You are on page 1of 10

ANG WIKA: Ang iba’t ibang

gamit at tungkulin ng kasanayan


Inihanda ni: Ritchelle A. Modesto
Ano ang masasabi ninyo sa video na
nakita?
GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA
+ INSTRUMENTAL- ang wika ay ginagamit upang makuha ng
tagapagsalita ang kanyang mga kinakailangan katulad
lamang ng material o serbisyo.

Halimbawa:
- Pagtukoy sa nais bilhin na selpon sa isang mall.
- Pag-order ng pagkain sa isang restawran.
GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA
+ INTERAKSIYONAL- sa isang komunidad, may iba’t-ibang
tao tayo na makikila o makakahalubilo. Kaya dapat matuto
tayong makiisa o makipagkapwa sa kanila,

Halimbawa
- Pagbati ng magandang ugma sa mga kapitbahay.
- Pagkwentuhan sa mga taong bago mo lamang na kilala.
GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA
+ PERSONAL- ginagamit ito upang maipahayag ang sariling
saloobin sa lipunang kinabibilangan.

Halimbawa
- Pagpapahayag ng opinion sa isang pulong.
- Pagiging bukas sa mga problema sa sarili.
GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA
+ REGULATORI- ang tungkulin ng wika dito ay kumontrol ng
kilos, asal, o paniniwala ng ibang tao. Ginagamit rin ito sa
pagimpluwensya ng tagapagsalita sa madla.

Halimbawa
- Pag-uutos ng tatay sa kanyang anak na lalaki
- Pag-sasalita sa isang debate.
GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA
+ HEURISTIKO- ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap
ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan . Kasama rito
ang pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong tungkol sa
paksang pinag-aaralan
Halimbawa
- Pakikinig ng radio o panonood sa telebisyon.
- Pagtatanong, Pag-interview o pagsusurvey.
GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA
+ IMPORMATIBO- ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay
impormasyon sa paraang pagsulat at pasalita.

Halimbawa
-  Pagbibigay-ulat, paggawa ng pamanahong papel, tesis,
panayam, at pagtuturo.
GAMIT AT TUNGKULIN NG WIKA
+ IMAHINATIBO- ang tungkulin ng wika ay ang paglikha ng
mga kwento, tula, at iba pang mga malikhaing ideya.

Halimbawa
- Pagsulat ng nobela
- Pag gawa ng bagong kanta.
GAWAIN:
1. Ano ang kaibahan ng heuristiko at impormatibo?

2. Pumili ng isa (1) sa pitong (7) gamit at tungkulin ng wika at ipaliwanag ang kahulugan nito
at magbigay ng mga halimbawa.

You might also like