You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
Tiongson St., Lagao, General Santos City

BANGHAY ARALIN
FILIPINO 9
UNANG LINGGO/ ARAW 4

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Kanlurang Asya.

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing


panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang
pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na


telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano
sa kasalukuyan. (ELC-Panood-F9PD-Ia-b-39).

D. Pang-araw-araw na Layunin Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan


na:

● Naihahambing nang maayos ang ilang piling


pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang
kaganapan sa iyong lipunan sa kasalukuyan sa
pamamagitan ng selfie.

● Naihahambing nang mabuti ang ilang piling


pangyayari sa napanood sa ilang kaganapan sa
lipunang Asyano sa pamamagitan ng mga gabay
na tanong.

II.NILALAMAN Ang Anim na Sabado ng Beyblade

III.KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

1
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Filipino 9 Panitikang Asyano


PangMag-aaral
Self-Learning Module: Unang Markahan – Modyul 1 pp
16-20

3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan Link mula sa Youtube


Mula sa Portal ng Learning
https://youtu.be/ReWecaS2A6Y
Resource

B. Iba Pang Kagamitang Panturo Laptop, Power-Point Presentation, LED TV, timer at rubrik
para sa presentasyon

IV.PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin BALIK ARAL


at/o pagsisimula ng bagong
aralin Magbabalik-aral ang guro tungkol sa naging talakayan sa
nakaraang pagkikita. Tatayo lamang ang mag-aaral na
gustong sumagot sa tanong na inihanda ng guro.

Tanong:

Ano ang maikling kuwento?

Sagot:

- Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan


na nagtataglay ng maikling sanaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na bunga ng isang maikling guni-
guni o kathang-isip ng may-akda.

- Ito ay maaaring batay sa imahinasyon o sa


sariling karanasan ng sumulat na nag-iiwan ng
impresyon sa mga bumabasa o nakikinig sa
kuwento. Karamihan sa mga maikling kuwento ay
maaaring mabasa at matapos sa loob ng iisang
upuan lamang.

2
B. Paghahabi sa layunin ng aralin TUKUYIN MO

May ipapakita na larawan sa mga estudyante

Tanong:

1 Ano ang nakikita ninyo sa larawan. ?

Sagot:

isang laruan.

2. Ano kaya ang tawag sa laruang ito?

Sagot:

isang beyblade

3. Nakapaglaro na ba kayo ng beyblade? Alam ko na nag


ilan na sa inyo ay nakapaglaro na ng beyblade lalo na
noong kayo ay mga bata pa. Kadalasan itong nabibili sa
mga palengke o tindahan.

Presentasyon ng layunin sa mga mag-aaral.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa PAG-ISIPAN MO!


sa layunin ng aralin
Ngayon ano kaya ang katangian ng isang Beyblade?

Sagot:

mabilis, maliit at paikot-ikot

Ngayon sa inyong mga nabanggit may ideya na ba kayo


sa ating tatalakayin ngayong araw na ito?

Sagot:

tungkol po sa Beyblade

May kaugnayan ang Beyblade sa tatalakayin natin


3
ngayong araw. Alamin din natin kung ang nabanggit niyo
ba ay kapareho din ba sa ating akdang tatalakayin. Ang
akdang ito ay pinamagatang “Ang Anim na Sabado ng
Beyblade”

-ni Ferdinand Pisigan Jarin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto Tatalakayin ng guro ang mga pangyayari sa kuwento


at paglalahad ng bagong gamit ang powerpoint presentation.
kasanayan #1

Anim na Sabado ng Beyblade -ni Ferdinand Pisigan


Jarin

E. Pagtalakay ng bagong konsepto Panuto: Tukuyin ang mga ginulong salita at ibigay ang
at paglalahad ng bagong angkop na kahulugan nito.Gamitin ang mga susing salita
kasanayan #2 sa isang makabuluhang pangungusap.

Talasalitaan:
1. KGAPAPAWI
kahulugan: pagkawala
GAPAKANNGAANGTIL
Pangungusap: Pagkapawi ng ulap, lumitaw ang liwanag.
IHAKANMLAY
2. kahulugan: nakahiga

Pangungusap: Nakita ko siyang nakahimlay sa ilalim ng


puno.
NGATAN

3. kahulugan: hawak

Pangungusap: Siya ay masayang naglalaro tangan ang


laruang binigay ko.
AALAPWAH

4 kahulugan: sigaw

Pangungusap: Nagising ako sa malakas na palahaw ng


mga batang naglalaro.

5. kahulugan: nakakagalit

Pangungusap: Ang nakapagngangalit, nawalang parang bula

4
ang lahat ng pinag hirapan ko.

Panonood ng video clip

Magaling! Sa pagkakataong ito alam na ninyo ang iilan sa


mahihirap na salita na mababasa natin sa isang akda.
Kaya naman naghanda ako ng isang video clip para
inyong panoorin. Tiyak na maaantig ang inyong mga
puso.Ito ay pinamagatang “Anim na Sabado ng Beyblade”
–ni Ferdinand Pisigan Jarin

Bago kayo manood ay mayroon akong mga patakaran


habang kayo ay nanonood.

Una, walang mag-iingay

Ikalawa, makinig at manood nang mabuti

Ikatlo, maghanda para sa katanungan at aktibidad na


gagawin ninyo mamaya. Maliwanag. Simulan na natin.

https://youtu.be/ReWecaS2A6Y

F. Paglinang sa kabihasaan PAMPROSESONG TANONG

(Tungo sa formative Mga Tanong:


assessment)
1. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?

Sagot: Ang Ama at si Rebo .

2.Sa inyong palagay, bakit pinamagatang anim na


sabado ng Beyblade ang akda?

Sagot: Sapagkat ang Beyblade ay sumisimbolo sa


pagkabata o kamusmusan ng isang bata.

3.Sa palagay ninyo ano kaya ang naging sakit ni


Rebo?

5
Sagot: leukemia po.

4. Ano ang nangibabaw na damdamin sa kuwento?

Sagot: kalungkutan po.

G. Paglalapat ng aralin sa pang- PAGNILAYAN NATIN


araw-araw na buhay
Tanong: Sa inyong palagay, ano ang aral o mensahe
na nakapaloob sa akda?

Sagot: habang tayo ay nabubuhay ipagkaloob natin sa


ating mga mahal sa buhay at sa mga taong nakapaligid
sa atin ang wagas na pagpapahalaga at pagmamahal
sa kanila dahil hindi natin alam kung hanggang kailan
natin sila makakasama. Piliing maging matatag at may
pananalig sa Panginoon.

H. Paglalahat ng Aralin PUNUAN MO

Panuto: Isulat ang bawat sabadong naganap sa akdang


“anim ng sabado ng Beyblade” gamit ang flow chart.

6
I. Pagtataya ng Aralin BIDA KA

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong na ibinigay


upang masukat natin ang antas ng iyong kaalaman.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. _________araw ng Linggo, nagsisimula ang buong


mag-anak. Ang salitang nawawala sa pangungusap
ay___________

A. Kung B. Kapag C. Sa D. Simula

2. Sa maikling kuwentong “Anim na Sabado ng


Beyblade” ano ang hiling ng batang si Rebo?

A. Hiling na niyang magdiwang ng kaarawan kahit


hindi pa araw.

B. Nais ni Rebo na magkaroon ng maraming


laruan at mga regalo

C. Mangumbida ng mga kaibigan at bisita

D. Maging maayos ang kaniyang kalagayan.

3. Ano ang nangyari kay Rebo sa ika-anim na


Sabado?

A. Si Rebo ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan


kahit hindi pa araw.

B. Lumabas na sa bahay-pagamutan ang batang si


Rebo

C. Nilisan nang bata ang mundo.

D. Nagpahinga lamang ang bata ng kaunting


panahon

J. Karagdagang gawain para sa Takdang Aralin


takdang-aralin at remediation

7
Pagguhit ng slogan
Halimbawa ng slogan:

Kailangan mo maging
Laging maging malakas at
matatag at matapang hindi
matatag sa mga hamon ng
para sa ibang tao kundi para
buhay.
sa sarili mo

Walang ibang tutulong sa ‘yo


kundi ang sarili. Maging
matatag sapagkat ito ang
magiging sandata mo sa
buhay.

TANONG:

1.Kung kayo ang nasa kalagayan ni Rebo ano ang


gagawin ninyo?

Sagot: Tulad ni Rebo pipilitin n’yong maging matatag sa


lahat ng pagsubok na inyong kahaharapin sa buhay.

2. Kung kayo naman ang nasa kalagayan ng ama ni Rebo,


ano ang gagawin niyo?

Sagot: Tulad din ng ginawa ng ama gagawin din ninyo ang


makakaya upang mapasaya ang inyong anak hanggang
sa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay. Mamahalin
n’yo nang wagas ang inyong mga mahal sa buhay.

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

8
A. . Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan

ng iba pang gawain para sa


remediyason..

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediyasyon?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong

F. Anong suliranin ang aking


naranasan na nasolusyunan
sa tulong ng aking punong
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapuwa
ko guro?

Rubrik
Pamantayan sa paggawa ng slogan.

Pagkamalikhain 40%

Kaangkopan sa tema 30%

Oranisasyon 20%

Kabuuan: 100%

9
Development Team

Writer: LIZA K. BERNALES


Content Editor: Virgilina L. Cabaylo
LR Evaluator: Mylene S. Arzadon
Virgilina L. Cabaylo
LR Illustrator: Ihryn T. Jaranilla

Executive Management

Education Program Supervisor: NORMA E. PASCUA


Education Program supervisor LRMDS: AILEEN A. JAMERO
Curriculum Implementation Division Chief: JULIET F. LASTIMOSA
Asst. Schools Division Superintendent: CARLOS G. SUSARNO, PhD, CESE
Schools Division Superintendent: ISAGANI S. DELA CRUZ, CESO V

10

You might also like