You are on page 1of 4

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Rizal High School


Gov. Pascual Ave. Malabon City
Tel. / Fax: 921 – 27 – 44
PACUCOA ACCREDITED: Level II
S.Y. 2020 – 2021

Name: ______________________ Score: __________________


Gr. and Sec.: 10 – Albert Einstein Teacher: Mrs. Realyn D. Norberte
Date: Feb. 24, 2021

I. NILALAMAN: Pagsipi ng Konsepto #28 


Nobela: Ang Kamatayan ni Ivan Ilych
Sinulat ni Leo Tolstoy
Buod ni Maria Dominique A. Lucenario
RUSYA
 Pagkaraan ng pagbagsak ng Soviet Union, ang Rusya ang may pinakamalaking lupain
sa mundo. Lumakas din ang ekonomiyo nito dahil sa likas yaman partikular ang langis
at gasolina. 

Relihiyon
75% ng 142.8 milyong populasyon ay Orthodox na Kristiyano. 

Kultura
Mayabong ang kulturang ruso. Kilala sila sa katangi-tanging arkitektura na pinatutunayan ng
Cathedral ng Basil sa Moscow. Popular din sila sa ambag nila sa musika at sayaw na rusong
ballet

Peter Tchailkovsky - pinakamahagang kompositor ng mga Ruso. Sumulat ng mga klasikong


piyesang pang-ballet tulad ng Swan Lake.

LEO TOLSTOY
- Ipinanganak noon Agosto 28, 1828 sa probinsya ng Tula, Rusya.
- Nagmula siya sa aristokratikong pamilya. Noong dalawang taong gulang siya namatay ang
kanyang ina sa panganganak at noong 1827 naman ang kanyang ama. Naulila man siya, ngunit
nakatapos siya sa pag-aaral gawa na rin ng kanilang estado sa buhay.

Ang Kamatayan ni Ivan Ilych


Ni LeoTolstoy
Buod ni Maria Dominique A. Lucenario
 
Nagsimula ang nobela sa isang korte, kung saan ay napansin ni Peter Ivanovich sa isang
pahayagan ang pagpanaw ni Ivan Ilych. Sinasabi niya ito sa kanyang katrabaho at nasimula ito
ng usapan tun kol sa kung sino ang makatatanggap ng mas mataas n a posisyon dahil sa
pagkabakabte ng pwesto ni Ivan. Pinag-uapan din nila kung gaano kaabala sa kanila ang
pagpunta sa libing ng kanilang kasama. Subalit, pumunta pa rin si Peter Ivanovich sa libing
noong naisip niya na makatutulong ito sa kanyang kapatid na may balak lumipat palabas ng
probinsya.
Nakita ni Peter si Shwartz, ang isa pa niyang katrabaho na nag-imbita sa kanya ng maglaro ng
pagkatapos ng seremonya. Nadatnan din niyai ang asawa ni Ivan, si Praskovyako Federovna.
Lumipat ang dalawa sa isang pribadong kwarto at ikinuwento ni Praskovya  sa pagitan ng
kanyang pag-iyak ang mga paghihirap ni ayon sa mga huling sandali nito. Itinanong din niya
kung makaakkuha siya ng malaking salapi mula sa gobyerno para sa pagkamatay ng asawa
niya, ngunit hindi siya natulungan ni Peter. Bumalik si Peter sa isang kwarto at tinapos ang
libing. Pagkatapos, umalis siya at nakarating ng Saktong oras para sa paglalaro ng Bridge.
Ang sumunod na bahagi ng nobela ay pagbalik sa higit sa tatlumpung taon ng nakaraan ng
buhay ni Ivan Ilych. Isa siyangng ordinaryong matinong lalaki na nakapagtapos ng abogasya.
Itinuloy niya ang pagiging masunurin sa kanyang unang trabaho bilang opisyal sa probinsya.
Pagkalipas ng panahon, nakatanggap siya ng posisyon bilang Examining Magistrate at inilipat
siya sa ibang lalawigan. Umiikot sa trabaho at pag babarkada (na paglalaro lamang ng bridge
kasama ng katrabaho)  ang buhay niya nakilala niya si Praskovya Federovna, na itinakdang
bagay sa kanya. Nagpakasal sila at nagsimula ng isang maayos na buhay - mag - asawa 
Subalit, noong buntis si Praskovya sa una nilang anak, naging iritable na siya at nagsimula na
ang mga problema hindi ka nilang dalawa ni Ivan. Patuloy na nirespeto at sinunod ni Ivan Ang
mga Kinakailangan daw ng kanilang relasyon upang magpatuloy sa uri ng buhay na
pinahihintulutan ng lipunan. Ibinuhos niya ang sarili sa kanyang tarabaho at isinantabi ang mga
personal niyang alalahanin.Sa bahay naman pinananatili niya ang pormal na pakikitungo sa
kanya ng pamilya.  Nagbunga ang kanyang pagsusumikap at nakatanggap siya ng bagong
posisyon bilang Public Prosecutor At umasa ang ibibigay sa kaniya ang tungkulin bilang
hukom sa isang unibersidad sa bayan. Subalit, hindi pa rin naaayos ang mga problema niya sa
pamilya. sa pagkamatay ng isa niyang anak,  lumaki na mo ang malusog at nagsimula ng mag
aaral ang natira.
  Nadismaya si Ivan ng hindi umasenso sa trabaho at ginapos ang sahod niya para sa bayarin
ng pamilya.  ngunit pagkatapos ng pagpunta niya sa St. Petersburg at ng isang pagtatagpo nila
ng dati niyang kaibigan, nakakuha sya ng mataas na posisyon sa kagawaran ng katarungan. 
inihanda nilang mag-asawa ang lahat ng kanilang kakailanganin sa bago nilang bahay sa St.
Petersburg.
sa kasamaang palad,  nahinto ang masaya nilang pamumuhay noong nagkasakit si Ivan.  dahil
sa paghihirap na nararamdaman niya, naging iritableng na rin siya at naging sanhi ito ng mga
away nilang mag-asawa.  nagpakonsulta siya sa iba't ibang doktor, ngunit iba-iba ang mga
paliwanag na ibinibigay sa kanya, sa bahay,  iniinom pa rin niya ang mga gamot niya, ngunit
kapansin-pansin ang nililikha ng tensyon ng kanyang sakit sa pamilya.  naapektuhan na rin nito
ang kanyang paglalaro ng bridge.
Lalong hindi na itanggi ng epekto ng sakit sa hitsura may Ivan ng bumisita ang kanyang kapatid
at nakita siya.  gulat na gulat ang kapatid at sinabi pa nito kay praskovya na halos bangkay na
ang kanyang asawa., Naginhawaan ng kaunti si Ivan noong nakumpirmang sa apensiks ang ng
ugat ng kanyang karamdaman. Ngunit, nag-alala pa rin si Ivan at naiisip na niya ang posibilidad
na kamatayan.
Dahil lagi niyang naiisip ito, nagmumuni-muni siya tungkol sa buhay niya. MInsan, nakikita pa
nga niya si kamatayan sa silid niya. Unti-unting nawalan ng epekto ang mga gamot at nawalan
na siya ng ganang kumain. Ang katulong niyang si Gerasim ang natirang iisang
pinanggagalingan ng kanyang ginawa. Tinutulungan siyang lagi nito sa kahit anumang kanyang
kailangan. Ipinatong ni Gerasim ang binti ni Ivan sa kanyang balikat upang maginhawaan sa
huli. Tanging si Gerasim ang tunay nba nakauunawa kay Ivan at siya ang tapat na tumutugon
sa kanyang mga pangangailangan. Nagustuhan ni Ivan ang positibong ugali ni Gerasim sa
kanyang karamdaman habang ikinagagalit niya ang reaksyon ng iba na nagkukunwaring may
karamdaman lamang siya at hindi pa nalalapit ang kamatayan. Masayang ibinalita ni Praskovya
ka Ivan ang tumawag na espesyalista para tumulong sa paggamot. Ang lahat ng ito ay mas
nagpagalit lamang kay Ivan dahil nakita niya ang lahat ng ginagawa ng asawa ay para sa
sariling interes nito.
Masama ring ang tuwing niya sa pamilya noong kinakausap siya bago umalis para sa teatro.
Subalit, noong nakita niya kung paano siya tingnan ng kanyang anak na si Vasya, nalaman ni
Ivan na naiintindihan rin siya nito. 
Isang gabi, nagwala si Ivan. Isinumpa niya ang Diyos at humingi ng paliwanag sa lanyang
paghihirap. Nang tumahimik siya, may narinig siyang boses mula sa kalooban niya na
nagtanong sa kung ano ang gusto niya. Sumagot siya na gusto niyang baliksan ang matino at
masayang buhay niya noon. Muli siyang nagmuni-muni pero unti-unti niyang nauunawaan na
hindi talaga siya nabuhay nang masaya tala, sinunod lamang niya ang gusto ng lipunan. Hindi
niya ito maanggap at pinapaniwala na lamang niya ang sarili na ginawa niya ang lahat ng
tama.  
Paglipas ng panahon, tuluyan na siyang hindi makatayo. Mas naging malungkutin siya at unti-
unti nang nawawalan ng pag-asa. Patuloy ang kanyang pagmuni-muni at pag-alala sa buhay.
Natutuhan niya na sa pagtindi ng kanyang paghihirap, ang buhay mismo ay lumalawig din.
Subalit, hindi pa rin niya maipaliwanag kung bakit niya kailangang maghirap.
Ibinalita ni Praskovya na magpapakasal na ang kanilang anak na babae, ngunit pinalayas
lamang ni Ivan ang kanmyang asawa at ang doktor. Sinabi ng doktor kay Praskovya na wala na
silang magagawa kundi bawasan ang paghihirap ni Ican. Subalit, sa huli’y inamin din niya na
artipisyal ang kanyang naging buhay. Kinamuhian niya ang kanyang pamilya dahil ang lahat
dito ay bunga lang ng idinidikta ng lipunan. Minsa’y nakatatanggap siya ng sandaling ginhawa
sa komunyon, ngunit bumalik muli ang galit sa tuwing naalala ang pagiging makasarili ng
asawa.
Lumala ang sakit ni Ivan at nagsimula siyang manigaw. Nagpatuloy ito ng tatlong araw, at hindi
pa rin napapawi ang mga pagdududa niya sa kanyang buhay. Nakita niya muli si kamatayan at
ang paniniwalang nabuhay siyang nang mabuti ang tanging pumipigil sa hindi niya pagpasok sa
“sako”. 
Ikatlong araw noon nang may naramdaman siyang puwersa na tumama sa kanya at naipasok
siya sa sako, kung saan tinanggap siya ng isang nakasisilaw na liwanag. Samantala, tinabihan
siya ni Vasya at iniayakan. Naisip ni Ivan na maaari pang maayos ang lahat ng kamalian ng
buhay niya. 
Dahan-dahan niyang ibinukas ang kanyang mga mata at nakita niya ang kanyang anak at
asawa na tumatangis. Naawa siya sa kanilang lahat. Pinaalius niya ang mga ito habang
sinusubukang humingi ng paumanhin, ngunit “tapos na” ang tangi lamang niyang nasabi. Nang
mapag-isa, hindi na natakot si Ivan sa kamatayan sa halip, nakaramdam siya ng malalim na
paghinga, Pagkaraan ng pagpapaubaya na ni Ivan sa kamatayan. 

PAGTALAKAY
1. Saan naganap ang simula ng nobela?
Ito ay naganap sa isang korte. Napansin ni Peter Ivanovich sa isang pahayagan ang
pagpanaw ni Ivan Ilych.
2. Ano ang pinag-usapan ng mga karakter sa simula ng nobela?
Pinag-usapan nila kung sino ang makatatanggap ng bakanteng pwesto ni Ivan. 
3. Sino si Ivan Ilych? Ipakilala siya ayon sa unang bahagi ng nobela.
Si Ivan Ilych ay isang ordinaryo at matinong lalaki. Nakapagtapos siya ng abogasya.
4. Sino ang kanyang asawa? Ano ang inisip niya sa gitna ng pagkamatay ni Ivan
Ilych?
Ang kanyang asawa ay si Praskovya Federovna. Ang inisip niya sa pagkamatay ni Ivan
ay ang makukuha niyang salapi sa pamahalaan.
5. Ilang taon ang binalikan ng salaysay ng nobela sa ikalawang bahagi nito? Ano
ang krusyal na mga kaganapan? 
Ang higt na tatlumpung taon sa buhay ni Ivan. 
 Ang pagbubuntis ng asawa niya na naging iritable na nagpasimula sa kanya ng
problema sa pagitan nilang mag-asawa. 
 Ang pagasam niya ng tungkulin bilang hukom sa unibersidad na hindi naman
niya nakamit.
  Ang kawalan ng asenso sa kanyang trabaho na naging dahilan ng kanilang
kakapusan para sa bayarin ng pamilya. 
 Pagkuha sa mataas na posisyon sa kagawaran ng katarungan at ang
pagkakaroon niya ng sakit.
6. Ano ang uri ng buhay na mayroon si Ivan Ilych batay sa ikalawang bahagi ng
salaysay ng nobela?
Magulong buhay-mag-asawa.
7. Bakit tumigil ang masayang pamumuhay ni Ivan Ilych? 
Kaya tumigil ang masayang pamumuhay ni Ivan Ilych ay dahil sa kanyang sakit.
8. Ano ang ibinunga ng karamdaman ni Ivan Ilych sa kanya?
Naging iritable siya na naging sanhi ng away nilang mag-asawa. 
9. Bakit naging magkasalungat ang relasyon ni Ivan sa kanyang asawa at kapatid?
Dahil sa tingin niya ay ginagawa lamang ng kanyang asawa at kapatid ang mga bagay
para sa kanya. Dahil lamang sa idinidikta ito ng lipunan, at sa kanilang pansariling
interes.
10. Sino si Gerasim? Ano ang ginampanan niya sa buhay ni Ivan Ilych?
Siya ang katulong ni Ivan. May positibong ugali at tinutulungan niya ito sa anumang
pangangailangan niya. Siya rin lamang di umano ang nakauunawa sa kalagayan ni
Ivan. 
11. Paano naging mas may timbang o halaga si Gerasim kaysa sa asawa ni Ivan
Ilych?
Dahil nararamdaman niyang si Gerasim lamang ang Tunay na nagmamalasakit sa
kanya. ‘Di tulad ng iba na nagkukunwaring may malasakit sa kanyang kalagayan.
12.  Ano ang kahulugan o kinakatawan ng sako sa nobela?
Ang sako ay kumakatawan sa kabaong o libingan.
13. Ano ang wakas ng nobela? Paano ito tinanggap ni Ivan Ilych?
Namatay si Ivan Ilych. Nakaramdam siya ng puwersa na tinanggap siya ng nakasisilaw
na liwanag. Nang binuksan niya ang mga mata, nakita niyang tumatangis ang kanyang
asawa at anak, “tapos na” ang kanyang nasambit sa pagsusumikap niyang humingi ng
paumanhin sa mga ito nagpaubaya si Ivan Ilych sa kamatayan matapos ang malalim na
paghinga. 
14. Ano ang inihihimatong ng nobela sa lahat ng naganap at pag-unawa nina Ivan
Ilych sa kanyang buhay?
Ang inihihimatong o itinuturo ng nobela ay ang buhay ay naaayon sa iyong sariling
pagpapasya tungo sa plano ng Diyos. Hawak mo ang sarili mong kaligayahan.

You might also like