You are on page 1of 10

Pandiwa

Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng


pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw
(lakad, takbo, dala), isang pangyayari (naging,
nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral).
Tinatawag ito na verb sa wikang Ingles.
Halimbawa ng Pandiwa

• Naglalakad
• Tumatalon
• Lumilipad
• Sumasayaw
• Tumatakbo
1. Umalis sina Rodrigo at Nathaniel habang hindi pa umuulan
2. Ginising ni Aling Myrna si Kakay nang maaga.
3. Kinuha ng guro ang laruan ni Victor upang makinig na ito sa klase.
4. Pinalipat ni G. Dominggo ng upuan si Santino upang hindi na sila mag-
uusap nina Carlos at Benjamin.
5. Binalaan ni Dianne si Karen na huwag na huwag ng uulitin ang ginawa
niya.
Aspekto ng Pandiwa

1.Aspektong Naganap o Perpektibo


2.Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan
3.Contemplatibo (Magaganap o
Panghinaharap)
Aspektong Naganap o Perpektibo – Ito ay nagsasaad
ng isang kilos na kung saan ito ay tapos na, o naganap
na. Kadalasan itong ginagamitan ng mga salitang
kahapon, kanina, noong isang taon, nakaraan at iba pa.
Ginagamitan din ito ng mga panlaping na, nag, um,
at in.
Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan – Ito ay
naglalarawan ng isang kilos na laging ginagawa o
kasalukuyang nagaganap. Ito ay pandiwa na nasa
panahunang pangkasalukuyan o aspektong
nagaganap. Ito ay ginagamitan ng mga salita na
habang, kasalukuyan, at ngayon.
Contemplatibo (Magaganap o Panghinaharap)
- Ang kilos ay hindi pa nagagawa, nagaganap, o
gagawin pa lamang. Ginagamitan ito ng mga
panlaping ma at mag.
Panuto: Kumuha ng isang piraso ng papel at isulat ang
mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang mga
pandiwang nasa aspektong pangkasalukuyan.

•Kumakain ako ng Adobo.


•Umuulan ng malakas dito sa amin.
•Naglilinis ng kwarto si Jose para paghandaan ang
pagdating ng kanyang ate.
•Nag-aaral ako magbasa.
•Naglalaro ng tagu-taguan ang aking mga kaibigan.
•Nagluluto ako ng panghapunan naming mag-anak.
Takdang Aralin: Gumawa ng 5 na
pangungusap na may pandiwang nasa
aspektong pangkasalukuyan. Isulat ang
gawain sa isang piraso ng papel.

You might also like