You are on page 1of 13

FLORANTE

AT
LAURA
Paano mo masasabi na tunay ang
pagmamahal ng isang tao?
1
Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,
dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.
2
Malalaking kahoy — ang inihahandog,
pawang dalamhati, kahapisa't lungkot;
huni pa ng ibon ay nakakalunos
sa lalong matimpi't nagsasayang loob.
3
Tanang mga baging na namimilipit
sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik;
may bulo ang bunga't nagbibigay-sakit
sa kanino pa mang sumagi't malapit.
4
Ang mga bulaklak ng natayong kahoy,
pinakapamuting nag-ungos sa dahon;
pawang kulay luksa at nakikiayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.
5
Karamiha'y Sipres at Higerang kutad
na ang lihim niyon ay nakakasindak;
ito'y walang bunga't daho'y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.
6
Ang mga hayop pang dito'y gumagala,
karamiha'y S'yerpe't Basilisko'y madla
Hayena't Tigreng ganid na nagsisila
ng buhay ng tao't daiging kapuwa.
7
Ito'y gubat manding sa pinto'y malapit
ng Avernong Reyno ni Plutong masungit;
ang nasasakupang lupa'y dinidilig
ng Ilog Kositong kamandag ang tubig.
8
Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
may punong Higerang daho'y kulay-pupas;
dito nagagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamang palad.
9
Baguntaong basal na ang anyo'y tindig,
kahit natatali — kamay, paa't liig,
kundi si Narsiso'y tunay na Adonis,
mukha'y sumisilang sa gitna ng sakit.
10
Makinis ang balat at anaki burok,
pilikmata't kilay — mistulang balantok;
bagong sapong ginto ang kulay ng buhok,
sangkap ng katawa'y pawang magkaayos.
Gawain
Hanapin sa hanay B ang mga kahulugan ng bawat salita na
nasa hanay A.
HANAY A HANAY B
a. ahas
1. Sipres b. isang punongkahoy na
2. Febo may malalapad na dahon
3. Sierpe c. mabangis na hayop
4. Tigre at kahawig ng pusa
5. Higuera d. tawag sa makatang latino
at griyego
e. punongkahoy sa bundok

You might also like