You are on page 1of 17

FILIPINO 6

Unang Markahan
(Ika-siyam na Linggo ikalimang araw)

I. LAYUNIN
Nagagamit ang OPAC sa pagtukoy ng aklat o babasahin na gagamitin sa pagsasaliksik
tungkol sa isang paksa. (F6EP-Ii-9.2)

Pagpapahalaga: Pagiging Mapagmasid

PAKSANG ARALIN
Kasanayan: Pagagamit ng OPAC sa pagtukoy ng aklat o babasahin na gagamitin sa
pagsasaliksik tungkol sa isang paksa
Sanggunian: K to 12 Grade 6 Curriculum Guide, Filipino 5 Teacher’s Guide ph. 86-
88 at ph. 78-79
C. Mga Kagamitan: laptop, video clip ukol sa paggamit ng OPAC, cartolina,
pentel pen, manila paper

PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Pagsasanay
Anu-ano ang mga pamantayan na dapat tandaan sa panonood ng pelikula?
Paano ang pagbibigay ng kaisipan at pagpapahalaga sa saloobin nito?
2. Balik-Aral
Sino ang makapagbigay ng halimbawa ng diksiyonaryo?
3. Pagganyak
Paano ka makakasaliksik ng mga paksa na pang madalian?
Gusto mo bang malaman kung paano ka makapaghanap ng aklat kahit
nasa labas ka ng aklatan?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Bagong Teknolohiyang may kaugnayan sa Aklatan

Online Public Access Catalog


Ang OPAC ay nangangahulugang online public access catalog. Ito rin ay simpleng library
catalog kung saan natutukoy mo ang lokasyon ng mga aklat, periodicals, audio visual materials
at iba pang bagay na nasa isang aklatan.
madaliang paghanap ng mga aklat kumpara sa mga lumang sistema (Dewey Decimal
System). Ito ang electronic na version ng card catalog. Ang paghanap ng aklat ay may sistema
na program na basta i-click mo at mahahanap mo ang lokasyon ng aklat sa isang aklatan.
Malalaman mo rin kung nasa estante pa ang aklat o may nakahiram na nito.
Paggamit ng OPAC:

- Gumamit ng kompyuter na may OPAC.


- I-type ang iyong hinahanap na aklat o sanggunian sa espasyo.
- Magpapakita ang kompyuter ng mga listahan ng mga aklat at sanggunian na iyong
hinahanap.
- Kunin ang call number upang malaman kung saan ito matatagpuan sa inyong silid-
aklatan.

Talakayin ang mga detalye sa libro.

Listahan ng OPAC related catalogs: 1. Aquabrowser 2. Axiel Arena 3. EBSCO Discovery Service 4. LS2 PAC and
LS2 Kids from the library corporation (TLC).

2. Gawin Natin
Pangkatin ang mga bata sa tatlong (3) grupo.
Magpakita ng ikalawang video na nagsasaad ng mga hakbang sa paggamit ng OPAC.
Atasan ang bawat pangkat na intindihin at isulat ang mga detalye na inilalahad ng video.
Pagkatapos, ang lider ang mag report ng mga natalakay sa grupo ayon sa kanilang paghinuha sa
video. Ang buong klase ay magkaroon ng talakayan ukol sa mga report ng bawat pangkat.

3. Paglalahat
Ano ang ibig sabihin ng OPAC?

Paano ito gagamitin?

Kung mahina ang internet connection, paano ito makakaapekto sa paghahanap


ng mga aklat o paksa?

IV. PAGTATAYA
Itala kung anu-anong mga detalye ang dapat tandaan sa paggamit ng OPAC?
Magtala ng limang (5) mga importanteng detalye.

V. TAKDANG-ARALIN
Maghanap ng iba pang video na nagpapakita kung paano gamitin ang OPAC. Paghandaan ang
pagbabahagi nito sa klase.

128
FILIPINO 6
Unang Markahan
Ikasampung Linggo 1

I. Layunin:
Nabibigyang – kahulugan ang sawikain na napakinggan
Naipapahayag ang sariling opinion o reaksiyon sa isang napakinggang balita,
isyu o usapan
II. Paksa:
Kasanayan : Pagbibigay – kahulugan sa sawikain
Pagpapahayag ng sariling opinion o reaksiyon
Sanggunian : Pluma 6 pp. 111-116
Kagamitan : plaskards, tsart

III. Yugto ng Pagkatuto A.


Panimulang Gawain
Pagsasanay
Isulat ang mga sumusunod na parirala sa plaskard:
Itaga sa bato mababaw ang luha
Mababa ang loob bukal sa loob
balitang-kutsero magdilang anghel
tulak ng bibig namuti ang mata
magaan ang dugo matalas ang ulo

Balik-aral
Alin-alin sa sumusunod na mga pahayag ang katotohanan at opinyon? Isulat ang K
sa katotohanan at O kung opinion.
__ 1. Ang panganay ang unang anak ng mag-asawa.
__ 2. Mayaman sa protina ang karne samantalang sa carbohydrates ang kanin.
__ 3. Kayumanggi ang kulay ng mga Pilipino.
__ 4. Ang gupit na crew cut ang pinakabagay kay Billy.
__ 5. Mas malakas sumuntok si Pacquiao kaysa kay Marquez kahit nagtabla
sila sa laban.

Panlinang sa Gawain
Pangganyak
Ano ang masasabi ninyo sa kakayahan at katangian ng bawat nilikha?

129
2. Paglalahat
Sa araw na ito babasahin ko sa inyo ang kwento tungkol sa isang kambing na
hindi kuntento sa sarili.

A. Pagganyak na Tanong
Ano ang dapat ninyong gawin sa mga bagay na hindi na pwedeng palitan o baguhin?
B. Pagbasa ng Guro sa Seleksyon
Ipaalala ang mga pamantayan sa wastong pakikinig.
Pagtatalakay na Pag-unawa

Pagsagot sa Pagganyak na Tanong


Ano ang masasabi ninyo sa kakayahan at katangian ng bawat nilikha?
(Iba-iba ang kakayahan at katangian ng bawat nilikha.)
Pagsagot sa mga Tanong Pang-unawa
Sinu-sino ang tauhan sa akda?
Paano naging magkaibigan sina Maki at Waldo?
Bakit nagkaroon ng problema si Maki?
Ano ang kanyang ginawa upang mabigyang kasagutan ang kanyang mga
tanong sa buhay?
Paano siya ginabayan ng kanyang nanay?
Nagtagumpay ba siyang magkaroon ng katulad na sungay ni Waldo sa
kagubatan? Paano niya natanggap ito?
Kahit ikaw si Maki at nakahihigit ng katangian ang iyong kaibigan na popular,
maraming nagkakagusto, at mas matalino, ano ang gagawin mo? Ibigay ang
iyong sariling opinion/reaksiyon?
Kung ikaw naman si Waldo at napansin mong naiingit sa iyo ang iyong
kaibigan, ano ang gagawin mo?
Bakit kaya nasabi ni Maki ang “Ako’y isang kambing, dapat kong taggapin ang
katotohanan?”
Ikaw, ano ang sasabihin mo sa inyong sarili upang matanggap mo kung ano
ka at kung anong mayroon ka?
Paglinang sa Kasanayan
Pansinin ang mga pangungusap sa ibaba:
Sina Maki at Waldo ay lumaking nakabuhol ang pusod.

Kapwa na sila nasa kasibulan ng buhay subalit walang nabago sa


kanilang samahan.
Pumunta si Maki sa pusod ng gubat upang makita ang engkantada.

130
Ano ang kahulugan ng mga sinalungguhitang salita?
Tiyak ba ang kanilang mga kahulugan?
Sabihin: Ang mga sinalungguhitan ay mga salitang patalinhaga
na karaniwang ginagamit sa araw-araw. Ito ay nagbibigay ng di-tiyakang
kahulugan ng salitang isinasaad ito.
Halimbawa:
Itaga sa bato (tandaan)
Mababa ang loob (maawain)

Pagpapayamang Gawain
Gawin Natin
Panuto: Piliin ang mga sawikain sa pangungusap.

Parang aso’t pusa ang mga anak ni Aling Azon; lagi na lamang
nagbabangayan.
Mahilig sa kompyuter at cellphone ang mga bagong dugo.
Madaling mapapansin ang bagong salta sa magulong lunsod.
Laging may ngiti sa kanyang mga labi tuwing naiisip niya ang bakas ng
lumipas.
Balat-sibuyas ka pala. Biniro ka lang ay nagdamdam ka na agad.
Sayang lang ang pakiusap mo, bato ang kalooban ng taong iyan.
Mahal niya ang babaeng iyon kaya bigay na bigay siya sa lahat ng hilingin
nito.
Bukas na aklat ang buhay ng ating mga bayani.
Mga kasamang driver, konting ingat, may butiki sa poste sa bandang kaliwa
ng susunod na kanto.
Gamitin ang kokote sa pagtatrabaho nang maiwasan ang pagkakamali at
nang hindi mapagalitan.

Gawin Natin
Panuto: Ano ang kahulugan ng sumusunod na mga matalinhagang
salita? Isulat ang titik ng wastong sagot.
___ 1. Kapag may isinuksok, a. Matutong magtipid at
may madudukot. magtiis habang kapos
___ 2. Ang hindi lumingon sa at kulang ang pera.
pinanggalingan, hindi b. Ang marunong mag-
makakarating sa paroroonan. ipon, magtipid, kapag
___ 3. Habang maikli ang kumot, nangangailangan ay
matutong mamaluktot. may magagastos.
___ 4. Ang mabuting gawa, c. Alalahanin ang mga
Kinalulugdan ng madla. taong marunong sa
131
___ 5. Sa taong may tunay na sinabi.
hiya, ang salita ay panu- d. Maraming natutuwa sa
numpa. taong gumagawa nang
tama at mabuti.
Gawin Mo
Panuto: Ang mga Pilipino ay likas na matalinhagang magsalita. Sa
araw-araw na mga pangyayari sa buhay ay naipapakita natin ang mayaman
nating nakaraan. Sinasalamin nito ang ating kultura kung paano tayo
mangusap sa kapwa. Isang paraan ang paggamit ng sawikain. Ibigay ang
kahulugan ng sumusunod na mga sawikain.
1. balitang-kutsero _____________________________
2. tulak ng bibig _____________________________
3. magaan ang dugo _____________________________
4. mababaw ang luha _____________________________
5. pantay ang mga paa _____________________________
6. bukal sa loob _____________________________
7. magdilang anghel _____________________________
8. namuti ang mata _____________________________
9. namamangka sa dalawang ilog _______________________
10. matalas ang ulo _____________________________
E. Paglalahat
Ano ang sawikain?
Paano nabibigyang-kahulugan ang sawikain?
F. Paglalapat
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain. Pagkatapos gamitin sa
pangungusap.
may gatas pa sa labi
hulog ng langit
maykaya sa buhay
magsunog ng kilay
nag-agaw buhay
IV. Pagtataya:

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sawikaing nakasalungguhit. Piliin ang sagot sa loob
ng panaklong.
Mahilig kumanta tuwing umaga ang kapitbahay mo, e boses palaka
naman. (sintonado, palaka ang tinig, maganda ang boses)

Si Andres Bonifacio ay isang anak-pawis. (


mayaman, maramdamin, mahirap)
132
Bakit kaya lagi na lang butas ang bulsa ng kapitbahay kong negosyante? Parati na lang
sinasabing wala siyang pera tuwing ako’y manghihiram.
( may butas ang bulsa, walang pera, maraming pera)
Hawak sa ilong ang lahat ng pulis sa nais ng kanilang alkalde.
( hinawakan ang ilong, sunud-sunuran, may sariling paninindigan)
Kinain ng abo ang malaking bahay na katatayo pa lamang na pag-aari ng mag-asawang
drug-lord na taga Pasil, Cebu City.
( may abo ang bahay, nasunog, pinagnakawan)

Takdang-aralin:
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain
pabalat-bunga
magtaingang-kawali
kuskos-balungos
magdalang-tao
taas ang noo
Banghay Aralin sa Filipino 6
Unang Markahan
(Ikasampung Linggo) 2

LAYUNIN:
Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di kilalang salita sa pamamagitan ng pormal
na depinisyon (F6PT-Ij-1.10)
Nagbabago ang dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto (F6PB-Ij-15)
Naipakikita ang hilig sa pagbasa (F6PL-Oa-j-7)

Pagpapahalaga: Pagbibigay galang sa paniniwala o pasya ng iba

PAKSA:
Kasanayan: Pagbibigay Kahulugan ng Pamilyar at Di-Kilalang Salita sa Pamamagitan ng
Pormal na Depinisyon
Sanggunian: K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 6, Landas sa Pagbasa 6 pp.24-25
Kagamitan: Batayang aklat, tsart, larawan, diksyunaryo

Yugto ng Pagkatuto:
Pagsasanay:
Basahin ang bawat pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng mga may salungguhit na salita sa
papamagitan ng pagbibigay ng kanilang kasalungat. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Humusay ang kaniyang pagguhit dahil sa pag-eensayo.
Ang batang makulit ay napagalitan ng nanay.
Walang humpay ang pag-iyak ng bata.
Pati hangin yata’y walang pakialam sa kapal ng usok na nakabalatay
May maliit na liwanag ang natatanaw ng bata.

2. Balik-aral:
Sa anong paraan matutukoy/maibibigay ang kahulugan ng isang salita?
Mga Gawain:
A. Pagganyak. (Ipakita ang larawan)

134
Kailan at saan ninyo ito madalas makikita?
Anu-anong tradisyon ng mga Pilipino ang alam ninyo?

Panuto: Kumpletuhin ang concept cluster na ito sa pamamagitan ng


paglalagay ng mga ideyang inyong naiisip na kaugnay ng salitang nasa gitna.

PISTA NG

B. Paglalahad:
Pagbibigay hakbang/pamantayan sa pagbasa
Basahin ang kuwento
PIsta sa Aming Bayan

Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming


tao ang nagsimba. Masigla at masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan. Hindi
magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tagarito, mga
balikbayan, at mga panauhin mula sa ibang bayan.
Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan
habang nagbibigay ng masiglang tugtugin. Umaambag rin sa sigla at saya ang malakas na
bunghalit ng mga tugtugin sa mga perya at pondahan at maging sa mga tahanan man.
Nagpapagaraan sa ganda ang mga arko sa mga panulukan ng mga kalye. May mga
arkong kawayan na may makukulay na ginupit-gupit na papel. Ang mga banderitas na
may iba’t ibang kulay ay nakagayak sa mga hayag na lansangan at maging sa maliliit na
kalye man.
Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson doon at dine.
Malalaking talyasi ng pagkain ang nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran.
Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalu-saluhan ang mga inihandang pagkain
ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapus-
tapos. Ganyan ang pista. Nakalulungkot tuloy isipin na ang pista ay tila kainan na lamang
at nawawala na ang diwang ispiritwal ng okasyon.
E, bakit nga ba may pista? Hindi ba’t nagdudulot lamang ito ng malaking gastos?
Hindi ba’t malaking pag-aabala ito? Pero sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino
ang pagpipista at pamimista. Ito’y isang kaugaliang minanapa natin sa ating mga ninuno.
Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang
ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Ito ay araw ng pagdakila. pagpuri at pagpaparangal
sa Panginoon. Kadalasan, ang pistang-bayan ay itinatapat sa kaarawan ng patron ng
135
bayan, gaya ng pista ng Meycauayan na ipinagdiriwang sa kaarawan ng patron nito na
si San Francisco de Asis, pista ng Santa Clara sa kaarawan ng Mahal na Birhen de
Salambao, pista ng Obando sa kaarawan ni San Pascual de Baylon, pista ng Malolos sa
kaarawan ng Birhen Immaculada Concepcion, at iba pa.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


Ano ang pista?
Bakit may pista?
Ilarawan ang pagdiriwang ng pista batay sa tekstong binasa.
Sang-ayon ka ba na ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng pista?
Ipaliwanag.
Bakit sinasabing ang pista ay isang pamanang kalinangan n gating mga
ninuno?
Batay sa binasang teksto, anong isyu ang nakapaloob dito?
Sa isyung nakapaloob sa teksto, ano sa tingin mo ang paniniwala ng may-akda
nito tungkol sa isyung ito?
Gawin Natin:
Pagtatalakay:
Tukuyin ang kahulugan ng salitang pamilyar at di- pamilyar. Gamitin
ang diksyunaryo.Isulat ang sagot sa pisara.
Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tao
sa plasa.
Nagpapagaraan sa ganda at kulay ang mga arko at banderitas sa kalye.
Tuwing pista, naririnig ang bunghalit ng mga tugtugin sa perya, mga pondahan
at mga tindahan
Makukulay na banderitas ang nasa kalye kung araw ng pista.
Bukud sa pagtugtog ng banda ng musiko, umaambag din sa saya ng kapistahan
ang pagsasalo-salo sa masasarap na pagkain ng mga pamilya at panauhin.
Tanong: Ano ang ibig sabihin ng pamilyar at di-kilalang salita?
Paano mo naibibigay ang kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-
kilalang sa kwentong iyong binasa?
Magbigay ng mga halimbawa ng pamilyar at di-kilalang salita. Tukuyin
ang kahulugan nito sa pamamagitan ng paggamit ng diksyunaryo.
(Ang guro ay malayang magbigay ng iba pang mga salita)

Mga Salitang Pamilyar Mga Salitang Di-kilala


Matayog Punyal
Namangha Piging
Intindihin Ablada
Umaaso Ginapi
Sekreto Pitak
nalaman balintataw

136
D. Gawin Niyo/ Gawin Mo:
Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga salitang naging
pamilyar at di-kilala sa inyo mula sa binasa ninyong teksto. Iugnay ang mga
salitang ito sa inyong sariling karanasan. Ibigay ang kahulugan nito.
Salitang Pamilyar Kahulugan Salitang Di-Kilala Kahulugan

E. Paglalahat:
Ano ang natutunan mo sa aralin?
Naibigay mo ba ng wasto ang mga kahulugan ng mga salitang pamilyar at di-
kilala?
Paano/Ano ang iyong ginawa?
F. Paglalapat:
Basahin ng tahimik ang talata. Piliin ang mga salitang pamilyar at di-kilala mula
sa teksto. Sa tulong ng diksyunaryo, tukuyin ang kahulugan ng bawat isa.
Tukuyin din kung ano ang iyong matuklasan at kung ito ba ay nakapagbabago sa
dating niyong kaalaman.
TUGOB FESTIVAL

Ang Tugob Festival ay isang magarbong pagdiriwang sa Lungsod ng Ormoc na


idinaraos tuwing buwan ng Oktubre taon-taon. Ang salitang Tugob ay salitang
Ormocanon na ang ibig sabihin ay “nag-uumapaw” na tumutukoy sa kasaganaan ng likas
na yaman ng Ormoc. Ipinapakita at ipinagmamalaki ng mga taga Ormoc ang masaganang
ani ng mga produktong pinya , tubo , niyog , isda, gulay , palay at iba pa. Ito ay unang
idinaos noong 2010 na itinaon sa pagdiriwang ng ika 63rd Charter Day ng lungsod.
Pinakainaabangang bahagi ng pagdiriwang ang street dancing kung saan ang mga
kalahok ay galing sa iba’t ibang barangay ng Ormoc ,mga mag-aaral, at mga kawani ng
lokal na pamahalaan ng lungsod. Ang mga mananayaw ay nagsusuot ng matitingkad at
magagarang kasuotan habang nagsasayaw sa kalsada upang ipakita ang kanilang
pagpapasalamat sa nag-uumapaw na biyaya ng lungsod. Ang street dancing ay isang
kumpetisyon sa pinakamagaling umindak , pinakamakulay at pinakamagarbong kasuotan
at pinakamagaling sa pagpapakita ng kahulugan ng pagdiriwang sa kanilang sayaw.

IV. Pagtataya:
Ibigay ang kahulugan ng salita na may salungguhit. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

137
Diperensiya walang hiya magiging tanyag
Karangalan hadlang

Ang mga talipandas ay pumupunta sa handaan kahit hindi iniimbita.


Ang mga may kapansanan ay may kakayahang maghanapbuhay.
Dapat mabuhay ng may dignidad ang mga tao.
Ang kahirapan ay hindi sagwil sa edukasyon..
Ang buhay ng taong dakila ay magniningning sa lipunan.

V. Takdang Aralin:
Magbigay ng 5 salitang pamilyar at 5 di-kilala/di-pamilyar sa iyo. Ibigay ang kahulugan nito.
FILIPINO 6
Unang Markahan 3

I. LAYUNIN

Nakakasulat ng liham pangkaibigan. (F6PU-Ij-2.3)

Pagpapahalaga: Pagiging Palakaibigan

PAKSANG ARALIN:
Pagsulat ng Liham Pangkaibigan
Sanggunian: K to 12 Grade 6 Curriculum Grade, RBEC, Pinagyamang Pluma ng Phoenix
Mga Kagamitan: tsart, Aklat sa Pagkatuto, meta strips, lih na papel sa bawat bahagi nito

PAMAMARAAN:
Panimulang Gawain
Pagsasanay
Ibigay o pangalanan ang iba’t-ibang bahagi ng liham
Balik Aral:
Itanong: Anong uri na liham ang inyong ginawa?
Pagganyak:
Naranasan nyo na bang gumawa ng liham para sa inyong kaibigan?
Ang pagsulat bas a inyong kapwa ay isa sa ginagawa ninyo upang manatiling buo ang
inyong samahan?

Panlinang na Gawain:
Paglalahad:
Ang Liham Pangkaibigan
Isang uri ng komunikasyon ang pagsulat n liham. Karaniwang sulatin ang liham pangkaibigan.
Ito ang pinakagamiting uri ng liham ng mga mag-aaral. May iba’t-ibang uri ng liham-
pangkaibigan. Ilansa mga ito ang mga liham pakikiramay, liham pagbati, liham paanyaya,
liham pasasalamat, liham pangungumusta at liham paghingi ng payo.
May limang bahagi ang liham pangkaibigan
Pamuhatan- Ito ay bahaging nagsasaad ng tirahan ng sumulat at ng petsa kung kalian
sinulat ang liham. Matatagpuan it sa itaas at kanang bahagi ng sagutang papel.
Bating Panimula-Isa itong maiklng bati o pambungad na pagbati sa sinulatan.
Gumagamit ng kuwit sa hulihan nito isinusulat ito sa kaliwang bahagi ng sulatang
papel pagkatapos ng pamuhatan.
Katawan ng Liham- Ito ang pinakamahalagang bahagi ng liham na nagsasabi ng dahilan
ng pagliham sa anyong talata.
Bating Pangwakas- Ito ang maikli at magalang na pamamaalam. Isinusulat ito
pagkatapos ng katwan ng liham na katapat ng pamuhatan at gumagamit din ng
kuwit sa huli.
Lagda- Isinusulat sa bahaging ito ang pangalan o palayaw sa sumulat.
139
Tirahan

Pamuhatan

Petsa

Bating Panumula,
Pangalan ng Taong
sinusulatan

Bating
Pangwakas

Pangalan at
lagda ng
sumulat

(Ang gawaing ito ay maaring sukatin sa pamamagitan ng pamantayan sa ibaba


5- Napakahusay 2-di gaanong mahusay
4- Mahusay 1- Sadyang di mahusay
3- Katamtaman

Gawin Natin:
Magpaskil sa pisara ng isang porma ng liham pangkaibigan. Ipaunawa at ipasuri sa
mga mag-aaral upang matukoy ang mga bahagi nito.
Itanong: Anu-ano ang mga bahai ng liham?
Ano ang inilalagay sa bahagi ng liham?
Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang liham?
Bigyan ng pagkakataong magtanong at makibahagi ang mga mag aaral sa talakayan.
Gawin Ninyo:
Pangkatin ang klase. Pasulatin ang bawat grupo ng liham pangkaibigan. Sabihin ang mga
dahilan kung bakit gagawa ng liham para sa kaibigan. Matapos ang inilaang oras, ipabasa sa
pangkat ang natapos na liham at pagbigyang puna ayon sa pinag-uusapang pamantayan
bago magsumula ng pagsulat
4. Paglalahat:
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng liham pangkaibigan?
5. Paglalahat:
Bakit kailangan gumawa ng liham para sa kaibigan?
Kailan ginawa ang pagsulat ng liham pangkaibigan?

IV. PAGTATAYA:
Sumulat ng isang maikling liham pangkaibigan.

V. TAKDANG ARALIN:
Bumili ng sobre at sulatan ng pangalan ng padadalhan mo ng liham pangkaibigan.

141
FILIPINO 6
Unang Markahan

LAYUNIN: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa pinanood. (F6PD-Ij-20)


Pagpapahalaga: Wastong Pakikinig

PAKSANG ARALIN:
Pagsagot sa mga tanong tungkol sa pinanood
Sanggunian: K to 12 Grade 6 Curriculum Grade, RBEC, Sanayang Aklat sa Filipino 6,
Internet: https://www.youtube.com/watch?v=qxnGHIHMOS
Mga Kagamitan: tsart, Aklat sa Pagkatuto, meta strips, iba’t-ibang kulay na
papel, plaskard kompyuter/laptop, speaker/audio,projector
PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
Pagsasanay
Isunod-sunod ang mga pangyayaring napanood sa telebisyon. Maaari itong
drama teleserye, o talambuhay ng isang taong kilala o di kilala ang personalidad.
Balik Aral:
Itanong: Kailan nyo huling ginawa ang panonood ng pelikula?
Mga ilan pelikula na ang iyong napanood?
Pagganyak:
Itanong: Ano ang mabisang pamantayan sa panonood ng pelikula?
B. Panlinang na Gawain:
1. Gawin Natin:
Sabihin na makakaroon kayo muli ng pagkakataong makapanood ng pelikula. Ipaalala
an mga pamantayan sa panonood ng pelikula. Maaring mapakuha sa mga mag-aaral ng
kuwaderno upang maitala ang mahalagang detalye sa pelikula.
2. Gawin Ninyo:
Pangkatin ang klase. Ipasulat sa limang (5) pangungusap ang sagot ng bawat katanungan
na ilathala ng guro sa pisara. Tawagin ang lider ng grupo upang imungkahi ang kanilang
mga sagot.
3. Paglalahat:
Itanong: Anu-ano ang dapat alalahanin kung nanonood ng pelikula?
4. Paglalahat:
Magpanood ng maikling pelikula sa mga mag-aaral. Bigyan ang mga mag-aaral ng mga
katunayan batay sa palikulang kanilang pinanood.
IV. PAGTATAYA:
Magpanood ng maikling pelikula sa mga mag-aaral. Isulat sa isang buong papel ang
mga kasagutan sa mga tanong na ilathala ng guro sa color paper.
V. TAKDANG-ARALIN:
Manood ng pelikula at isulat ang mga sagot sa patnubay na mga katanungan.

You might also like