You are on page 1of 6

Anyo ng Morpema

1. Morpemang binubuo ng isang ponema


o Tindera-tindero
o Kusinera-kusinero
o Mario-Maria
o Propesor-propesora
2. Morpemang binubuo ng panlapi
o umawit
o umakyat
o maglinis
3. Morpemang binubuo ng salitang-ugat
o ganda
o bait
o linis

Pagbabagong Morpoponemiko

Asimilasyon

a. parsyal – pagbabago ng /ng/


b. ganap – bukod sa pagbabago ng /ng/ kinakaltas din ang unang ponema ng salitang ugat.
o Pang+punas= pamunas
o Pang+timpla= panimpla
o Mang+sungkit= manungkit

Pagpapalit ng Ponema

a. Malayang nagpapalitan ang mga ponemang d at r, o at u, e at i.


o madami-marami
o anu-ano
o lalake-lalaki

Metatesis

a. Kapag ang salitang ugat na ikakabit ay nagsisimula sa l at y ang panlaping in ay nagiging ni.
o In+ luto= niluto
o In + yakap= niyakap
b. Kinakaltas ang huling ponemang patinig at ang dalawang katinig na pumagita sa huling patinig
ay magpalitan ng pusisyon.

Pagkakaltas ng Ponema

a. Kalatsin lamang ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat. Halimbawa:


o bigay+an= bigyan
o sakay+an= sakyan

Pokus ng Pandiwa

Pokus sa Tagaganap - kung ang paksa ang siyang gumagawa ng kilos.

o Kumain ng suman ang bata.


o Bumili ng sapatos si inay.
Pokus sa Layon - kung ang layon (direct object ang paksa)

o Kinain ng bata ang suman


o Binili ni itay ang sapatos

Pokus sa Ganapan – kung ang paksa ay ang lugar na ginaganapan ng kilos.

b. Pinaglabhan niya ang banyo.


c. Pinagtamnan niya ang bakuran.

Pokus sa Tagatanggap - kung ang paksa ay ang pinaglalaanan ng kilos.

o Ikuha mo si William ng maiinom.


o Ipagtimpla mo ng kape si itay.

Pokus sa Gamit - kung ang paksa ay ang bagay upang maisakatuparan ang kilos.

o Ipampunas mo ang basahan.


o Ipinanghiwa ko ang kutsilyo.

Pokus sa Sanhi – kung ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan ng kilos.

o Iniluha niya ang pag-alis mo.


o Ikinatuwa ko ang pagdating ni itay.

Pokus sa Direksyon- kung ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos.

o Pinuntahan namin ang parke.


o Tinungo ng matanda ang simbahan.

Uri ng Paksa

Paksang Pangngalan

o Sumulat ng liham ang pinuno.


o Naghihintay ng ulan ang mga magsasa

Paksang Panghalip

o Kami ay kumakatawan ng Pilipinas.


o Sila ay gumagawa ng proyekto sa Filipino.

Paksang Pang-uri

o Hinahangaan ang masisipag.


o Pinupuri ang mga mababait.

Paksang Pang-abay

o Ang dito ay maghihintay muna.


o Kinalulugdan ang magaling makipagkapwa.
o Dinadakila ang talagang mapagmahal sa magulang.

Paksang Pandiwa

o Huwag mong gambalain ang mga nananalangin.


o Mahuhusay ang gumuhit nito.

Wastong Gamit ng Salita


May at Mayroon
Ginagamit ang may kung ito ay sinusundan ng : pangngalan, pandiwa, pang-uri at panghalip na paari.
Hal.

 May bata sa loob ng kotse.


 May tumatakbong aso sa kalsada.
 Si kuya ay may magandang sapatos.
 Ang aking mga kapatid ay may kanya-kanyang paboritong pagkain.
Ginagamit naman ang mayroon bilang: pansagot sa tanong, pagpapakita ng maykaya sa buhay at kapag
sinusundan ng isang kataga o ingklitik.
Hal.

 May pasok ba bukas? Mayroon


 Ayaw ko talaga sa mga taong nagpapanggap na mayroon.
 Mayroon ba siyang dalang pagkain?

Ng at Nang
Ginagamit natin ang ng kung ito ay sinusundan ng pangngalan.
Hal.

 Pinagsabihan ng guro ang mga batang pasaway.


Ginagamit naman natin ang nang bilang pang-abay, bilang pang-ugnay sa dalawang pahayag at kapag
inuulit ang isang salita.
Hal.

 Umiyak ako nang palihim si Jasmine nang malaman niyang iiwan siya ng kanyang ina.
 Tapos na ang programa nang dumating si Mang Berto.
 suklay nang suklay

Subukin at Subukan 
Ang salitang subukin ay nangangahulugang pagsiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o isang
bagay.
Hal.

 Subukin mong gumamit ng sabong ito at baka ikaw ay pumuti. 


 Susubukin ng mga taga St. Benedict ang galing ng mga taga St. Albert. 
Ang salitang subukan naman ay nangangahulugang pagmatyag o pagtingin upang malaman ang
ginagawa ng isang tao.

Hal.

 Subukan mo ang iyong kasintahan upang malaman mo ang kanynag sikreto. 


 Subukan mo ang iyong kaaway para mabatid mo kung may masaba ba siyang balak sa’yo. 

Pahirin at Pahiran
Ang pahirin ay nangangahulugang tanggalin o alisin.
Hal.

 Pahirin mo ang pawis sa iyong noo.


Ang pahiran naman ay nangangahulugang lagyan.
Hal.

 Pahiran mo ng kiwi ang aking sapatos.

Walisin at Walisan
Ang walisin ay tumutukoy sa dumi o bagay na dapat linisin.
Hal.
 Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran. 
Ang walisan ay tumutukoy naman sa lugar na dapat linisin.
Hal.
 Walisan mo ang kwarto.   

Bitiwan at Bitawan 
Ang bitiwan ay nangangahulugang pakawalan mo ang isang bagay o pagbitiw ng salita.
Hal.

 Bitiwan mo ako! 
 Ang sakit naman ng mga binitiwan mong salita. 
Ang bitawan naman ay tumutukoy sa lugar kung saan gaganapin ang sabong ng mga manok.
Hal.
 Pumunta si Mang Berto kina Mang Juan dahil naroon ang bitawan ng manok. 

Napakasal at Nagpakasal
Ang napakasal tumutukoy sa pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan  
Hal.

 Napakasal na kahapon ang magkasintahang Simon at Jasmine. 


 Balita ko napakasal na raw sina Pedro at Berta. 

Ang nagpakasal naman ay tumutukoy sa taong nangangasiwa sa pag-iisang dibdib.


Hal.
 Sina Mang Pablo at Aling Rosa ay nagpakasal ng kanilang panganay na anak. 
  Ang bait talaga ni Mang Ruperto, siya pala ang nagpakasal kina Mario at Maria. 
Operahin at Operahan   
Ang operhin ay tumutukoy sa tiyak na bahagi na tinitistis.
Hal.
 Ooperahin ngayon ang kidney ni Alex. 
 Bukas ooperahin ang mga mata ni Aling Marta.
Ang operhan naman ay tumutukoy sa taong ginawan ng operasyon.
Hal.
 Ooperahan ngayon sa kidney si Alex. 
  Bukas na ooperahan sa kanyang mga mata si Aling Marta.  

Iwan at Iwanan
Ang iwan ay nangangahulugang huwag isama/huwag dalhin
Hal.
 Iwan mo nalang ang gamit mo, babalik din naman tayo kaagad.
 Sandali lang, iwan ko muna ang kapatid ko kina lola.
Ang iwanan naman ay nangangahulugang tirahan o bigyan
Hal.
 Iwanan mo ako ng perang pambili ng ulam.
 Iwanan mo naman ako ng kahit kaunting respeto.

Hagdan at Hagdanan
Ang hagdan ay tumutukoy sa bahaging inaakyatan at binabaan.
Hal.
 Mag-iingat ka sa pagbaba mo sa hagdan at baka ikaw ay mahulog.
 Dahan-dahan lamang sa pag-akyat sa hagdan.
Ang hagdanan naman ay tumutukoy sa hawakan/ kinalalagyan ng hagdan.
Hal.
 Humawak ka sa hagdanan pag akyat mo sa hagdan upang hindi ka mahulog.
 Kailangang matibay ang materyales ng hagdanan upang hindi madaling masira ang hagdan.

Pinto at Pintuan
Ang pinto ay tumutukoy sa bahaging isinasara at binubuksan
Hal.
 Buksan mo ang pinto.
 Gawa sa narra ang kanilang pinto.
 Huwag mong sipain ang pinto.
Ang pintuan naman ay tumutukoy sa bahaging dinadaanan o nilalabasan/ pinapasukan
Hal.
 Huwag mong iharang sa may pintuan ang paso ng bulaklak.
 Nakabukas na ang pinto, pwede ka nang lumabas sa pintuan.
Sundin at Sundan
Ang sundin ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral
Hal.
 Sundin mo palagi ang bilin ko sa’yo.
Ang sundan naman ay nangangahulugang paggaya sa ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng
iba.
Hal.
 Sundan mo ang itim na kotse.
 Subukin nating sundan ang sayaw sa telebisyon.

daw/din at raw/rin
Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig
Hal.
 May sakit daw si Ana.
 Masipag din ang mga magsasaka.
 Nabasag daw ng bata ang baso.
Ginagamit naman ang raw/rin kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig.
Hal.
 Sasama raw si Anne sa atin.
 Bumili ka raw ng bigas sabi ni inay.
 Natuto rin ako sa wakas!

Hubo at Hubad
Ang salitang hubo ay nangangahulugang walang suot mula baywang pababa.

Ang salitang hubad ay nangangahulugang walang suot mula baywang pataas.

You might also like