You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Paaralan: Felix Suson Elementary School Baitang: Grade 1 Avocado

Guro: Merlyn A. Tubat Asignatura: Araling Panlipunan

Petsa/Oras August 20, 2019/2;10-2:50 Markahan: 2nd Quarter

I Layunin

a. Nailalrawan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya sa pamamagitan ng


timeline/family tree.
b. Nakakagawa ng mga mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng timeline/family tree
c. Napapahalagahan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya sa pamamagitan ng
timeline/family tree.
A. Pamantayang Pangnilalaman (content Standard)
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa sariling pamilya at mga
kasapi nito at bahaging ginagampanan ng bawat isa.
B. Pamantayang Pagganap (Performance Standard)
Ang mga mag-aaral ay buong pagmamalaking nakapagsasaad ng kwenton ng sariling pamilya at
bahaging ginagampanan ng bawat kasapi nito sa malikhaing pamamaraan.
C. Mga Kasanayan Sa Pagtuturo ( Learning Competencies/Objectives)
Nailalarawan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya sa pamamagitan ng
timeline/family tree. AP1PAM-IIc-9

II Nilalaman ( Content) Ang Kwento ng aking Pamilya

III Kagamitang Pangturo (Learning Resources)

A. Sanggunian (Reference)
1. Mga pahina sa gabay ng guro (Teacher’s Guide pages) 31-32 new TG
2. Mga pahina sa kagamitang pangmag-aaral(Learner’s materials pages) oldLM pages 73-78,
new LM pages 90-96
3. Mga pahina sa teksbuk (texbook pages)
B. Iba pang kagamitang pangturo(Other Learning Resources)

III Pamamaraan (Procedure)

A. Awit: Usa Kami ka Panimalay


B. Balik-aral:
Tanong: Sino ang pinakagandang guhit sa family tree?
Sino ang nasa gamot? Sa Puno? Sa sanga? Sa bunga ?
C. Paghahabi sa layunin ng aralin:
Mag isip kayo ng tatlong mahalagang nangyayari sa inyong buhay na di ninyo makakalimutan
D. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Ngayon iguhit ang tatlong bagay na na di ninyo makakalimutan.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan.
Magpakita ng isang larawan sa isang pamilya na pinagdiriwang ang kaarawan sa isa sa kasapi ng
pamilya.
* Ano ang nakikita ninyo sa larawang ito ?
* Sa tingin ninyo mahalaga ba ito sa kanila ? at bakit?

F. paglinang sa kabihasan: Pangkatang gawain

Hahatiin ko kayo sa apat na pangkat bawat pangkat ay pumili ng lider at ang lider ang mag presenta

ng kanilang nagawa.

Panuto:

Pumili kayo ng tatlong mahahalagang pangyayari sa buhay ng inyong pamilya. Iguhit ang bawat

Pangyayari.

Ayon sa pagkasunod-sunod sa loob ng tatsulok

Mahahalagang pangyayari sa buhay ng aking pamilya

1 2 3

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Ngayon ibabahagi ninyo sa inyong kaklase ang mahalagang pangyayari sa buhay ng inyong pamilya ba

Tay sa ginagawang timeline.

Ano ang nararamdaman ninyo habang ibinabahagi ang kwento ng buhay ng inyong pamilya?

H. paglalahat ng Aralin:

Bakit mahalagang malaman ang mahahalagang pangyayari sa ating pamilya gamit ang timeline?

I Pagtataya ng aralin:

Gamit ang ginawang timeline muling ilalarawan ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng inyong

Pamilya

I.

You might also like