You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

ZAMBOANGA PENINSULA POLYTECHNIC STATE UNIVERSITY


College of Teacher Education – Graduate School
R.T. Lim Blvd, Zamboanga City

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO


NG FILIPINO BAITANG IX

KOMPETENSI: Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa parabula sa


tulong ng pagpapakahulugang semantika upang maisasabuhay ang mga aral at mahalagang kaisipang
nakapaloob dito.

I. LAYUNIN
 Nailalahad ang iba’t-ibang bisang pandamdamin, at pangkaisipan mula sa
napakinggang pahayag;
 Napapatunayan na ang mga pangyayari sa parabula ay maaaring maganap sa
kasalukuyan at sa tunay na buhay sa pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay.
 Nabibigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang pahayag na ginagamit sa
parabula;
 Napahahalagahan ang paggawa ng isang desisyon at ang mga kaakibat na
responsibilidad sa buhay;

II. PAKSANG-ARALIN

PAKSA: Panitikan: Parabula: Ang Alibughang Anak (Sulat ni: Ofelia Balagtas)
SANGGUNIAN: Pluma Wika at Panitikan
KAGAMITAN: Pantulong Biswal, Yeso, Teyp, Mga Larawan, Speaker at Laptop.

III. PAMAMARAAN

A. PAUNANG GAWAIN
a) Panalangin
b) Pagbati
c) Pagsasaayos ng silid aralan
d) Pag tsek ng atendans, ang liban at mga hindi liban sa klase
e) Pagbabalik-aral
f) Pagganyak

SUBUKIN NATIN:
a.) Ano ang PARABULA?
b.) Anu-ano ang mga katangian nito?

Gawain I. (PAGHAHAWAN NG SAGABAL)

PANUTO: Gamitin ang mga hindi nakaayos na salita sa Hanay A para maunawaan ang ibig
kahulugan ng mga nakasalungguhit na mga salita sa Hanay B. Matapos itong mabuo ididikit ang
tamang ayos na salita sa mga kahong nakalaan sa pisara.
HANAY A HANAY B

1. BOSINU PABABA
2. HIPARGAN 1. Nilustay niya ang lahat-lahat ng kaniyang
3. KALONGTU kayamanang minana sa walang kabuluhang
4. SOBRAMUSU . bagay.
5. KITAMA 2. Dahil sa kaniyang ginawang desisyon ay lubha
6. AWANA siyang nagdalita.
7. ALO-ALUIN 4. Sa kanilang tahanan ay lumalabis ang pagkaing
inilalaan para sa mga katulong.
6. Lubhang na nahabag ang kaniyang ama nang
makita niya ang anak.

PAHALANG
3. Kahit ang mga alipin ng kaniyang ama ay tiyak
na hindi makukulangan sa pagkain.
5. Nang nasilayan ng ama ang papalapit na anak,
siya ay napatakbo upang salubungin ito.
7. Inamu-amo ng ama ang anak na nagtampo.

B. PAGLALAHAD

Gawain II. (PAGSASAAYOS NG KWENTO)

PANUTO: Isaayos ang mga larawan na maaaring pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa


tatalakaying parabula.

Pagbasa at paglalahad ng Parabula : Ang Alibughang Anak

Gawain III. (PAGBIBIGAY KAHULUGAN)

PANUTO: Pangkatang Gawain: Bigyang kahulugan ang mga salita o pahayag hango sa
talinghagang “Ang Alibughang Anak”. Gumamit ng grapik organayser sa pagtatalakay ng mga
sumusunod. Isulat ang sagot sa isang buong papel at ibahagi sa klase. Sa loob lamang ng 5 minuto.

LITERAL NA SIMBOLIKONG ISPIRITUWAL NA


KAHULUGAN KAHULUGAN KAHULUGAN
1. Alibugha

2. Kayamanan

3. Ama

4. Anak

5. Ang magsaya at
magalak ay
kailangan sapagkat
ang kapatid mong
ito ay namatay at
muling nabuhay.
Siya ay nawala at
natagpuan.

B. PAGTALAKAY SA ARALIN

Gawain IV. (SA ANTAS NG INYONG PAG-UNAWA)

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Anong uring ama ang ama sa akdang binasa? Sa inyong palagay, tama ba ang ginawa niyang
pagbibigay ng pamana sa kanyang mga anak kahit siya’y buhay pa at malakas pa?
2. Ano ang ibinubunga ng kaniyang ginawang desisyon? May kakilala ka rin bang anak na ganito
rin ang kinahihinatnan sa buhay dahil sa kanyang pagiging alibugha?
3. Anong mga katangian ng iyong ama/ina ang sumasalamin sa katauhan ng ama sa akda? Paano
mo pinahahalagahan ang mga pag-aaruga sa iyo ng iyong mga magulang?
4. Kung ikaw ang kapatid ng alibughang anak? Ano ang gagawin mo? Tatanggapin mo ba ang
pagbabalik niya?
5. Kung ikaw ang alibughang anak sa akda, anong mga aral ang iyong natutunan? Kaya mo bang
humingi ng tawad sa iyong mga pagkakamali?

G. PAGLALAHAT

Ang Parabulang “Ang Alibughang Anak” ay nagpapakita ng dakilang pagmamahal ng isang ama sa
kaniyang anak na nagkasala. Nasaktan man ang ama sa maagang pagkuha ng mamanahin ng kanyang
anak ay ibinigay parin niya ito; at nang ito ay bumalik sa piling ng kaniyang ama. Siya ay tinanggap
ng buong puso at walang halong pag-aalinlangan. Ipinakikita ng parabula kung gaano kadakila ang
pagmamahal ng isang magulang sa kabila ng pagkakasala ng anak.

Bukod sa ating mga magulang ay isa pang nagmamahal sa atin nang lubos at kahit ikamatay Niya pa
ito ay kaya Niyang gawin. Walang iba kundi ang ating Diyos. Nagpakamatay siya para sa iyo, sa akin,
at sa lahat. Talagang dakila at lubos na mapagpatawad at mapagmahal ang ating Amang nasa langit.

IV. EBALWASYON / PAGTATAYA

Gawain V. (PAGSULAT NG SANAYSAY)

PANUTO: Bilang pangwakas ikaw ay susulat ng isang sanaysay habang nakikinig ng awitin ni
Freddie Aguilar na pinamagatang “ANAK” , mag-isip ka ng paraan upang mapasalamatan ang iyong
mga magulang at isulat ang mga aral at magagandang kaisipan na iyong natutunan. Isulat sa isang
buong papel.

V. TAKDANG-ARALIN

PANUTO:
Magdala ng larawan ng isang anak na nagpapakita na ito ay isang Alibuh=ghang anak at isaad kung
bakit ito natawag na alibughang anak.
Inihanda ni GInang. Rashida A.Jallao
PEC 103/ Batch 32

You might also like