You are on page 1of 2

Filipino 10 – 2nd Quarter Performance Task

Ikaw ay isang blogger. Susulat ka ng isang blog entry na i-po-post o


ilalathala mo sa isang blog site para maibahagi sa ibang tao saanmang
panig ng mundo ang iyong pananaw tungkol sa kalayaan at kung paanong
nagkakaroon o nawawalan nito ang isang kabataang tulad mo.
Maaari ka ring umisip ng iba pang napapanahong paksang
puwedeng mapag-isipan at kapulutan ng aral ng iyong mga mambabasa
partikular ang mga kabataan.
Gamitin ang kasanayang natutuhan mo sa pagsulat ng talumpati.
Rebisahin ang iyong akda upang umangkop sa pormat na blog.
Anyayahan mo rin ang ibang taong basahin at magsulat ng komento
sa iyong akda sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng link ng iyong
isinulat.

Paalala:
1. Ang gawaing ito ay dayad o dalawahan (kayo na ang bahala na
maghanap ng ka-partner ninyo kung saan kayo ay
komportable)
2. Maaaring gamitin o gawing gabay ang format na ibinigay ng guro.
3. Kayo ay malaya na gumawa ng sariling desinyo ng blog.
4. Maaaring gamitin ang MS Word o Canva sa pagsulat ng inyong
blog. Hindi na kailangan pang gumawa ng website.
5. Bubuuin ang blog ng 150 (minimum) hanggang 400 (maximum)
na mga salita.
6. Kailangang mayroong 3 taong babasa at magbibigay ng komento
sa iyong blog.
7. Kailangang ilagay ang pangalan o username at maging ang petsa
at oras ng taong magbibigay ng komento.
8. Maaaring magsaliksik upang mas mapalawak pa ang inyong
kabatiran ukol sa pagsusulat ng blog.
Gamiting gabay ang pamantayang ito.

Pamantayan 3 2 1

Organisasyon Organisado at Organisado at Walang


ng Bawat may kaisahan may kaisahan organisayon at
Talata ang mga ang mga kaisahan ang
pangungusap sa pangungusap sa mga
lahat ng talata. ilang talata. pangungusap sa
mga talata.

Mensaheng Taglay at Taglay subalit Hindi makikita sa


Taglay malinaw na hindi malinaw na blog ang
makikita sa blog makikita sa blog mensaheng nais
ang mensaheng ang mensaheng ipabatid ng blog
nais ipabatid sa nais ipabatid sa sa mga
mga mga mambabasa.
mambabasa. mambabasa.

Komentong Nabigyan ito Nabigyan ito Walang


Nakuha sa Blog nang hindi nang isang nagbigay ng
bababa sa komento komento
tatlong komento

You might also like