Professional Documents
Culture Documents
Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON VIII – SILANGANG VISAYAS
PAARALANG DIBISYON NG SILANGANG SAMAR
Distrito ng Taft
FIL_15
SANAYANG PAPEL SA FILIPINO 12
Filipino sa Piling Larang - Akademik
Kasanayang Pampagkatuto
(Batay sa MELC)
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
CS_FA11/12EP-Oa-c-39
SIMULAN MO!
Alamin kung anong mga salita, parirala, mga idyomatikong pahayag o mga
tayutay ang ipinahahayag ng mga nasa larawan.
18
Sagot: ___________________ Sagot: __________________
Sagot: _______________________
ALAM MO BA?
PICTO-ESSAY
Ang picto-essay o picture essay ay tinatawag sa Filipino na larawang
sanaysay. Ito ay pagpapakita ng mga imahe o larawan mula sa sinulat na sanaysay
upang mas makapanghikayat at maaliw ang mga mambabasa ukol sa espisipikong
paksa. Ang pagbuo ng ganitong sulatin ay tulad lamang din ng mga tradisyonal na
sanaysay ang pinagkaiba lamang ay nangangailangan ito ng larawan o mga
larawan na kakatawan sa pinakapaksa ng isang teksto o sanaysay.
Tandaan:
19
Mga katangian ng mahusay na pictorial-essay.
1. Malinaw na paksa
2. Pokus
3. Orihinalidad
4. Kawilihan
5. Komposisyon
6. Mahusay na paggamit ng Wika.
Gabay na tanong:
MAGTULUNGAN TAYO!
Pagsasanay 1:
Gamit ang venn diagram ay ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba ng
tradisyunal na sanaysay sa larawang-sanaysay.
MAGAGAWA MO!
Pagsasanay 2:
Isulat ang TAMA kung tama ang diwa ng bawat kasunod na pangungusap.
Kung mali, isulat sa patlang ang salitang dapat humalili sa salitang may
salungguhit upang maging tama ang pangungusap.
20
_______________ 1. Ginagawa din ang pictorial-essay ng mga potograpo,
mamahayag, lalo na ng mga photo-journalist.
_______________ 2. Larawan at teksto ang dalawang pangkalahatang sangkap
ng
pictorial essay.
_______________ 3. Tipikal sa mga pictorial essay ang pagkakaroon ng pamagat
at ang pagpokus sa isang tema.
_______________ 4. Madalas na impersonal sa isang potograpo at/o awtor ang
isang pictorial essay.
_______________ 5. Ang pictorial essay ay katulad ng picture story.
_______________ 6. Kailangang napakaengrande ng paksa sa pictorial essay.
_______________ 7. Kailangang isaayos ang mga larawan ayon sa praktikal na
pagkakasunod-sunod.
_______________ 8. Ang mga teksto ang pokus ng isang pictorial essay.
_______________ 9. Kailangang masalamin ang iyong layunin sa mga larawan
kaya mahalaga ang wastong pagpili.
_______________ 10. Isulat ang iyong teksto sa ibabaw o sa tabi ng bawat
larawan.
21