You are on page 1of 8

1

PHILIPPI NE NORMAL UNIVERSITY VISAYAS

33E20135
2

Inihanda ni:

Ricky D. Lobaton Jr.


Erika D. Moleño

Ipinasa kay:

Ginoong Jopher M. Dela Cruz

Taong Pang-Akademiko
2022-2023

I. LAYUNIN

Sa loob ng 1 oras na talakayan, 75 bahagdan ng mga mag-aaral sa ikasampung


baitang ay inaasahang:

a. Matutukoy ang mga iba’t-ibang malalaking Anyong - Tubig


b. Mapagnilayan ang kahalagahan ng iba’t-ibang Anyong Tubig
c. Makagagawa ng graphic organizer patungkol sa mga halimbawa ng iba’t-
ibang Anyong Tubig

INTEGRASYON:

Araling Panlipunan: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pang-unawa sa


kinalalagyan ng mga lalawigan sa rehiyong kinabibilangan ayon sa katangiang
heograpikal nito

Science: S3ES - IVc - d - 2

ESP: EsP2PPPIIId-e– 10
II. NILALAMAN:
a. Paksa: Mga iba’t-ibang uri ng malalaking Anyong Tubig
b. Konsepto: Ang Anyong-Tubig ay Likas na yaman na malaki ang ginagampanan sa pagpapaunlad ng iba’t-ibang sektor sa lipunan katulad na
lamang sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng isang bansa, nagsisilbing pangunahing hanapbuhay, transportasyon ng mga tao at produkto,
pinanggagalingan ng enerhiya, at iba pa. Tunay na mahalaga ang Yamang-Tubig, datapwat, kailangan natin pangalagaan at panatilihin para sa
susunod pang henerasyon.
c. Sanggunian: Araling Panlipunan Module 10 (pahina 289-290)
d. Kagamitan: Laptop (PowerPoint Presentation), projector, tarpapel, mga larawan at online games.
3

e. Balyu Pokus: Pagpapahalaga- sa mga iba’t-ibang uri ng Anyong Tubig.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Paunang Gawain “Opo ma’am”


1. Pambungad (Ang lahat ay mananalangin)
TAYO’Y MAGLAYAG, MAGSAGWAN, PATUNGO SA KAALAMAN! “Magandang umaga po Ma’am”

“Sa Bangka ni Robert maa’m”


“Sa Sasakyan ni Ashley ma’am”
Bago tayo magsimula, pulutin muna natin ang mga kalat sa ating paligid, ayusin ang (Susundin ng mag-aaral)
mga upuan, magsi upo ng maayos at itikom ang bibig para sa matiwasay na Tatlong palakpak, tatlong padyak, Sagwan, Sagwan, tungo sa kaalaman.
paglalakbay. “Opo ma’am”

“Opo ma’am”
Handa na ba kayong alamin kung saan naman tayo pupunta ngayong araw?
.

Bago ang lahat, humingi tayo ng gabay at pasasalamat sa ating Panginoon.


Inaanyayahan ang lahat na magsitayo para sa ating panalangin.
(may aatasang estudyante na pupunta sa harapan upang pangunahan ang panalangin)

Maraming salamat. Magandang umaga, ikasampung baitang.

Pwedi na kayong magsi-upo.

Noong nakaraang diskusyon tayo ay sumakay sa Jeep ni Jopay, ngayong araw saan
naman kaya tayo pupunta?

Okay, matutunghayan naman natin ang “Paglalayag ni Jopay” ngunit bago ang lahat,
tuturuan ko kayo ng Sagwan Clap.

Tatlong palakpak, tatlong padyak, at sasabihing “Sagwan, Sagwan, tungo sa


kaalaman”.

Magaling! Handang-handa na talaga sila. Bago tayo magpatuloy sa ating paglalakbay


aalamin muna natin ang mga alituntunin na dapat nating sundin sa ating talakayan
ngayong araw.
“Opo Sir”
1. Kapag itinaas ng guro ang kanyang kamay, ibig sabihin, dapat ang lahat
ay tumahimik at magbigay ng atensyon.

2. Kung gustong sumagot o may itatanong, itaas din ang kamay. Huwag
“Tatlong padyak, tatlong palakpak, Sagwan,
sumagot o magtanong ng sabay-sabay upang tayo ay magkaintindihan.
Sagwan tungo sa kaalaman”
3. Isulat ang mga mahahalagang detalye dahil magkakaroon tayo ng
pagsusulit pagkatapos ng talakayan.
4. Buksan ang isip, maging mapagmatyag at mag-enjoy.
4

Naiintindihan ba ang mga alituntunin?

Magaling!
2. Pagbabalik-Aral (THE QUIZ SHOW: NAAALALA MO PA
BA AKO?) “Patungkol sa Anyong Tubig Sir”
Upang tayo ay makapagpatuloy sa ating paglalakbay, syempre kailangan nating
balikan ang ating nakaraan leksyon. Dito natin malalaman kung nakinig ba o hindi ang
mga pasahero ni Jopay sa pamamagitan ng isang laro na tatawagin nating “THE
QUIZ SHOW: NAAALALA MO PA BA AKO?”

1. Matutukoy ang mga iba’t-


ibang malaking Anyong
Tubig
2. Mapagnilayan ang
kahalagahan ng Anyong
Tubig sa mga tao
3. Makagagawa ng graphic
organizer patungkol sa mga
halimbawa ng bawat
Anyong Tubig
“Opo Sir”
Panuto: May lalabas na mga katanungan sa screen at piliin ang tamang sagot. “Opo Sir”
Handa na ba ang lahat? “Opo Sir”
Magaling! Simulan na natin. “Arat na!”
3. Pagganyak (AKO NALANG KASI) “Opo ma’am”

“Mahalaga po ang Anyong Tubig dahil hindi lang ito pinagkukunan ng tubig na
Palapit na palapit na tayo sa ating pupuntahan ngunit bago yan kailangan ulit nating
ating ginagamit sa pang araw-araw, marami pa itong silbi”
sagutan ang susunod na gawain upang tayo ay makapagpatuloy sa ating paglalakbay.
“Ito ang pinakamalaking anyong-tubig at maalat ang tubig dito at ibang bahagi ay
malalim At mayroong limang karagatan sa daigdig ang Arktiko, Atlantiko, Indian
Alam kong pamilyar na kayo sa larong ito ngunit ngayon tatawagin na natin itong
Pasipiko, at Katimugang Karagatan o Southern Ocean.
“AKO NALANG KASE!”
“Ang Dagat ay anyong-tubig ngunit mas maliit kaysa sa dagat. Karamihan ng
ating mga lamang-dagat ay galing sa Dagat Pilipinas at sa Dagat Kanlurang
Panuto: Hahatiin ang buong klase sa dalawang grupo. May ipapakitang mga numero
Pilipinas.”
at sa likod nito ay mayroong mga larawan at nakabaliktad na mga salita na kailangan
“Ito ay anyong-tubig na halos napapaligiran ng lupa maliban sa kaunting
ayusin ang pagkakasunod-sunod ng bawat titik. Bibigyan ng pagkakataon ang bawat
karugtong ng dagat. Ang halimbawa ng kilalang look na makikita sa Pilipinas ay
grupo na makasagot at may katumbas na sampung puntos ang pangkat na makakasagot
ang Manila Bay at ang Subic Bay”
ng tama. Kung sino ang may mas malaking puntos na nakuha, sila ang panalo.
“Ang lawa ay anyong-tubig na napapaligiran ng lupa. Ang pinakamalaking lawa
sa Pilipinas ay ang Laguna de Bay, Lawa ng Lanao, at Lawa ng Taal.”

“Ang ilog ay isang anyong-tubig na nabubuo kapag ang tubig ay dumadaloy mula
sa mataas na lugar. Halimbawa ng mahahabang ilog sa Pilipinas ay ang Ilog
Cagayan, Ilog Mindanao, Ilog Agusan, Ilog Pulangi, at Ilog Pampanga.

“Para sa akin, ang dagat ang pinaka importanteng anyong-tubig dahil maraming
isda dito at dito kadalasan kinikuha ang pangangailangan natin o pang araw-araw”
5

“Wala na po Ma’am.”
Ikasampung baitang nakuha ba ang panuto? Yes po Ma’am.

Sige, simulan na ang laro! Gawin ulit natin ang sagwan clap.

Tatlong padyak, tatlong palakpak, Sagwan, Sagwan tungo sa kaalaman.

4. Paglalahad
Batay sa mga katanungan at inyong kasagutan, tungkol saan kaya ang ating paksang
tatalakayin? May ideya ba kayo? Sino ang makakapaghula? Kung sino ang
makakasagot ay mayroong libreng tiket sa bangka ni boyet.
Magaling! Ang ticket na ito ay may kapalit na papremyo.
Tayo’y magpatuloy na sa ating paglalakbay at ating basahin ang ating layunin sa araw
naito. Isa, dalawa, tatlo basa.

1. Matutukoy ang mga iba’t-ibang


malaking Anyong Tubig
2. Mapagnilayan ang kahalagahan
ng Anyong Tubig sa mga tao
3. Makagagawa ng graphic
organizer patungkol sa mga
halimbawa ng bawat Anyong
Tubig at nasusuri ang lokasyon
ng mga ito gamit ang mapa.
6

Paalala lang class, kailangan parin nating sundin ang mga alituntunin na aking sinabi
kanina.
Naiintindihan ba?
Ngayon, handa na ba kayo sa ating paglalayag?
Kilala nyu ba si Zeinab Harake at ang sikat nyang “Arat na!”. Gagawin natin iyon.
Inaanyayahan ang lahat na tumayo at gawin ang Arat na. Isa, dalawa, tatlo Arat na!
B. PAGLINANG NG GAWAIN
1. Aktibidad (JOPAY, KAMUSTA KA NA? )
Sa puntong ito, kakamustahin natin ang mga napuntahan na ni Jopay sa pamamagitan
ng isang gawain.
Panuto: Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa limang pangkat at gagawa ng graphic
organizer patungkol sa mga iba’t ibang uri ng Anyong Tubig, paglalarawan, mga
halimbawa at ang lokasyon ng nakatalagang anyong tubig sa pangkat (Integrasyon sa
Science: S3ES - IVc - d – 2). May ibigay na mga babasahin para sa basehan ng sagot
at mga tarpapel sa bawat grupo. Pagkatapos ay bibigyan sila ng limang minuto upang
tapusin ang kanilang gawain.
Nagkakaintindihan po ba tayo?
Magaling! Ang limang minuto niyo ay magsisimula na!

2. Analisis
Maligayang Pagdating sa Camp Wagi, titingnan natin kung naging wagi ba ang bawat
grupo sa pagsagot kanilang gawain.
Tanong: Bakit mahalaga ang anyong tubig sa mga tao?

Tama! Kung wala ang anyong tubig, maaring wala tayong supply ng tubig,
transportasyon, enerhiya o elektrisidad.
Tanong: Ano ang katangian ng karagatan?

Tama! Ang karagatan ay ang pinakamalaking anyong tubig at maalat ang tubig dito at

ang ibang bahagi ay napakailalim. At mayroong limang karagatan sa daigdig ang


Arktiko, Atlantiko, Indian Pasipiko, at Katimugang Karagatan o Southern Ocean.
Tanong: Anong ang katangian ng dagat?

Tama! Ang dagat ay maalat na anyong-tubig ngunit mas maliit kaysa sa karagatan at
maraming isda at organismo ang nakatrira dito. Sa Pilipinas, ito ang pinangkukunan ng
lamang dagat, ang Dagat Pilipinas o Philippine Sea at Dagat Kanlurang Pilipinas o
West Philippine Sea.
Tanong: Ano ang katangian ng Look?

Tama! Ang look ay ang uri ng anyong tubig na halos napapligiran ng lupa maliban sa
karugtong ng dagat at dito sa Pilipinas mayroong dalawang kilalang look ang Manila
Bay at Subic Bay.
7

Tanong: Ano ang katangian ng Lawa?

Tama! Ang lawa ay anyong-tubig na napapaligiran ng lupa at matabang ang tubig dito
at ang pinakamalalaking lawa sa Pilipinas ay ang Laguna de Bay, Lawa ng Lanao at
Lawa ng Taal. Sa lawa magandang mamingwit, mamangka at lumangoy.
Tanong: Ano ang katangian ng Ilog?

Tama! Ang ilog ay anyong-tubig na nabubuo kapag ang tubig ay dumadaloy mula sa
mataas na lugar. Ang halimbawa ng Ilog na makikita sa Pilipinas ay ang Ilog Cagayan,
Ilog Mindanao, Ilog Agusan, Ilog Pulangi, at Ilog Pampanga.
At iyon ang mga iba’t ibang uri ng Anyong Tubig. May katanungan pa po ba?
C. Abstraksyon
1. Paglalahat

Tanong: Batay sa mga natutunan natin ngayon tungkol sa iba’t ibang uri ng Anyong
Tubig, alin sa tingin mo ang higit na nakatutulong sa mamamayang Pilipino?
Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag.

D. APLIKASYON
Ngayon class ay magkakaroon ulit tayo ng isang gawain. “Liham para sa mga Anyong
Tubig”
Sitwasyon: Isipin natin na mga tao ang mga Anyong Tubig, bilang isang mag-aaral,
ipapaabot natin ang ating pasasalamat sa kanilang mga nagawang tulong sa ating
lipunan sa pamamagitan ng Isang Liham.
Panuto: Bibigyan ang bawat mag-aaral ng isang papel na kanilang susulatan ng liham.
Pagkatapos ng Gawain ay tatawag ang gurong mag-aaral ng dalawang estudyante na
magbahagi ng kanilang liham sa klase.
(Integrasyon sa EsP2PPIIId-e-10)
Pamantayan sa Pagbigay ng Puntos:
Nilalaman - 10
Paggamit ng bantas at malaki at maliit na
titik - 10
Paggamit ng mga salita - 10
Kabuuan - 30
E. PAGTATAYA
May mga katanungan o klaripikasyon pa ba kayo sa ating tinalakay na paksa?
Bilang pagtatapos ng ating aralin para sa araw magkakaroon tayo ng maikling
pagsusulit. Bibigyan ang bawat mag-aaral ng sagutang papel
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at ibigay ang tamang sagot. Isulat ang KERI
kung ang pahayag ay TAMA at isulat naman ang LIGWAK kapag ang pangungusap
ay Mali.
Naintindihan ba ang panuto?
1. _______ Ang karagatan ay ang pinakamalaking anyong-tubig.
2. _______ Walang isda at iba pang organismo na makikita sa anyong-tubig
na Dagat.
3. _______ Ang lawa ay isang anyong-tubig na napapaligiran ng lupa.
4. _______ Halimbawa ng look na makikita sa Pilipinas ay ang Arktiko,
Atlantiko at Pasipiko.
8

5. _______ Ang Ilog ay ang anyong-tubig na nabubuo kapag ang tubig ay


dumadaloy mula sa mataas na lugar papunta sa dagat o karagatan.

F. TAKDANG ARALIN
Panuto: Basahin ng maaga ang inyong Araling Panlipunan Module sa pahina 290
tungkol sa Mga Likas na Yaman.

You might also like