Pahayag Eupemismo ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasang makasakit ng damdamin.
Ginagamit din ang mga
ekspresiyong ito upang hindi tuwirang banggitin ang mga salitang hindi magandang pakinggan, nakabibigla, o maaaring magdulot ng kahihiyan. Halimbawa : 1. Para hindi mabigla ang kausap sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay, maaaring sabihing: a. Sumakabilang buhay na siya. b. Kapiling na siya ng Panginoon. c. Iniwan na niya tayo. d. Tapos na ang kanyang paghihirap. e. Maligaya na siya sa kabilang buhay. 2. Para maging mas malambot o mas magaan ang dating ng sasabihin:
Sa halip na sabihing “Gutom na gutom
na ako,” gamitin ang sumusunod:
• Hindi ba kayo, nagugutom?
• Kumain ba kayo ng almusal? • Maganda siguro, kumain muna tayo. b. Sa halip na sabihing bulag, duling, bingi, pilay, maaaring sabihin ang ganito:
• May kapansanan sa mata, sa tenga,
sa paa, at iba pa. • Mahina ang pandinig, walang paningin, nahihirapang lumakad, at iba pa. c. Sa halip na sabihing mataba, pandak, pangit, sinasabi ang ganito:
• Medyo malusog ka ngayon.
• May kaliitan siya nang konti. • Hindi siya gaanong maganda.