You are on page 1of 2

PAGSASANAY – ANG BASAG NA BANGA

Panuto: Basahin at unawain ang mga kwento at isulat sa patlang ang tamang sagot sa
pagpipipilian.

Ang Basag na Banga

Ang isa sa mga banga ay may basag sa tagiliran kaya’t madalas itong pagsabihan ng isa pang
bangang perpekto at walang basag. “Basag na Banga, hindi ka ba nahihiya? Kakalahati lamang ng tubig
na dapat mong nadadala ang nakararating sa bahay ng amo natin dahil sa basag mong tagiliran.”
Hiyang-hiya ang basag na banga sa kanyang naririnig kaya’t minsan, sa tabi ng sapa ay
kinausap niya ang tagasalok. “Nahihiya na ako sa iyo. Panahon na siguro upang ako’y palitang mo,”
ang wika nito.

______ 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwentong binasa?


A. tagasalok, perpektong banga, at basag na banga
B. tagasalok, amo, at mga halaman
C. tagasalok, mga halaman, at ang sapa
D. tagasalok, kapitbahay, at mga halaman

______ 2. Bakit nais ng Basag na Banga sa kanyang amo na ipapalit na lamang siya?
A. dahil siya ay tamad.
B. dahil panggulo lamang siya sa kanilang amo.
C. dahil ayaw niyang gamitin bilang pandilig sa mga halaman
D. dahil pakiramdam niya ay wala na siyang pakinabang sa kanilang amo.

______ 3. Tama bang hinusgahan ni Perpektong Banga si Basag na Banga batay sa kanyang taglay na
katangian at kakulangan?
A. Opo. B. Hindi po. C. Siguro po. D. Opo at hindi po.

______ 4. Tama bang panghinaan na agad ng loob si Basag na Banga mula sa mga sinabi sa kanya ni
Perpektong Banga?
A. Opo, sapagkat tama po ang sinabi ni Perpektong Banga.
B. Opo, sapagkat nakikita niya ito na talagang mahina at wala ng pag-asa.
C. Hindi po, sapagkat dapat ay hindi tayo nagpapaapekto sa mga sinasabi ng iba bagkus
ito ay gawin nating motibasyon.
D. Siguro, dahil may bahaging tama si Basag na Banga at si Perpektong banga.

______ 5. Kung ikaw si Basag na Banga na hinuhusgahan ng ibang tao, ano ang gagawin mo kung ikaw
positibong mag-isip sa buhay?
A. Gagawin kong motibasyon ang negatibong sinasabi ng mga tao upang palakasin at
magpakahusay pa sa mga kahinaan ko.
B. Makikinig sa kanila dahil tama sila.
C. Paniniwalaan sila dahil hindi ko kayang baguhin ang mga kahinaan ko.
D. Gagantihan ang taong nagsasabi sa’kin ng masama.

You might also like