You are on page 1of 2

PANIMULANG PAGSUSULIT

Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

I. Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap. (2 puntos bawat isa)

1. Ito ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman sa paraang


nakalimbag.

A. Pakikinig B. Pagbabasa C. Pagsasalita D. Pagsusulat

2. Anyo ng Pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay


ng mga halimbawa.

A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

3. Anyo ng Pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring


aktwal na naganap.

A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

4. Anyo ng Pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o argumentong pumapanig o


sumasalungat sa isang isyung nakahain sa manunulat.

A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

5. Anyo ng Pagsulat na na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin


ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar, o pangyayari.

A. Paglalahad B. Paglalarawan C. Pagsasalaysay D. Pangangatwiran

II. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi
naman, isulat ang MALI. (2 puntos bawat isa)

_____ 6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil


sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat.

_____ 7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng


kaniyang ginagawang pag-aaral.

_____ 8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na


kwestiyonable.
_____ 9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari hinggil sa
mga paboritong artista sa telebisyon.

_____ 10. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat ng


mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil sa iba’t ibang mga disiplina.

III. Sagutin ang mga tanong nang hindi lalagpas sa 10 pangugusap. (10 puntos bawat isa)

1. Bakit isang proseso ang akademikong pagsulat? Patunayan.

2. Ano ang etika sa pagsulat? Magbigay ng ilang katangian.

3. Paano masasabing may oryentasyong Pilipino ang isang pananaliksik? Talakayin.

You might also like