You are on page 1of 34

MATHEMATICS II

QUARTER 4
WEEK 6 DAY
1
Solving routine and non-
routine problems involving
mass
TANONG
Anong unit of measurement
ang dapat gamitin sa mga
sumusunod na larawan?
Panuto: Isulat sa patlang ang angkop na unit of mass -
gram o kilogram upang mabuo ang bawat pangungusap.
1. Ang lapis ay tumitimbang ng 7 ____________.
2. Ang isang kahon ng mansanas ay tumitimbang ng 25
________.
3. Ang french fries ay tumitimbang ng 100 _________.
4. Ang kotse ay tumitimbang ng 1,480
________________.
5. Ang dalawang pandesal ay tumitimbang ng 6
IAwitin ang “MathDali” Song

https://www.youtube.com/watch?v=4s
U6osLo6bk
Masdan ang larawan
Mga tanong:

Nakaranas na ba kayong sumama sa inyong


nanay sa palengke?
Anu-ano ang mabibili dito?
Pagmasdan ang larawan sa itaas. Anu-ano ang
ibinebenta ng tindero?
Paano ibinebenta ang ga gulay at prutas, grams
ba o kilograms?
Basahin ang
suliranin
Tindera ng mga gulay at itlog sa palengke ang
nanay ni Glenda. Tuwing Sabado tumutulong
siya sa kaniyang nanay sa pagtitinda ng kanilang
mga paninda. Noong nakaraang Sabado,
nakabenta sila ng 3 kilo ng kalabasa, 2 kilo ng
repolyo, 4 na kilo ng labanos at 3 ½ kg ng
ampalaya. Ilang kilo lahat ng gulay ang kanilang
naibenta?
a. Anu-ano ang ibinebenta nina Glends t ng kanyang nanay?
b. Salungguhitan ang tanong.
c. Ano ang itinatanong sa suliranin?
Dami ng lahat ng gulay na naibenta ng mag-ina
d. Ano ang process/equation na gagamitin mo para makuha
ang tamang sagot?
3 kg + 2 kg+ 4 kg + 3 ½ = N
e. Ano ang tamang sagot?
3 + 2+ 4 + 3 ½= 12 ½ kg
f. Ano ang masasabi ninyo kay Glenda?
g.Tama bang tulungan natin ang ating mga magulang sa
kanilang mga gawain?
Basahin at sagutin ang suliranin sa bawat bilang.
Kapag nakuha na ang tamang sagot, kulayan ang
mga kahon sa ibaba na tumutugon sa inyong
sagot. Para sa suliranin bilang 1, kulayan ng
berde ang kahon, pula naman para sa bilang 2 at
asul para sa bilang 3.
• Si Clark ay may malusog na pangangatawan
dahil mahilig siyang kumain ng mga prutas at
gulay.Kapag dumadaan siya sa pamilihan,
bumibili siya ng 3 kg ng saging, 1 kg pinya,
at 3 kg na papaya. Ilang kg lahat ang prutas
na pinamili ni Clark? 3 kg + 1 kg +3 kg
2. Papasok sa trabaho si Leah. Bago siya umalis
inilagay muna niya ang kaniyang mga gamit sa
loob ng kaniyang bag.Inilagay niya ang 500 g na
paying, 100 g na cellphone, 5 g na panyo 25 g na
notebook. Gaano kabigat ang mga gamit sa loob
ng kaniyang bag?

500 g + 100 g + 5 g + 25 g = _____


3. Ang katumbas ng bawat guhit na may bilang sa
weighing scale ay 10 kg. Ang timbang ni Aling
Tina ay nasa ika-7 guhit. Ilang kilogram si Aling
Tina?
10 kg x 7 = _____
Basahin at sagutin
ang mga tanong.
1. Si Margaret ay may 30 kg
bayabas. Ibinigay niya ang 7 kg
kay Nathalie at 8 kg kay Mara.
Ilang kg ng bayabas ang naiwan
kay Margaret?
2. Namili si Aling Sol noong
Miyerkules ng umaga sa palengke
ng Indang ng mga sumusunod:
2000 g na bigas, 250 g na sibuyas,
250 g na bawang at 1000 grams na
isda. Ilang grams lahat ang
pinamili ni Aling Sol?
3. Ang isang sako ng bigas at
asukal na may timbang ng 50 kg
bawat isa ay hinati sa 10
pamilyang sinalanta ng bagyo.
Ilang kilogram ng bigas at asukal
ang bahagi ng bawat pamilya?
Sa paglutas ng suliranin kasama ang mass
kinakailangang:
1. Salungguhitan ang itinatanong sa suliranin.
2. Alamin ang importanteng detalye upang
mahanap ang sagot.
3. Alamin kung anong process/equation ang
gagamitin.
4. Lutasin ang problema at kuhanin ang tamang
sagot.
EVALUATION
Basahin at unawain ang mga
suliranin. Sagutin ang mga ito
at ipakita ang solution.
1. Magluluto si Gng. Mendoza ng
hotcake para sa kaniyang mga
anak .Inihanda nya ang 1 kg ng
asukal, 2kg ng harina at 1 kg ng
baking powder. Ilang kilogram ng
sangkap ang kaniyang inihanda?
2. Bumili si Baby ng 500g ng
karneng baka at 500 g na karneng
baboy sa Mahogany Market sa
Tagaytay. Ano ang kabuuang
timbang ng mga karneng kaniyang
pinamili?
3. Ipinagagawa ni Tiya Malou ng cake
ang kaniyang anak na si Vince para sa
kaniyang kaarawan. Kailangan niya ng
5,000 g ng harina. Kung siya ay
mayroon ng 2500 g ng harina, ilang
grams pa ang kailangan niyang bilhin
para makumpleto ang dami ng
harinang kakailanganin para sa
gagawin niyang cake?
ASSIGNMENT
Basahin ang mga tanong"

Si Nanay Josie ay magluluto ng


tinolang manok. Pumunta siya sa
palengke at bumili ng mga sumusunod:
Mga tanong:
1. Ilang grams lahat ng sangkap ang binili ni Nanay
Josie?
2. Ilang grams ang lamang ng mas mabigat na gulay sa
mas magaan na gulay?
3. Mabuti ba sa bata ang kumain ng papaya at
malunggay? Bakit?

You might also like