You are on page 1of 2

Unit Test in Araling Panlipunan 5

I. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Gamiting basehan ang mga salita sa loob nang kaon.

Dominican Ginto Animismo Juan De Salcedo Legaspi


Kristiyanismo Reduccion Muslim Igorot Sultan Kudarat
________1. Pangkat ng mga katutubong Pilipino na naninirahan sa bulubundukin ng Cordillera.
________2. Pangunahing dahilan sa hangarin ng mga Espanyol na sakupin ang Hilagang Luzon.
________3. Relihiyong nais ipalaganap ng mga Dominikano at Augustiniano sa mga katutubong Pilipino.
________4. Gobernador Heneral na nag-utos na siyasatin ang mga gintong ibinebenta ng mga Igorot sa Ilocos.
________5. Mga pangkat sa Mindanao na lumaban upang hindi mapasailalim sa kolonya ng Espanya.
________6. Pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang masigurong magiging mapayapa ang
kanilang nasasakupan.

________7. Tawag sa paglilipat ng panahanan mula sa kabundukan papuntang peublo


________8. Nanguna sa pagsiyasat upang alamin ang kalidad at dami ng ginto sa kabundukan ng Hilagang Luzon.
________9. Sinaunang relihiyon ng mga Igorot.
________10. Sultan sa Mindanao na magiting na nakipaglaban sa mga Espanyol.
II. Iguhit ang masayang mukha ( ) sa pahayag na nagsasaad ng paraan ng pagtugon sa kolonyalismo at
malungkot na mukha ( )naman kung hindi.
____11. Ginamit ng mga ilustrado ang dunong upang gisingin ang diwang makabansa ng mga katutubo.
____12. Nagtanim ng mga gulay ang mga katutubo sa bakuran nila.
____13. Tinanggap ang pamahalaang kolonyal sa pamamagitan ng pagsasawalang-kibo sa nagaganap na kalupitan ng
mga dayuhan.
____14. Nagalit ang mga prayle sa mga Pilipino.
____15. Ninais ng mga datu na maibalik ang dating posisyon at dangal kaya sila ay bumuo ng pangkat at nag-alsa.
III. Tukuyin kung sino ang tinutukoy sa bawat pahayag.

____16. Ang namuno sa pinakamahabang rebelyon na ang dahilan ay ang pagtanggi ng isang pari na basbasan ang
bangkay ng kanyang kapatid.
____17. Asawa ng isang namatay na pinuno ng rebelyon na nagpatuloy sa pakikipaglaban – tinagurian siyang “Joan of
Arc ng Ilocos.”
____18. Itinatag niya ang Cofradia de San Jose nang tanggihan ng simbahan ang pagnanais niyang maging pari, kilala
siya bilang Hermano Pule.
____19. Mula Mexico, Pampanga kung saan pinamunuan ang pag-aalsa dahil sa mga pagpapahirap ng mga Espanyol
sa mga Pilipino tulad nang hindi pagbayad sa mga biniling palay mula sa mga katutubong magsasaka.
____20. Nagsimula ang kanyang pag-aalsa nang hindi tuparin ni Gobernador Heneral Lavezares ang naunang pangako
ni Legazpi na hindi siya sisingilin ng tributo at mga kaanak niya.

IV. Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang sitwasyon o gawain ay nagpapamalas ng nasyonalismo o pagmamahal sa
bansa at ekis (x) naman kung hindi nagpapamalas ng nasyonalismo.
____21. Pagtatanggol ng mga sundalo sa kalayaan ng bansa sa panahon ng digmaan.
____22. Pagbibigay serbisyo ng mga frontliner sa kabila ng panganib na dulot ng COVID-19.
____23. Pakikipaglaban ng mga pulis sa pagsugpo ng droga na sumisira sa kinabukasan ng maraming kabataan.
____24. Pag-aaral nang mabuti upang makakuha ng mataas na grado at makapagtrabaho sa ibang bansa.
____25. Pagsunod sa mga batas at ordinansang ipinatutupad upang mapanatili ang kapayapaan sa loob ng bansa.

You might also like