You are on page 1of 20

an da ng

Mag
Ha po n!

Mga Reporter:

Jono Ragonton Dimple Verzosa


Layunin sa
Pagkatuto
Naipaliliwanag ang paksang-diwa ng isang makling
parabula

Nalalaman ang mahahalagang impormasyon


tungkol sa Blog
arab ula
P ga
B an
ng

"Huwag mong kalimutang ikaw ay isang bangang gawa sa


lupa, ang tagubulin ng Inang Banga sa kaniyang anak.
"Tandaan mo ito sa buong buhay mo." "Bakit madalas mong
inuulit ang mga salitang ito, Ina?" ang tanong ng anak na
banga na may pagtataka. "Sapagkat ayokong kalimutan mo
ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating
mga kauring banga."
Kaya't sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa
kaniyang isipan na siya ay isang banga na gawa sa lupa. Hanggang
sa makakita siya ng ibang uri ng banga. Nakita niya ang eleganteng
bangang porselana, ang isang makintab na bangang metal, at
maging ang iba pang babasaging banga. Tinanggap niya na sila ay
magkakaiba. Ngunit hindi niya lubos na maunawaan kung bakit
hindi siya maaaring makisalamuha sa ibang banga. Marahil, gawa
sila mula sa iba't ibang materyal at iba-iba rin ang kanilang kulay.
May puti, may itim, may kulay tsokolate, at may dilaw. Sila ay may
kani-kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay-pantay.
Lahat sila ay ginawa upang maging sisidlan o dekorasyon.
Isang araw, isang napakakisig na porselanang banga ang nag- imbita sa
kaniya na maligo sa lawa. Noong una, siya'y tumanggi. Nang lumaon, nanaig
sa kaniya ang paniniwalang ang lahat ng banga ay pantay-pantay. Naakit
siya sa makisig na porselanang banga. Napapalamutian ito ng magagandang
disenyo at matitingkad ang kulay ng pintura. May palamuting gintong dahon
ang gilid nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang kagalang-galang sa
kaniyang tindig. gilid nito. Kakaiba ang kaniyang hugis at mukhang
kagalang-galang sa kaniyang tindig.

"Bakit, wala namang masama sa paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng


banga, a. Wala naman kaming gagawing hindi tama," bulong niya sa sarili. At
sumunod siya sa porselanang banga at sinabing, "Oo, maliligo ako sa lawa
kasama mo. Ngunit saglit lamang, nais ko lang na mapreskuhan."
"Tayo na," sigaw ng porselanang banga na tuwang-tuwa. Sabay
silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig.
Nakadama sila ng kaginhawaan sa mainit na panahon nang araw
na iyon. Nang sila'y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon.
Ang porselanang banga ay tinangay papalapit sa kaniya. Kahit
hindi nila gusto, bigla silang nagbungguan nang malakas. Isang
malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito ng
napakalakas na tunog. Ang porselanang banga ay nanatiling buo
na parang walang nangyari. Ngunit ang bangang gawa sa lupa ay
nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila. Habang siya'y
nabibitak ay unti-unti siyang lumulubog sa ilalim ng tubig. Naalala
ng bangang lupa ang kaniyang Ina.
Dagdag Kaalaman
Ang parabula ay mga kuwento na madalas na mula sa Bibliya o Banal na
Kasulatan. Hango ito sa mga katotohanan ng buhay na maaaring mangyari o
nangyari nang. Maaari ring kathang-isip ang mga kuwento pero mahahalagang
mensahe ang hatid nito. Ito ay naglalaman ng mga talinghaga at nagtuturo ng
espiritwal at/o kagandahang asal na magiging gabay ng isang tao sa kaniyang
pagdedesisyon sa matuwid na landas ng buhay.

Ayon kina Nucasa, et al. (2016), ang parabula ay galing sa salitang Griyego na
"parabole" na nangangahulugang maikling sanaysay.

Ilan sa mga parabula ay Ang Mabuting Samaritano, Ang Nawawalang Tupa, Ang
Alibughang Anak, Ang Maghahasik, at iba pa.
Pag-unawa
sa Binasa
1.) Ano ang palaging ipinapangaral ng inang banga sa buong
panahon ng kabataan ng anak na banga?

2.) Bakit kaya laging pinapangaralan ng ina ang anak na banga?


3.) Isa-isahin ang uri ng mga bangang nakilala ng batang banga.


4.) Ano kaya ang dahilan kung bakit may iba-ibang kulay ang
mga banga?

5.) Sino ang nang-imbita sa anak na banga na maligo sa lawa?


6.) Bakit kaya napapayag na maligo sa lawa ang banga na gawa sa


lupa?

7.) Ano ang naalaala ng batang banga habang siya ay unti-unting


nabibitak at nalulunod?

8.) Ano ang sinisimbolo ng banga na gawa gawa sa lupa? Magbigay ng


halimbawa

9.) Sa kasalukuyang panahon, ano ang sinasagisag ng porselanang


banga?

10.) Ilahad ang pangunahing kaisipang hatid ng binasang parabula.


Blog
Ano ang Blog? BLOGGER-
BLOGGING-
tawag sa
paggawa ng
gumagawa ng
blog blog
Ang BLOG o WEB BLOG ay isang
diskusyon o impormasyonal na
site na inilalathala sa WORLD
WIDE WEB.

BLOG POST -
tawag sa mga
artikulo na
inilalathala sa
BLOG
Mga Pokus Ng Blog

Maraming blog ang nagbibigay ng komentaryo sa isang


partikular na paksa.

Personal Online Diary


May mga blog din na gumaganap ng tungkuling ng online


brand advertising

HALIMBAWA NG BLOG

personal blog

video blog o vlog


travel blog

informative blog
Katangian ng Blog

ANG BLOG AY ISANG INTERNET- ANG BLOG AY NAKA ORGANIZE


BASED JOURNAL BATAY SA PANAHON

ANG BLOG AY HYPERACTIVE


ANG BLOG AY HINDI LAMANG

PANG-EDUKASYON
ANG BLOG AY INTERACTIVE
Gabay sa Pag-sulat ng Blog o Post
1. KAAKIT-AKIT NA PAMAGAT 3. MAGLAGAY NG LINK NG RESOURCES

DAPAT MAY IMPAK SA MGA MAMBABASA SA BAWAT POST AY HUWAG KALIMUTAN

MAGLAGAY NG LINKS KAUGNAY NG IYONG


DAPAT NAKAKATAWAG PANSIN PAKSA.

2 . MAGING MATAPAT 4. MAKIPAGTALAKAYAN

ILAHAD AND IYONG MGA INIISIP AT MAGTANONG SA MGA IYONG MAMBABASA AT


OPINYON NA MAY BUKAS NA PUSO. HILAOK SILA NANG AKTIBO SA TALAKAYAN SA
PAMAMAGITAN NG KOMENTO O EMAIL
Gabay sa Pag-sulat ng Blog o Post
5. IPROOFREAD AT I-EDIT ANG BLOG

TIYAKIN NA NA TSEK MO ANG BLOG MO BAGO MO ITO I-


POST.

MAGING ISANG MABUTING KARANASAN SA IYONG MGA


MAMBABASA KONG ANG POST MO AY WALANG MGA
PAGKAKAMALING TIPOGRAPIKAL AT GRAMMATIKAL

m at sa
Sa la !
ikin ig!
p ak

You might also like