You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan (Grade 1)

I- Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakikilala ang mga kasapi ng pamilya;
b. natutukoy kung sino-sino ang bumubuo ng pamilya:
c. napahahalagahan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamilya.

II- Paksang Aralin:


A. Paksa: Ang Aking Pamilya
B. Sanggunian: Lahing Dakila 1 pp. 86 – 94, Araling Panlipunan Guide
C. Kagamitan: Biswal na Pantulong, Mga Larawan, Ppt, Youtube

III- Pamaraan
1. Panalangin
2. Pagbati
Guro Mag-aaral

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po Ma’am.

May mga lumiban ngayon sa klase? Wala po Ma’am

Magsiupo ang lahat. Salamat po

3. Pagganyak
-Ang guro ay magpapakita ng bidyo sa youtube
4. Paglalahad
Pamilya- ang pinakamaliit na grupo ng mga tao sa pamayanan.
Ang Pamilya ay binubuo ng ama, ina, at anak o mga anak
Ang isang tao ay nagiging bahagi ng isang pamilya sa pamamagitan ng
pagkakasilang, pagpapakasal o pag-aampon.
Ang ama at ina ay tinatawag na mga magulang .
Ama- ay ang haligi ng tahanan
Ina- ang ilaw ng tahanan
Ang kanilang mga anak ay tinatawag na magkakapatid.
- Laki ng Pamilyang Pilipino
-PPT (Ipapaliwanag ang Laki ng Pamilyang Pilipino at mag papakita ng mga
larawan ng bawat laki ng pamilya)

IV- Pagsasagawa
Ipapatukoy ang mga larawan ng bawat pamilya at ipakuha sa mga bata kung saan
ito dapat idikit.

V- Pagtataya
A. Panuto: Itugma ang mga larawan sa hanay A sa pangalan ng bawat kasapi ng
pamilya sa hanay B.
B. Gumuhit ng bituin sa patlang kung tama ang pangungusap.Gumuhit naman ng
buwan kung ito ay mali.

VI- Takdang Aralin


Gumawa ng simpleng family tree. Isulat ang mga pangalan ng mga kasapi ng iyong
pamilya sa wastong kahon. Maari ring magdagdag ng kasapi kung kinakailangan.

You might also like