You are on page 1of 8

Date: 09-23-19

I. Mga Pamantayan
Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sariling pamilya at mga kasapi nito at
bahaging ginagampanan ng bawat isa
Pagganap
Buong pagmamalaking nakapagsasaad ng kwento ng sariling pamilya at bahaging
ginagampanan ng bawat kasapi nito sa malikhaing pamamaraan
II. Mga Layunin
Nailalarawan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya sa pamamagitan
ng timeline/family tree
III. Paksang-aralin
Paksa: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Aking Pamilya
Kagamitan: illustration board at mga pangkulay
Sanggunian: Learner’s Material, pg. 101 – 108; CG AP1PAM-IIc-9
Integrasyon: Pagpapahalaga sa pamilya
IV. Mga Gawain
A. Pagbabalik aral
Babalikan ang aralin sa pinagmulan ng pamilya at ang paggamit ng family tree.
B. Paglinang na gawain
 Pagganyak
Hikayatin ang mga mag-aaral na mag-isip ng tatlong nangyari sa kanilang
pamilya noong nakaraang araw. Ipaguhit ang mga ito sa kahon ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

 Paglalahad
Ilalahad ng guro ang kahulugan ng salitang Timeline – ito ay ginagamit upang
malista ang pagkakasunosunod ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao.
 Pagtatalakay
Ibahagi sa mga mag-aaral ang kuwento ng buhay ng isang guro. Bigyan ng pokus
ang tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya ng guro. Maaari
magdala ng mga larawan ng mga makabuluhang pangyayari sa buhay at pamilya ng
guro. Halimbawa:
 Pagsasabuhay

Gawain A
Ipasuri sa mag-aaral ang larawan na nasa ibaba.

Itanong sa kanila ang mga sumusunod:


1. Ano ang nakikita sa larawan?
2. Sino-sino ang nakikita sa larawan?
3. Anong pangyayari ang inilarawan?
4. Ano ang nararamdaman ng mga tao sa larawan? Bakit?
5. Mahalaga kaya ang pangyayaring ito para sa pamilyang nakikita sa larawan?
Bakit mo ito nasabi?
6. Ano-ano pa kayang pangyayari sa buhay ng pamilya ang maituturing na
mahalaga?
Gawain B
Gabayan ang mga mag-aaral na mag-isip ng limang mga pangyayari tungkol sa
buhay ng kanilang pamilya. Mas mainam na bago ang gawaing ito ay naatasan na
ang mga mga-aaral na kapanayamin ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga.
Ipaguhit sa mga mag-aaral ang bawat pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa
loob ng mga larawan ng bahay.

Ipabahagi sa klase ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya ng


mga mag-aaral batay sa kanilang ginawang timeline.
 Paglalahat
May mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya. Bahagi ang mga ito ng
iyong buhay at makatutulong ang mga ito sa pagpapabuti ng iyong sarili.
V. Pagtataya
Pasagutan sa mga bata ang Gawain na makikita sa kanilang LM, pahina 108.
VI. Takdang Aralin
Magsususlat ng simpleng journal ang mga bata. Sasagutan nila ang tanong na: Base sa
Gawain B, Ano ang naramdaman mo habang ibinabahagi mo ang kuwento ng buhay ng
iyong pamilya?

Lesson ended at Pagtatalakay


Date: 09-24-19
I. Mga Pamantayan
Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sariling pamilya at mga kasapi nito at
bahaging ginagampanan ng bawat isa
Pagganap
Buong pagmamalaking nakapagsasaad ng kwento ng sariling pamilya at bahaging
ginagampanan ng bawat kasapi nito sa malikhaing pamamaraan
II. Mga Layunin
Nailalarawan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya sa pamamagitan
ng timeline/family tree
III. Paksang-aralin
Paksa: Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng Aking Pamilya
Kagamitan: illustration board at mga pangkulay
Sanggunian: Learner’s Material, pg. 101 – 108; CG AP1PAM-IIc-9
Integrasyon: Pagpapahalaga sa pamilya
IV. Mga Gawain
A. Pagbabalik aral
Babalikan ang aralin sa paggamit ng timeline.
B. Paglinang na gawain
 Pagsasabuhay

Gawain A
Ipasuri sa mag-aaral ang larawan na nasa ibaba.

Itanong sa kanila ang mga sumusunod:


1. Ano ang nakikita sa larawan?
2. Sino-sino ang nakikita sa larawan?
3. Anong pangyayari ang inilarawan?
4. Ano ang nararamdaman ng mga tao sa larawan? Bakit?
5. Mahalaga kaya ang pangyayaring ito para sa pamilyang nakikita sa larawan?
Bakit mo ito nasabi?
6. Ano-ano pa kayang pangyayari sa buhay ng pamilya ang maituturing na
mahalaga?
Gawain B
Gabayan ang mga mag-aaral na mag-isip ng limang mga pangyayari tungkol sa
buhay ng kanilang pamilya. Mas mainam na bago ang gawaing ito ay naatasan na
ang mga mga-aaral na kapanayamin ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga.
Ipaguhit sa mga mag-aaral ang bawat pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa
loob ng mga larawan ng bahay.
Ipabahagi sa klase ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya ng
mga mag-aaral batay sa kanilang ginawang timeline.
 Paglalahat
May mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya. Bahagi ang mga ito ng
iyong buhay at makatutulong ang mga ito sa pagpapabuti ng iyong sarili.
V. Pagtataya
Pasagutan sa mga bata ang Gawain na makikita sa kanilang LM, pahina 108.
VI. Takdang Aralin
Magsususlat ng simpleng journal ang mga bata. Sasagutan nila ang tanong na: Base sa
Gawain B, Ano ang naramdaman mo habang ibinabahagi mo ang kuwento ng buhay ng
iyong pamilya?
Date: 09-25-19
I. Mga Pamantayan
Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sariling pamilya at mga kasapi nito at
bahaging ginagampanan ng bawat isa
Pagganap
Buong pagmamalaking nakapagsasaad ng kwento ng sariling pamilya at bahaging
ginagampanan ng bawat kasapi nito sa malikhaing pamamaraan
II. Mga Layunin
 Nailalarawan ang mga pagbabago sa nakagawiang gawain at ang pinapatuloy na
tradisyon ng pamilya
III. Paksang-aralin
Paksa: Mga Bagay na Nagbago at Nagpatuloy sa Aking Pamilya
Kagamitan: illustration board at mga pangkulay
Sanggunian: Learner’s Material, pg. 109 – 114; CG AP1PAM-IId-10
Integrasyon: Pagpapahalaga sa nakagawiang tradisyon ng pamilya
IV. Mga Gawain
A. Pagbabalik aral
Balikan ang aral tungkol sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya.
B. Paglinang na gawain
 Pagganyak
Ipakita ang sumusunod na mga larawan:

1. Ganito rin ba ang inyong pamilya?


2. Ginagawa niyo pa bai to hangganga ngayon?
 Paglalahad
May iba’t ibang kagawian at tradisyon ang bawat pamilya.
 Pagtatalakay
Ipakita ulit ang mga larawan:

Itanong sa mga bata:


1. Ano ano ang kahalagahan nito sa inyong pamilya?
Noong maliliit pa ang mga bata, sama sama ang pamilya sa pagkain at
pagsisimba. Sa paglipas ng panahon, nang sila ay lumaki na at nagkaroon na ng
sarili nilang mga trabaho, naging abala na sila. Bumibisita na lang sila o di kaya’y
tumatawag na lamang sila sa telepono upang kamustahin ang kanilang mga
magulang.
Sa ano mang paraan, mahalaga pa rin na isabuhay ang mabubuting asal at gawi
na natutunan sa ating bahay. Hindi dapat ito kalimutan, malayao man tayo o malapit
sa ating mga pamilya.
 Pagsasabuhay

Gawain A
Kumembot kung ang nasabing tradisyon o kagawian ay patuloy pa ring ginagawa ng
inyong pamilya at ipadiyak naman ang paa kung hindi na:
1. Pagmamano sa mga nakakatanda.
2. Pagtitipon ng mga pamilya tuwing may oksayon
3. Pagsamasama ng buong kasapi ng pamilya tuwing kakain.
4. Pagsisimba ng buong pamilya
5. Pagtawag sa telepono o ang pag video call sa mga kasapi ng pamilya na nasa
ibang bansa tuwing may okasyon.
Gawain B
Magpagawa sa mga mag-aaral ng isang timeline. Hamunin ang mga magaaral na
mag-isip ng tatlong mahahalagang pangyayari sa kanilang pamilya matapos silang
isilang . Sabihan ang mga mag-aaral na ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayaring ito sa pamamagitan ng pagguhit ng mga ito sa loob ng mga kahon.

 Paglalahat
May mga bagay na nagbabago at nagpapatuloy o hindi nagbabago sa buhay ng
isang pamilya. Ang mga desisyon o pagpapasya ng mga kasapi ng isang pamilya
ang nagdudulot ng mga pagbabago o pagpapatuloy.
V. Pagtataya
Sagutan ang Gawain na makikita sa LM, pahina 114.
VI. Takdang Aralin
Date: 10-09-19
I. Mga Pamantayan
Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sariling pamilya at mga kasapi nito at
bahaging ginagampanan ng bawat isa
Pagganap
Buong pagmamalaking nakapagsasaad ng kwento ng sariling pamilya at bahaging
ginagampanan ng bawat kasapi nito sa malikhaing pamamaraan
II. Mga Layunin
 Naiisa-isa ang mga alituntunin ng pamilya
 Nakagagawa ng wastong pagkilos sa pagtugon sa mga alituntunin ng pamilya
III. Paksang-aralin
Paksa: Mga Alituntuning Ipinatutupad ng Aking Pamilya
Kagamitan: illustration board at mga pangkulay
Sanggunian: Learner’s Material, pg. 120 – 134; AP1PAM-IIe-14, AP1PAM-IIf-17
Integrasyon: Pagpapahalaga sa mga alituntunin ng pamilya
IV. Mga Gawain
A. Pagbabalik aral
Balikan ang aralin tungkol sa mga tradisyin at kagawian ng pamilya.
B. Paglinang na gawain
 Pagganyak
Ano-ano ang mga dapat at di dapat gawin ng mga magaaral sa loob ng kanilang
bahay?
 Paglalahad
Ilalahad ng guro na tatalakayin nila ang mga alituntunin ng pamilya
 Pagtatalakay

Ipasuri sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga larawan. Itanong kung alin sa
mga ito ang kanilang ginagawa sa bahay? Bakit mo ginagawa ang mga nasa
larawang
iyong kinulayan?
Ipaunawa sa mga mag-aaral na ang mabubuting ugali o gawi na ipinatutupad ng
kanilang mga magulang o nakatatandang kasapi ng pamilya ay tinatawag na
alituntunin.
 Pagsasabuhay

Gawain A
Gabayan ang mga mag-aaral sa gawain. Sabihing Tingnan ninyo ang mga larawang
nasa loob ng kahon. Lagyan ng tsek kung alin sa mga ito ang ipinatutupad at
ginagawa sa inyong bahay.
 Paglalahat
May iba‘t ibang alituntunin na ipinatutupad sa bawat pamilya. Nararapat lamang
igalang ang mga alituntuning ipinatutupad hindi lamang sa iyong sariling pamilya
kundi maging sa ibang mga pamilya.
V. Pagtataya
Sagutan ang Gawain na makikita sa LM pahina 128-129
VI. Takdang Aralin
Isulat ang limang alintuntunin na ipinapatupad ng iyong mga magulang.

You might also like