng kurtina sa bintana.
A. palit B. nagpalit C. nagpapalit D. magpapalit
____13. ______________ ako ng ngipin mamayang gabi.
A. Sepilyo B. Nagsesepilyo C. Nagsepilyo D. Magsesepilyo
____14. Simula sa susunod na Martes, ____________ na kami ng mga manok.
A. alaga B. mag-aalaga C. nag- alaga D. nag-aalaga

C. Basahin ang mga pangungusap sa loob ng kahon.Piliin ang letra ng tamang sagot ayon
sa pagkakasunod-sunod ng larawan.

A. Pangalawa, magbihis ng malinis na uniporme.


B. Pang-apat, magsepilyo upang ngipin ay luminis.
C.Una, maligo upang katawan ay luminis at maging mabango.
D. Panlima, magmano kay nanay at tatay bago umalis ng bahay.
E. Pangatlo, kumain ng masustansyang pagkain upang maging malusog at matalas
ang isipan.

15 16 17

19
18

D.Basahin ang pangungusap at piliin ang letra ng angkop na gawain sa bawat pangungusap.

____20. Ano ang kasunod na gagawin pagkatapos magsabon at magshampoo?


A. magbanlaw B. maghilod C. magsepilyo D. magsuklay
____21.Ano ang gagawin mo pagkatapos mong magbungkal ng lupa?
A. Diligan ang halaman. C. Itanim na ang mga buto.
B. Paarawan ang itinanim. D. Ihanda ang mga kagamitan sa pagtatanim.
____22.Ano ang una mong gagawin bago kumain?
A. manalangin C. magsepilyo
B. maghugas ng kamay D. magdahan-dahan sa pagnguya
___23.Ano ang pangalawang hakbang sa paghuhugas ng kamay?
A. Basain ang kamay. C. Lagyan ng sabon ang kamay
B. Patuyuin ang kamay. D. Kuskusing mabuti ang kamay.
___24. Ano ang panghuling hakbang sa paghugas ng kamay?
A. Basain ang kamay. C. Lagyan ng sabon ang kamay.
B. Patuyuin ang kamay. D. Kuskusing mabuti ang kamay.
E. Basahin at unawain ang pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.
____25. Sana sa darating na bakasyon ay umuwi kami sa probinsiya. Anong ekspresyon ang
ipinapahayag sa pangungusap?
A. inaasahan C. tungkulin
B. obligayon D. wala sa nabanggit
____26. Alin sa pangungusap ang nagpapakita ng pag-asa?
A. Dapat laging mag-aral ng mga aralin.
B. Kumain ng masusustansiyang pagkain.
C. Umaasa akong maging isang guro balang-araw.
D. Kailangang palaging maghugas ng kamay para makaiwas sa sakit.
____27. Isang umaga, pumunta sa palengke ang iyong ina. Tumunog ang inyong telepono,
paano mo ito sasagutin?
A. Hello! Bakit?
B. Hello! Sino sila?
C. Hello! Magandang umaga. Sino sila?
D. Hello! Magandang umaga po. Maaari po bang malaman kung sino sila?
____28. Paano mo sasabihin sa kausap na wala ang kanyang hinahanap?
A. Wala siya dito.
B. Wala siya, umalis.
C. Bumalik ka na lang.
D. Ikinalulungkot ko po. Wala po siya dito ngayon.
____29. Ano ang iyong isasagot sa taong nagpasalamat sa iyo?
A. Ok, sige.
B. Salamat po.
C. Paumanhin po.
D. Walang anuman po.
____30. Nais mong malaman ang mensahe ng tito mong naghahanap sa iyong tatay. Paano
mo ito itatanong?
A. Bakit mo siya kailangan?
B. Bakit po hinahanap mo siya?
C. Ano po ang gusto mong sabihin sa kaniya?
D. Maaari ko po bang malaman ang inyong mensahe sa aking tatay?

You might also like