You are on page 1of 11

MAM RUF

Saturday, July 9, 2022

Nakasusunod sa nakasulat na panutong


may 1-2 at 3-4 na hakbang

Banghay Aralin sa Filipino II

I. Layunin: Nakasusunod sa nakasulat na panutong may 1-2 at 3-4 na hakbang

Code: F2PB-Ib-2.1

Makinig sa mga Payo ng mga Nakakatanda

II. Paksa at Kagamitan:

A. Paksa: Pagsunod sa nakasulat na panutong may 1-2 at 3-4 na hakbang

B. Sanggunian: MELC p. 147, Ang Bagong Batang Pinoy Filipino II, Google

C. Kagamitan: tsart, laptop, aklat

D. Konsepto: Ang pagsunod sa nakasulat na panuto ay isa itong mahalagang


kasanayan na dapat

na matutunan. Sa pagpapakita nang maayos na paraan at


maliksing pagsunod ay

maiiwasan ang anumang pagkakamali at madali ang paggawa ng mga


bagay-bagay.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain

a. Pagbabaybay

Ipabaybay sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga salita.

1. deritso – Lumakad tatlong beses deritso iyong harapan.

2. kanan – Humakbang ng limang beses sa iyong gawing kanan.

3. kaliwa - Humakbang ng apat na beses sa iyong gawing kaliwa.

4. ibaba - Dahan-dahang ibaba ang tingin ng iyong dalawang mata.

5. itaas - Itaas ang iyong dalawang kamay.

Estratehiya: Integrasyon sa Mathematics o Numeracy

b. Pagbabasa

Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salitang kanilang ibinaybay. Ipaulit


ito ng dalawang beses.

c. Balik-Aral

Itanong sa mga bata kung ano ang Panuto.

Ang Panuto ay mga tuntunin o hakbang na sinusunod


upang matapos

ang isang gawain o layunin.

d. Pagwawasto ng Takdang-Aralin

Etsek ang takdang-aralin ng mga bata. Ang mga mag-aaral ang


mismong magtetsek sa kanilang takdang-aralin.
Estratehiya: Reflective Learning

B. Panlinang na Gawain

a. Pagganyak

Sabay-sabay na patayuin ang mga mag-aaral at susundin ng


mga mag-aaral ang mga panutong sasabihin ng guro na may 1-2 at 3-4
na hakbang.

1. Ipikit ang inyong mga mata at gamitin ang inyong mga


imahinasyon.

2. Magmula sa paaralan, lumakad papunta sa silangang bahagi.


Ano ang lugar na inyong mapupuntahan? Simbahan

3. Pagkatapos, lumakad ng deritso papunta sa hilagang bahagi,


ano ang inyong makikita? Tanod Outpost

4. Lumakad patungo sa Kanlurang bahagi ng Tanod Outpost.


Ano ang inyong makikita? Kabahayan

Estratehiya: Integrasyon sa Araling Panlipunan

b. Paglalahad

Ang panuto ay mga tuntunin o hakbang na sinusunod


upang matapos ang isang gawain o layunin.
Maaaring gamitin ang mga salita tulad ng deritso, sa
kanan, sa kaliwa, sa itaas o sa ibaba, sa pagbibigay ng
panuto.

Ang pagsunod sa nakasulat na panuto ay isa itong


mahalagang kasanayan na dapat na matutunan. Sa
pagpapakita nang maayos na paraan at maliksing
pagsunod ay maiiwasan ang anumang pagkakamali at
madali ang paggawa ng mga bagay-bagay.

Estratehiya: Lecture Discussion

c. Gawain

C.1 Gawain 1 (Teacher to Pupil)

Gamit ang laptop, ang guro ay magpapakita ng mga


pangungusap at babasahin ito ng wasto ng mga bata at
at susundin ang mga nakasulat na panutong may 1-2 at
3-4 na hakbang.

1. Una, itaas ang inyong kanang kamay.

2. Ilagay naman ang inyong kaliwang kamay sa inyong


baywang.

3. Iwagayway ang iyong kanang kamay ng tatlong


beses.

4. At pagkatapos, pumalakpak ng limang beses.

Estratehiya: ICT Integration (hayaan na ang mga bata ang


magmamanipula sa laptop)
C.2 Gawain 2 Hanapin Mo Ako! (Pupil to Material)

Lingid sa kaalaman ng mga mag-aaral, may mga


nakadikit sa ilalim nang kanilang mga upuan na mga
panutong nakasulat na may 1-2 at 3-4 na hakbang at
kanila itong susundin.

Halimbawa:

1. Kunin ang inyong health kit.

2. Hanapin ang inyong alcohol sprayer/bottle.

3. Mag-spray sa inyong kamay ng dalawang


beses.

4. Ibalik ang alcohol bottle sa health kit o


lalagyan.

C.3 Gawain 3 (Pupil to Pupil)

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong


pangkat at

ipagawa ang mga sumusunod.

Pangkat 1 Iguhit Mo Ako

Ang mga mag-aaral ay babasahin ang


nakasulat na panuto na may 1-2 at 3-4 na
hakbang.

1. Gumuhit ng isang bilog.


2. Kulayan ito ng kulay pula.

3. Sa ilalim ng bilog, isulat ang pangalan ng


inyong grupo.

4. Salangguhitan ang pangalan ng inyong


grupo.

Pangkat 2 Kantahin mo Ako

Ang mga mag-aaral ay babasahin


ang nakasulat na

panuto na may 1-2 at 3-4 na hakbang.

1. Kumuha ng isang papel.

2. Sumulat ng isang kantang pambata.

3. Kantahin ito at iparinig sa buong klase.

4. Bigyan ng aksyon ang pagkanta.

Pangkat 3 Isulat mo Ako

Ang mga mag-aaral ay babasahin ang


nakasulat na

panuto na may 1-2 at 3-4 na hakbang.

1. Kumuha ng isang kwaderno.

2. Sumulat ng isang tula patungkol sa ating


mga katutubo.

3. Isulat ito nang wasto.

4. At pagkatapos, ay basahin sa harapan ng


buong klase.
d. Paglalahat

Papaano natin masusunod ang mga nakasulat na panuto


na may 1-2 at 2-4 na hakbang?

Ang pagsunod sa nakasulat na panuto ay isa itong


mahalagang kasanayan na dapat na matutunan. Sa
pagpapakita nang maayos na paraan at maliksing
pagsunod ay maiiwasan ang anumang pagkakamali at
madali ang paggawa ng mga bagay-bagay.

Maaaring gamitin ang mga salita tulad ng deritso, sa


kanan, sa kaliwa, sa itaas o sa ibaba, sa pagbibigay ng
panuto.

e. Paglalapat

Ipagawa sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga


nakasulat na panuto na may 1-2 at 3-4 na hakbang.

1. Tumayo ng maayos.

2. Ilagay ang dalawang kamay sa gilid.

3. Ihakbang pasulong ang mga paa.

4. At sumigaw ng “Mabuhay”.

Value Infusion:

Ano ang ating gagawin kapag tayo ay pinayuhan ng mga


nakakatanda sa atin?

IV. Ebalwasyon
Sundin ang mga nakasulat na panuto na may 1-2 at 3-4 na hakbang.

1. Kumuha ng isang malinis na papel.

2. Isulat ang iyong pangalan at grado.

3. Gumuhit ng isang bilog.

4. Ilagay sa gitna ng bilog ang unang letra ng iyong pangalan.

V. Gawaing-Bahay

Magbigay ng halimbawa ng panuto na may 1-2 at 3-4 na hakbang.


Isulat ito sa inyong kwaderno.

Remediation:

Ituro uli sa mga bata kung papaano sumunod sa mga panuto na may 1-2 at
3-4

hakbang.

Ang panuto ay mga tuntunin o hakbang na sinusunod upang matapos


ang isang gawain

o layunin.
Maaaring gamitin ang mga salita tulad ng deritso, sa kanan, sa kaliwa,
sa itaas o sa

ibaba, sa pagbibigay ng panuto.

Reinforcement:

Sundin ang mga panuto na ito na may 1-2 at 3-4 na hakbang.

1. Kumuha ng isang bondpaper.

2. Kunin ang lapis.

3. Iguhit ang iyong sarili.

4. Kulayan ito ng maayos.

Enrichment:

Sumulat nang isang halimbawa ng panuto na may 1-2 at 3-4 na


hakbang.

_______________________________________________

_______________________________________________

_______________________________________________

_______________________________________________
Inihanda ni:

RUFFA T. RUELA

Teacher-I

at July 09, 2022


Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to FacebookShare to Pinterest

No comments:
Post a Comment
Newer PostHome
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Telebisyon
Telebisyon Isinulat ni: Mam Ruf Official Araw ng Sabado. Ang pamilyang Ang ay
maagang nagising. Sila ay kumain...

 Nakasusunod sa nakasulat na panutong may 1-2 at 3-4 na hakbang


Banghay Aralin sa Filipino II I. Layunin : Nakasusunod sa nakasulat na panutong may
1-2 at 3-4 na hakbang ...

 Naiisa-isa ang mga katangian ng mabuting pinuno Code: AP2PSK-IIIa-1


Banghay Aralin sa Araling Panlipunan II I. Layunin: Naiisa-isa ang mga katangian ng mabuting
pinuno ...

 Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya) Code: F2WG-Ig-3
Banghay Aralin sa Filipino II I. Layunin : Nagagamit ang mga salitang pamalit sa
ngalan ng tao (ako, ikaw, siya)...
Search This Blog
Search

Home

subscribe
Posts
Comments

About Me
MAM RUF OFFICIAL
A Multi-Grade Teacher (Grade-2&3), Blogger, Content Creator in YT (MAM RUF
OFFICIAL)
View my complete profile

Report Abuse
Blog Archive
 April 2023 (1)
 July 2022 (3)
Watermark theme. Powered by Blogger.

You might also like