You are on page 1of 30

2

Mathematics
Ikaapat na Markahan – Modyul 1.2:
Visualizing, Representing and
Solving Problems Involving Time
Mathematics – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1.2: Visualizing, Representing and Solving Problems
Involving Time
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Febelyn A. Galande
Editor: Milagros F. Bautista PhD
Tagasuri: Emelita DT. Angara
Tagaguhit: Marivic T. Echon
Tagalapat: Febelyn A. Galande
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Erleo T. Villaros PhD
Estrella D. Neri
Milagros F. Bautista PhD

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
Email Address: region3@deped.gov.ph
2

Mathematics
Ikaapat na Markahan–Modyul 1.2:
Visualizing, Representing and
Solving Problem Involving Time
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Matematika 2 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Visualizing, Representing and Solving Problems Involving Time.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Matematika 2 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Visualizing, Representing and
Solving Problems Involving Time.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman


mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o


balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

iii
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing


para sa malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng mga


gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iv
Karagdagang
Sa bahaging ito, may ibibigay
Gawain
sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga


tamang sagot sa lahat ng mga
gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka
ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aktibidad


na makatutulong sa iyo upang matutunan ang
pagpapakita at pagkuha ng elapsed time gamit ang
oras at minuto ng bawat araw.
Ang mga aktibidad sa modyul na ito ay magtuturo
din sa iyo na gamitin ang am at pm bilang pananda sa
oras ng bawat araw. Sa katapusan ng modyul na ito,
ikaw ay inaasahan na:
• visualizes, represents, and solves problems involving
time-minutes including AM, PM and elapsed time in
days.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang titik na nagtataglay ng tamang sagot


sa katanungan sa bawat bilang at isulat sa inyong
sagutang papel.
1. Ako ay nagising makalipas ang 30 minuto kaninang
hapon. Kung ako ay nagising sa ganap na ika-4:00 PM,
anong oras ako nagsimulang matulog?
A. 1:30 B. 3:30 C. 2:30 D. 4:30
2. Kami ay kumain ng aming tanghalian ng ika-11:00 AM.
Kami ay natapos sa ganap na ika-12:00 PM. Ilang oras
ang aming ginugol sa pagkain?
A. 1 oras B. 2 oras C. 3 oras D. 4 oras
3. Nanood ako kaninang umaga ng aking paboritong
palabas sa TV ganap na ika-9:35 AM at natapos sa
ganap na ika-9:50 AM. Ilang minuto ang aking ginugol
sa panonood?
A. 15 B. 20 C. 25 D. 30
4. Ika-7:00 ng gabi ng kami ay dumating sa bahay galing
sa palengke. Kung kami ay gumugol ng 2 oras sa
pamimili, anong oras kami umalis papuntang
palengke?
A. 4:00 B. 5:00 C. 6:00 D. 7:00
5. Kami ay nakarating sa bahay ng ika- 4:50 ng hapon.
Kung 25 minuto ang aming ginugol sa paglalakad
pauwi ng bahay, anong oras kami umalis sa paaralan?
A. 4:05 B. 4:10 C. 4:20 D. 4:25

2
Aralin Visualizing, Representing and
1 Solving Problems Involving Time

Nahirapan ka ba sa paunang pagtataya? Sa


modyul na ito ay mas lalalim pa ang iyong kaalaman sa
tamang pagkuha ng elapsed time.

Balikan

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod at isulat ang sagot


sa sagutang papel.
1. Iguhit sa analog clock ang oras na 8:15.

:
_______2. Isulat ang oras na “ikalima at kalahati ng hapon
gamit ang digital clock na nasa unahan ng bilang 2.
PM 3. Anong oras ang isinasaad sa orasan?

4. Malamig ang simoy ng hangin tuwing ika-5:00 ____ ng


madaling araw.
5. Kami ay dumalo sa Birthday Party ng ika-3:00 _____.

3
Mga Tala para sa Guro
Maaring ipaguhit sa mag-aaral ang orasan
upang maipakita ang oras at minuto.

Tuklasin

Ang elapsed time ay ang oras na ginugol mula sa


simula hanggang sa matapos ang gawain. May mga
pamamaraan upang makuha ang elapsed time. Maaari
ding gumamit ng number line para mahanap ang
elapsed time.
Halimbawa 1:

Umalis ng bahay si
Edgardo ng 7:00 AM
patungong Camp Cesar
noong Lunes. Siya ay
dumalo sa iskawting at
dumating siya doon ng ika
7:45 AM.

Ilang minuto ang nakalipas mula ng umalis si


Edgardo sa kanilang bahay hanggang sa dumating siya
sa Camp Cesar?

4
Kapag ang hinahanap sa isang suliranin ay ang oras
o minutong ginugol sa isang gawain o elapsed time,
gamitin ang pagbabawas o subtraction. Sa suliranin sa
taas ang oras nang pagsisimula at kung kailan ito
natapos ay ipinakita.
Pagbawasin ang oras ng kanyang pagdating sa
Camp Cesar sa ganap na ika-7:45 ng umaga at oras ng
kanyang pag-alis sa kanilang bahay sa ganap na ika-
7:00 ng umaga. Ang nakuhang sagot na 0:45 ang
tinatawag na elapsed time.

7:45 AM - oras ng kanyang pagdating


sa Camp Cesar
7:00 AM - oras ng kanyang pag-alis sa
kanilang bahay
0:45 - minutong ginugol niya sa
paglalakbay o elapsed time

Halimbawa 2:
Natapos ni Tan-Tan ang
kanyang proyekto sa ganap
na ika-6:55 PM Kung ginawa
lamang niya ito sa loob ng 35
minuto, anong oras siya
nagsimulang gumawa ng
kanyang proyekto?

Gayundin kapag ang hinahanap sa suliranin ay ang


oras kung kailan ito nagsimula at ibinigay kung ilang oras
o minuto ang ginugol sa gawain at oras kung kailan ito
natapos, ang gagamitin ay pagbabawas o subtraction.
Bigyang pansin ang halimbawa 2.
5
Pansinin na naibigay ang minutong ginugol niya sa
paggawa ng kanyang proyekto , ito ang 35 minuto. Ang
hinahanap sa suliranin ay ang oras ng kanyang
pagsisimula sa paggawa ng kanyang proyekto.
Upang mahanap ang oras na kanyang pagsisimula
sa paggawa, pagbawasin ang oras na siya ay natapos
at ang minutong kanyang ginugol sa paggawa.

6:55 PM – natapos niya ang kanyang


proyekto
0:35 PM – minutong ginugol niya sa
paggawa
6:20 PM - oras ng kanyang pagsisimula
sa paggawa ng kanyang
proyekto

Halimbawa 3:

Si Steward ay nagsimulang
magsagot sa kanyang module
sa ganap na ika- 8:00 ng
umaga. Kung gumugol siya ng
3 oras, anong oras siya natapos
mag-aral at magsagot ng
kanyang module?

Samantala, kapag ang hinahanap sa suliranin ay


ang oras o minuto kung kailan natapos ang gawain at
ibinigay sa suliranin ang oras o minuto kung kailan ito
nagsimula at oras o minutong ginugol, ang gagamitin ay
pagdadagdag o addition. Bigyang pansin ang
halimbawa 3.

6
Pansinin na naibigay ang oras na ginugol niya sa
pagsagot sa kanyang module, ito ang 3 oras. Ang
hinahanap sa suliranin ay ang oras na siya ay natapos
magsagot ng kanyang module.

Upang mahanap ang oras kung anong oras siya


natapos sa pagsagot, idagdag ang oras na siya ay
nagsimula at ang oras na kanyang ginugol sa pagsagot.

8:00 AM – nagsimula siya sa kanyang


+ pagsagot
3:00 – oras na ginugol niya sa
________ pagsagot
11:00 AM - oras na siya ay natapos sa
pagsagot ng kanyang
module

7
Suriin

Gamit ang halimbawa 1, 2 at 3 sa pahina 4


hanggang 6, maaaring gumamit ng number line para
mahanap ang elapsed time.
Halimbawa 1: 45 minuto

5 + 5 + 5 + 5 + 5 + 5 + 5 + 5 + 5

7:00 7:05 7:10 7:15 7:20 7:25 7:30 7:35 7:40 7:45

cv

Oras ng kanyang cv
Oras ng kanyang
pag-alis pagdating
Halimbawa 2: 35 minuto

Oras na siya ay Oras na siya ay


nagsimulang natapos gumawa
gumawa ng kanyang ng kanyang
proyekto proyekto

8
Halimbawa 3:
3 oras

Oras na siya ay Oras na siya ay


nagsimulang natapos
magsagot ng magsagot ng
kanyang module kanyang module

Pagyamanin

Tingnan natin ngayon kung naunawaan mo ang


tinalakay sa itaas. Subukin mong sagutin ang sumusunod
na gawain.
A. Panuto: Basahin ang mga word problems at pillin ang
titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Nagsimulang gawin ni Steffany A. 10 minuto


ang kanyang takdang aralin B. 20 minuto
ng 6:15 PM Kung natapos niya C. 30 minuto
ito sa ganap na 6:45 PM, D. 40 minuto
gaano katagal niyang ginawa
ang kanyang takdang aralin?

9
2. Ganap na 6:10 PM ng gawin
ni Fredrich ang kanyang A. 35 minuto
proyekto sa Filipino. Ito ay B. 40 minuto
natapos niya ng 6:50 PM. C. 45 minuto
Ilang minuto niyang ginawa D. 50 minuto
ang kanyang proyekto?

3. Si Christopher ay nagsimulang
manood ng kanyang A. 10 minuto
paboritong palabas sa TV ng B. 15 minuto
ika 9:30 AM, natapos niya ito C. 20 minuto
ng 9:55 AM. Ilang minuto ang D. 25 minuto
ginugol niya sa panonood?

B. Panuto: Gamitin ang inihandang talaarawan ni


Colleen sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang oras na ipinakita sa pamamagitan ng number
line.

Gawain Oras
Paliligo 6:00 AM
Pagkain ng almusal 7:00 AM
Paglilinis ng kuwarto 8:00 AM
Pagdidilig ng halaman 9:00 AM
Pagpupunas ng Floorwax 10:00 AM
Paggawa ng takdang aralin 11:00 AM

10
________1. Ilang oras ang nakalipas mula ng maglinis ng
kuwarto si Colleen hanggang sa oras na siya
ay magdilig ng halaman?
A. C.

B. D.

________2. Pagkatapos niyang maligo, ilang oras bago


siya magpunas ng floorwax?

A. C.

B. D.

________3. Ilang oras ang pagitan mula sa paglilinis ng


kuwarto hanggang sa oras ng paggawa ng
takdang aralin?

A. C.

B.
D.

11
C. Panuto: Hanapin sa kahon ang katumbas na elapsed
time ng mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

2:30 PM 9:45 AM 6:50 AM

__________1. Ang pangkat ni


Steff ang tagapaglinis ng silid
aralan. Ika-6:30 ng umaga
nang sila ay magsimula at
natapos pagkalipas ng 20
minuto. Anong oras sila
natapos maglinis ng silid
aralan?

__________2. Si Jimwel ay
natulog ng ika-2:00 PM.
Gumising siya makalipas
ang 30 minuto. Anong oras
siyang gumising?

__________3. Ang bibingka


ay sinimulang lutuin ng ika
9:30 AM at naluto
pagkalipas ng 15 minuto.
Anong oras naluto ang
bibingka?

12
D. Panuto: Basahin ang usapan ng magkaibigan at
sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Abala ako
ngayon sa
Kumusta pag-aaral,
Christel? Halos 2 Stanley.
oras nang hindi
tayo nagkikita.

Kami rin, 50
minuto ang
ibinigay sa
amin na
Ako nga rin e, palugit pero
meron nga natapos ko
kaming project. ito sa loob
Dapat matapos ng 20 minuto
namin ito sa lamang.
loob ng 1 oras.

13
Mga Tanong:
1. Kung ang huling oras na nagkita ang magkaibigan ay
7:00 AM, anong oras nangyari ang pag-uusap na ito?
A. 6:00 AM
B. 7:00 AM
C. 8:00 AM
D. 9:00 AM
2. Kung 3:00 PM ipapasa ang proyekto, anong oras
natapos ni Christel ang kanyang proyekto?
A. 2:20 PM
B. 2:30 PM
C. 2:40 PM
D. 2:50 PM
3. Anong mabuting pag-uugali ang mayroon si Christel?
Bakit?
A. Siya ay gumagawa ng kanyang proyekto sa tamang
oras.
B. Siya ay hindi marunong gumamit ng oras.
C. Siya ay hindi nag-aaral.
D. Siya ay umaasa iba upang gawin ang kaniyang
proyekto.

Kumusta ang pagsagot mo sa mga gawain?


Nahirapan ka ba? Kung hindi ka sigurado sa iyong mga
sagot maaari mong balikan ang aralin. Kung sigurado ka
naman sa mga sagot mo, binabati kita.

14
Isaisip

Panuto: Punan ang patlang base sa iyong napag-aralan.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______1. Dumating si Steeven sa plasa ng ika-4:30 PM


upang maglaro. Ika-5:45 PM na ay wala pa rin si
David kaya umuwi na si Steeven. Gaano katagal
naghintay si Steeven kay David?
A. 1 oras at 15 minuto C. 1 oras at 25 minuto
B. 1 oras at 20 minuto D. 1 oras at 30 minuto
_______2. Si Audrey ay umalis ng bahay patungong
palengke ng ika0-6:00 AM. Pagdating niya sa
palengke ay 8:30 AM na. Gaano katagal ang
kanyang biyahe patungong palengke?
A. 2 oras at 5 minuto C. 2 oras at 20 minuto
B. 2 oras at 10 minuto D. 2 oras at 30 minuto
_______3. Ika-4:30 PM ipinasa ni Edgardo ang kanyang
proyekto. Ilang oras at minuto ang kanyang
ginugol kung nagsimula siyang gumawa sa
ganap na ika-1:00?
A. 3 oras at 20 minuto C. 3 oras at 40 minuto
B. 3 oras at 30 minuto D. 3 oras at 50 minuto

15
Isagawa

Panuto: Gamit ang iyong natutunan, sagutin ang bawat


bilang. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

_______1. Nagsimulang maglaba si Lola Rosie ng ika-


7:25 AM, natapos siya ng ika-10:25 AM. Ilang oras
ang ginugol ni Lola Rosie sa paglalaba?
A. 2 oras C. 4 oras
B. 3 oras D. 5 oras
_______2. Ang mababang paaralan ng Quirino ay
nakilahok sa Lakbay Aral. Ang bus ay umalis ng
ika-5:00 AM at dumating sa Museo de Baler ng
ika-5:20 AM. Ilang minuto silang naglakbay?
A. 20 minuto C. 40 minuto
B. 30 minuto D. 50 minuto
_______3. Si Ralph ay nanood ng TV simula ika 6:00 PM
hanggang ika-8:15 PM. Gaano siya katagal
nanood ng TV?
A. 2 oras at 5 minuto C. 2 oras at 15 minuto
B. 2 oras at 10 minuto D. 2 oras at 20 minuto

16
Tayahin

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang


mabuo ang maikling kuwento. Piliin sa loob ng panaklong
at isulat sa sagutang papel.

Ang Paaralang Elementarya ng Quirino ay


magkakaroon ng field trip. Ang bus ay nagsimulang
(1)
umalis ng ganap ng ika- 5:00 _______ (AM, PM) ng
madaling araw patungong Baler.
Ang biyahe ay inabot ng limang oras, kayat ika-
(2)
_______ (10:00 AM,10:30 AM) na ng dumating sila doon.
Tuwang-tuwa ang mga bata sa dami ng kanilang
nakita habang nagbibiyahe.
Narating nila ang Museo de Baler sa ganap na
ika-11:00 AM. Pagkalipas ng dalawang oras nalibot
(3)
nila ang buong museo at ganap nang ika-1:00 _______
(AM, PM) ng hapon.
Kumain sila ng miryenda sa Quezon Park ng
ganap ng ika 3:00 PM. Di nila namamalayan na ika-
3:45 PM na pala.
(4)
“Naku _______ (45, 35) minuto din tayong kumain,
napasarap ang ating kuwentuhan” wika ni Steve.
“Kung ika 4:00 na ng hapon, darating tayo sa tabi
ng dagat pagkalipas ng isa at kalahating oras, mga
(5)
ika _______ (4:30 PM, 5:30 PM) ay naroon na tayo”,
wika ni Sir Ed.

17
“Yehey” sabay sabay na wika ng mga bata.
Napuno ng tawanan at kuwentuhan ang
kanilang biyahe pauwi.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang hinahanap sa suliranin. Isulat ang titik


ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Tuwing Sabado, si
Rynzel ay naglilinis ng
kanyang silid tulugan
simula ika- 7:10 AM.
Kung 35 minuto ang
kanyang ginugugol sa
paglilinis, anong oras
siya natatapos sa
paglilinis?
A. 5:45 AM B. 6:45 AM C. 7:45 AM D. 8:45 AM

2. Naayos ni Kuya Onad


sa loob ng 3 oras ang
kanilang bakod. Anong
oras siya nagsimula
kung natapos niya itong
gawin ng ika-10:00 ng
umaga?
A. 6:00 AM B. 7:00 AM C. 8:00 AM D. 9:00 AM

18
3. Ganap na 7:20 PM ng gawin ni
Fhebie ang kanyang portfolio sa
Mathematics. Ito ay natapos niya
ng 7:50 PM. Ilang minuto niyang
ginawa ang kanyang portfolio?
A. 5 minuto C. 20 minuto B. 10 minuto D. 30 minuto

4. Si Fredrich ay nagsimulang
manood ng Math-Tinik ng
ika-9:30 AM, natapos ang
palabas ng 9:50 AM. Ilang
minuto ang kanyang ginugol
sa panonood?

A. 10 minuto B. 20 minuto C. 30 minuto D. 40 minuto

5. Natapos ni Aling Paning sa loob


ng 2 oras ang kaniyang
paglalaba. Anong oras siya
nagsimula kung natapos niya
itong gawin ng ika 11:00 ng
umaga?

A. 9:00 AM B. 10:00 AM C. 11:00 AM D. 12:00 AM

19
20
Subukin Balikan Pagyamanin
1.D A. C.
2.A 1. 1. C 1. 6:50 AM
3.C 2. B 2. 2:30 PM
4.B 2. 5:30 3. D 3. 9:45 AM
5.D
3.2:30
B. D.
4.AM 1. D
1. B
2. A 2.C
5.PM
3. C 3.A
Isaisip Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain
1. AM
1.C 1.B 2. 10:00 AM 1. C
2.D 2.A 3. PM 2. B
3.B 3.C 4. 45 minuto 3. D
5. 5:30 PM 4. B
5. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Canilao, Agnes V., Cesar Mojica, Murcia Felicima, Laura


Gonzaga, at Yolita Sangalang. 2017. Phoenix Math
for the 21st Century Learners. Republika ng Pilipinas:
Kagawaran ng Edukasyon.
Catud, Hermininio Jose C., Shierley F. Ferrera, Danilo
Padilla, at Rogelio Candido. 2013. Mathematics 2
Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Republika ng
Pilipinas: Kagawaran ng Edukasyon.
Catud, Hermininio Jose C., Shierley F. Ferrera, Danilo
Padilla, at Rogelio Candido. 2013. Mathematics 2
Teacher’s Guide Tagalog. Republika ng Pilipinas:
Kagawaran ng Edukasyon.
Gabay sa Pagtuturo ng Matematika sa Baitang 2, 2003.
Republika ng Pilipinas: Kagawaran ng Edukasyon.
Gabay Pangkurikulum ng Matematika sa Baitang 2, 2016.
Republika ng Pilipinas: Kagawaran ng Edukasyon.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like