You are on page 1of 3

Abstrak

Pamagat: Persepsyon sa Closet LGBT ng mga Piling Mag-aaral ng Grade 11 Senior

High sa Pamantasan ng Silangan Lungsod ng Maynila

Mga Mananaliksik: Frank Cyrel A. Tomas

Hoelie Pitao

Justine Ortaleza

Jeremy M. Langcay

Cherry Mae Asoque

Jalen Crisostomo

Aron Sumabat

Dulog ng Pananaliksik: Kwantiitatibong Pananaliksik

Institusyon/Paaralan: Pamantasan ng Silangan-Maynila (SHS)

Tagapayo: Romhel M. De Jesus

Layunin ng pag-aaral na ito ay ang masolusyunan ang mga taong

nakakaranas ng pang-aapi na kabilang sa Closet LGBT. Naglalayon ding maipabatid sa

mga mambabasa na dapat bigyang pansin at bigyan ng atensyon ang Closet LGBT,

sapagkat isa itong isyu sa kasalukuyang panahon na hindi pa nabibigyang solusyon at

bagkus hinahayaan na lamang din. Nais ibahagi ng pag-aaral na ito ang mga ideya

Inihanda ni:
Capillano, Ella Mae G.
ABM12-2M
kung paano makikisalamuha sa ibang tao at kung paano rin maiiwasan ang karahasan

at kritisismo.

Tinugunan ng pananaliksik ang mga sumusunod na suliranin ukol sa

Closet LGBT:

1. Anu-ano ang mga demograpikong propayl ng mga respondante base sa mga

sumusunod:

1.1. Edad

1.2. Tunay na Kasarian

1.3. Tagong kasarian

1.4. Strand

2. Anu-ano ang dahilan ng pagiging Closet LGBT?

3. Ano ang epekto ng pagiging isang Closet LGBT?

4. Anu-ano ang mga paraan upang hindi mahusgahan ng isang tao dahil sa

pagiging isang Closet LGBT?

5. Anu-ano ang persepsyon ng mga mag-aaral ukol sa Closet LGBT?

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng disenyong

deskriptibo o paglalarawan ng pag-aaral. Napili ng mga mananaliksik na ang gamitin ay

descriptive survey design na gumagamit ng survey questionnaire upang makalikom ng

mga impormasyon o datos mula sa mga respondante. Nakapaloob sa kwestyuner ang

mga tanong na magiging gabay ng sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng pagdistribyut ng

kwestyuner sa mga piling mag-aaral ng Grade 11 sa Pamantasan ng Silangan, nakalap

ng mga mananaliksik ang mga datos na nagpatunay sa kanilang pag-aaral. Hindi


Inihanda ni:
Capillano, Ella Mae G.
ABM12-2M
lamang sa mga respondante nakasalalay an gang kanilang pagkuha ng impormasyon,

isa pa sa ginamit na pamamaraan ng mga mananaliksik ay ang pagsangguni sa mga

aklat at pagkuha ng iba pang mga datos sa mga websites na mayroong

pagkakakilanlan.

Inihanda ni:
Capillano, Ella Mae G.
ABM12-2M

You might also like