You are on page 1of 47

MAGANDANG

ARAW
BAITANG 10!
FILIPINO 10
iWord of
the Day
ALITUNTU
NIN
Face-to-Face Class
• Siguraduhing nakalinya ng maayos ang mesa
• Pulutin ang mga kalat bago magsiupo
• Kaingayan ay limitahan
• Panatilihin ang pagiging disiplinado at intindihin ang
aralin
• May kompletong kagamitan (libro, kwaderno,bolpen,
tubig, atbp.)
Online Class
• Siguraduhing bukas ang kamara ng device na
ginagamit
• Ang pananamit ay angkop
• Komportableng pwesto
• May tamang liwanag sa pwesto
• May kompletong kagamitan (libro, kwaderno,bolpen,
tubig, atbp.)
ATENDANS
RANT MO,
CHIKA MO!
MELC
S
Domeyn: Pagsasalita 64
Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap,
layon, pinaglalaanan, at kagamitan)

1. sa pagsasaad ng aksyon, pangyayari at karanasan


2. sa pagsulat ng paghahambing
3. sa pagsulat ng saloobin
4. sa paghahambing ng sariling kultura at ng ibang bansa
isinulat na sariling kuwento
Layuning Pampagkatuto
• Natutukoy ang uri, aspekto, at pokus ng pandiwa.
• Naibabahagi ang sariling halimbawang
pangungusap gamit ang uri, aspekto, at pokus ng
pandiwa.
• Nakasusulat ng sariling kwento tungkol sa mga
tauhan ng Griyegong mitolohiya gamit ang uri,
aspekto, at pokus ng pandiwa.
MAHALAGANG PAG-
UUGALI
●Kritikal na Pag-iisip
●Komunikasyon
●Moral na Integridad at Kasiningan
BALIK-
ARAL
KUNG IKAW
AY MASAYA,
KUMILOS KA
PANDIWA
(Uri, Aspekto at
Pokus)
MAHALAGANG TANONG
Paano nakatutulong ang
pandiwa sa pagsulat at
pakikipagtalastasan mo
sa ibang tao?
Ano nga ba ang
PANDIWA?
● Ito ay bahagi ng
pananalitang nagsasaad ng
kilos o galaw na nagbibigay-
buhay sa lipon ng mga
salita.
● Ito ang puso ng pangungusap dahil ito ang
nagbibigay-buhay at nagpapakilos sa mga
salitang ibinibigay ng iba pang bahagi ng
pangungusap.

● Ito ay binubuo ng salitang- ugat at ng isa o higit


pang panlapi na tinatawag na panlaping
makadiwa.
Uri ng Pandiwa
Palipat
Katawanin
Palipat
-Ito ay kung may tuwirang layong tumatanggap
sa kilos. Ang layon ay karaniwang kasunod
ng pandiwa at pinangungunahan ng mga
katagang ng, ng mga, sa, sa mga, kay o kina.
Halimbawa:
Nagpadala ng pagkain para sa kanyang nanay si Marina.
Katawanin
-Ito ay hindi na nangangailangan ng tuwirang
layong tatanggap ng kilos.
Halimbawa:

Si Ana ay kumakain nang mabilis.


Nagpunta ang mga kabataan sa tahanan ni G. Lirio.
Aspekto ng
Pandiwa
Aspektong Naganap o
Perpektibo
Ito’y nagsasaad na tapos na o
nangyari na ang kilos.
Hal.
Ipinadala ni Zeus si Pandora.
• Aspektong Katatapos
Bahagi rin ng aspektong naganap
sapagkat ang kilos ay katatapos pa lang
gawin o mangyari. Sa pagbuo nito’y
idinugtong ang panlaping ka- at inuulit
ang unang pantig ng salita
Hal.
Kasasabi lang ni Epimetheus
na huwag buksan ni Pandora
ang kahon subalit binuksan pa
rin niya ito.
Aspektong Nagaganap o
Imperpektibo
Ito’y nagsasaad na ang kilos ay
kasalukuyang nangyayari o kaya’y
patuloy na nangyayari.
Hal.
Araw-araw na nagpapaalala si
Epimetheus sa kanyang asawa.
Aspektong Magaganap o
Kontemplatibo
Ito’y nagsasaad na tapos na ang
kilos ay hindi pa isinasagawa o
gagawin pa lang
Hal.
Darating ang pag-asa
basta’t maghintay ka
lamang.
NAIINTINDIHAN
BA?
Gawain Upuan 1:
PANDIWA-RILI

Tumungo sa Google
Classroom para sa panuto.
Gawain Upuan 1: PANDIWA-RILI
Panuto: Magtala ng 10 halimbawa ng pandiwa. Magbigay ng pangungusap sa
bawat pandiwa. Tukuyin kung ano ang uri at aspekto ng pandiwa. Sundin ang
pormat na nasa kwaderno at pag natapos na ay kuhanan ng litrato ang iyong
ginawa bago ito i-upload sa ating GCLASSROOM.

Hal.
Sinulat ni Mikhaela ang mga napag-usapan sa pulong.
Uri: Palipat
Aspekto: Perpektibo

Si Gabriel ay ikakasal kay Mikay.


Uri: Katawanin
Aspekto: Kontemplatibo
IGALAW MO
AT
GAGAYAHIN
KO
POKUS NG
PANDIWA
1. Pokus sa Tagaganap o
Aktor
Kapag ang simuno o paksa ang gumaganap ng kilos
sa pangungusap.

Hal:
Si Ej ay nag-eehersisyo.
Paksa, gumaganap ng kilos; Pandiwang nakapokus sa
Paksa
2. Pokus sa Layon o Gol
Kung ang layon ay ang paksa o ang binibigyang diin
sa pangungusap.

Hal:
Iniuwi namin ang pagkaing natira.
Pandiwang nakapukos sa layon; layon na siyang
paksa ang binigyang- diin
3. Pokus sa Pinaglalaanan (Benepaktib)
Kung ang pinaglaanan ng kilos ang siyang pokus ng
pangungusap.

Hal:
Ibinili ko ang nanay ng pasalubong.
Pandiwang nakapokus sa tagatanggap; tagatanggap
na siyang binibigyang-diin
4. Pokus ng Kagamitan (Instrumental)
Kung ang pokus ay ang kagamitang ginamit sa kilos.

Hal.
Ipinanungkit nila ng bayabas ang patpat.
pandiwang nakapokus sa gamit; kagamitan na
ginamit sa kilos
5. Pokus sa Sanhi (Kawsatib)
Kung ang pokus ay ang sanhi o dahilan ng kilos.

Hal.
Ikinasakit ng tiyan niya ang bayabas.
Pandiwang nakapokus sa sanhi; sanhi o dahilan
ng kilos
6. Pokus sa Direksyon
Kung ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng
pandiwa.

Hal.
Pinasyalan namin ang parke.
Pandiwang nakapokus sa direksyon; paksa na
nagsasaad ng direksyon
MAHALAGANG TANONG
Paano nakatutulong ang
pandiwa sa pagsulat at
pakikipagtalastasan mo
sa ibang tao?
Awtput
#2
Kwent
o Mito
Panuto: Kuhanin ang kwaderno sa
Filipino. Sundin ang pormat mula
sa Awtput #1 ngunit dito naman
ay Kwento Mito ang titulo ng
Awtput #2 ninyo.
Sumulat ng sariling kwento mula sa
mitolohiyang ating binasa “Ang
Kahon ni Pandora”. Maaari mong
ibahin ang paksa ngunit kailangan
gamitan mo ito ng mga pandiwa.
Guhitan ang mga pandiwang ginamit
sa iyong kwento/mito.
Pamantayan:
Nilalaman – 6
Kaayusan – 5
Pandiwang ginamit-5
Kahustuhan sa oras – 4

Kabuoan: 20 puntos
MARAMIN
G
SALAMAT!

You might also like