You are on page 1of 5

DETAILED LESSON PLAN IN EPP 5 (Sining Pang-Industriya))

DLP Blg.: 16 Asignatura: EPP Baitang: 5 Markahan: Ikatlo Oras: 50 MINUTO

Mga Kasanayan: 5.1.2 Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng panghuling ayos
Code: EPP5HE-0g-7
(pagliha,pagpintura at pagbarnis)
Susi ng Pag-unawa na  Sa paggawaa ng panghuling ayos (finishing) palaging isaalang alang ang pag-iingat at
Lilinangin: kailangan din ang dedikasyon at pagtitiyaga.
 Upang matiyak ang kalidad,palaging tandaan ang tamang pamamaraan sa paggamit ng
mga ito. Makakatulong rin na magtanong sa mga nakakatandang nkakaalam upang
mapaghusayan pa ang kakayahan sa paggawa ng proyekto
1.Mga Layunin
Kaalaman Natutukoy ang iba’t ibang paraan ng panghuling ayos
Kasanayan Nakagagawa ng isa sa mga paraan ng panghuling ayos sa isang nabuong proyekto
Kaasalan Nakakasunod sa tamang paraan ng panghuling ayos
Kahalagahan Napapahalagahan ang tamang paggamit ng mga kagamitan sa panghuling ayos
2.Nilalaman Pagkukumpuni
3.Mga Kagamitang Mga larawan o tunay na mga kagamitan sa panghuling ayos –papep de liha, pintura, brush,
Pampagtuturo barnis, face mask, masilya, atbp.
4.Pamamaraan
Pagmasdan ang mga sumusunod na larawan.

Mga halimbawa sa pagsasagawa mg panghuling ayos

4.1 Panimulang Gawain


(3 minuto)

Ano ang iyong masasabi sa mga ginagawa nila?


Anu-anong mga kagamitan ang makikita sa mga larawan?
4.2 Mga Gawain/ Bumuo ng pangkat, gumawa/sumulat ng mga kilalang mga panghuling ayos na kagamitan at
Estratehiya ang tamang paraan sa paggamit nito, isulat sa “manila paper” at iulat sa harap ng klase.
(8 minuto)
Paano ninyo ginagawa ang inyong pangkatang–gawain upang ang bawat miyembro ng grupo ay
makapagbigay ng suhetisyon?
4.3 Pagsusuri (2 minuto) Makapagpaganda ba ng resulta ng inyong ginawa ang mga paraang ibinigay ng bawat isa sa
inyo?
Iginagalang ba ninyo ang opinion ng bawat kasapi?
4.4 Pagtatalakay Sa paggawa ng produkto, malaki ang naitutulong ng kaalaman sa tamang paggamit ng mga
(15 minuto) kagamitan sa panghuling ayos. Sapagkat sa tamang paraan lamang ng paggamit nito
makukuha ang pinaka maayos na resulta nito. Sa maling paggamit naman nito ay
maaaring tumagal o kaya naman ay masira ang iyong ginagawa.
Mga Kagamitan sa Panghuling Ayos (Finishing)

1. Papel de liha – ito ay isang malakarto na papel


na mayroong magagaspang at pinong bagay ng
nakadikit sa isang bahagi nito. Ito ay ginagamit
upang pakinisin ang isang bagay. Mayroon itong
iba’t ibang antas ng gaspang ang kadalasang
ginagamit sa umpisa ay ang magaspang na liha
ngunit kung papatapos na ay ang pinakapinong
liha naman. Ito ay may roong tatlong klase tulad
ng silicon-carbide, Emery paper, at Sand Paper

a. Silicon-carbide – Pwede itong gamitin kahit basa o kaya ay tuyo.


Ginagamit ito upang kinisin o pakintabin ang mga napinturahan
nang metal o kahoy.

b. Emery Paper- ginagamit lamang upang pakinisin ang mga metal.


Hindi ito kailangang basain.

c. Sandpaper- ito ay ginagamit upang pakinisin ang mga bagay na


gawa sa kahoy.

2. Primer- Ito ay isang uri ng pintura na unang inilalagay sa


metal, ceramics o kaya ay kahoy. Mabuting lagyan muna ng
primer ang ginagawang produkto upang na maging mas
maganda ang kalabasan nito at upang matiyak ang tibay
nito.

3. Pintura- Ito ay nagtataglay ng iba’t ibang kulay at


klase, ito ay kadalasang ginagamit upang kulayan at
bigyang ganda ang isang gusali, parke, at maging
likhang sining.

4. Barnis (Varnish) – maliban sa pintura, ang


kahoy ay maaari ring kulayan ng barnis. Ito ay
isang likido na ginagamit upang makulayan ang
mga kahoy, ngunit d gaya ng pintura, ang
barnis ay di lubusang tinatakpan ang anyo ng
kahoy. Ginagamit din ito upang tumibay at mas
gumanda ang kalidad ng kahoy.

5. Masilya- Ito ay putty na inilalagay sa metal,

ceramics, o kaya ay kahoy. Kadalasang ginagamit ito upang

takpan ang mga kapirasong butas, bitak, o yupi ng isang bagay.

Ginagamit din ito upang pakinisin ang surface ng isang bagay

bago ito lagyan ng gustong kulay ng pintura. Larawan ng isang bus


na nilagyan ng masilya .
6. Brush- Ang brush ay pangunahing ginagamit upang
ikalat ang pintura, primer, o kaya ay barnis. Ito ay
gawa sa pahabang kahoy at balahibo ng kabayo o
kaya naman ay artipisyal na pisi. Ito ay may iba’t
ibang lapad, bawat lapad ay may kaukulang gamit.
Ang mga malalapad na brush ay ginagamit sa mga
malalapad na surface samantalang ang makitid
na brush ay ginagamit sa mas komplikadong
pagdidesenyo o pag abot sa masikip na bahagi.

B. Mga Karampatang Paggamit sa mga Kagamitang Panghuling Ayos.


1. Paraan ng Pagliliha

a. Igayak ang mga kagamitan


gaya ng kapirasong tabla,
liha, at ang iyong bagay na
kikinisin.

b. Magsuot ng mga
karampatang proteksyon gaya
face-mask, eye-goggle, at
guwantes, upang maiwasan
ang mga di inaasahang
pangyayari.

c. Palaging mag-ingat sa
paggawa.

d. Kumuha lamang ng sasapat na bahagi ng liha.

e. Dahilan sa matagal na proseso ang pagliliha, maaaring magpaltos ang


iyong kamay. Kung kaya’t upang maiwasan ito ibalot ang liha sa
isang kapirasong tabla. Makakatulong ito upang maging masmadali
ang pagliliha.

f. Sikaping tuyo ang kahoy na iyong lilihahin. Sapagkat maaaring


makaapekto ito sa kalidad ng iyong gawa.

g. I-ayon lamang sa sa fiber ng kahoy ang pagliliha.

h. Sikaping tanggalin ang mga matutulis at matatalim na sulok


ng iyong ginagawang produkto lalo na kung ito ay isang
gamit pambahay.
2. Paraan ng Pagpipintura
a. Igayak ang mga gagamitin,gaya ng primer,masilya,liha,brush,pintura
at bagay na gagawin para sa proyekto.
b. Magsuot ng mga pangunahing proteksyon sa katawan gaya ng
goggles at face mask sapagkat ang mga ito ay may halong kemikal
na maaaring makasama sa kalusugan.
c. Palaging mag-ingat sa paggawa upang maiwasan ang aksidente.
d. Bago pinturahan ang iyong ginawa tiyaking lagyan muna ang mga ito
ng masilya,kung may bitak,yupi,o butas.Matapos lagyan ng masilya
ay kinisin ito gamit ang pinong liha at saka pahiran ng primer gamit
ang brush.
e. Lagyan ng pintura ang iyong produkto ayon sa kulay na gusto mo.
Sikaping iisang ayon lamang ang paglalagay ng pintura.
Makakatulong ito upang maging mas maganda ang resulata ng iyong
ginagawa.
 Latex- pinturang akmang gamitin sa semento.

 Enamel- uri ng pinturang ginagamit sa kahot at bakal

 Acrylic- pinturang pwedeng magamit sa sa kahoy, bakal, at semento.


Ngunit hindi nito nagagawang protektahan ang bakal sa kalawang at
kahoy sa anay.

f.Lagyan ng thinner ang pintura (enamel) kung ito ay lumalapot na.


Maaari namang lagyan ng tubig ang pinturang latex at acrylic kung
ito ay bahagyang natutuyo na.
3. Paraan ng Pagbabarnis
a. Igayak ang mga
gagamitin, gaya
brush, barnis at
bagay na gagawin
para sa proyekto.

b. Magsuot ng mga
pangunahing
proteksyon sa
katawan gaya ng
goggles at face
mask sapagkat ang
mga ito ay may
halong kemikal na
maaaring
makasama sa
kalusugan.

c. Palaging mag-ingat
sa paggawa upang
maiwasan ang
aksidente.

d. Bago ilagay ang barnis, tiyaking tanggalin muna ang mga


duming maaaring makaapekto o makasagabal sa iyong gagawin
gaya ng alikabok, sapot, sticker, mga hibla,patak ng tubig at iba
pa.

e. Gamit ang brush, ikalat ang barnis mula itaas-pababa. Sikaping


pantay ang pagkakalagay nito para sa mas magandang resulta.

f. Sikaping iisang ayon lamang ang panglalagay nito, maaari

kasing masira ang itsura nito kung paiba-iba ang direksyon ng


paglalagay.
g.Maaaring ulitin ang paglalagay depende sa kagustuhan.

Sagutin:
1.Alin sa mga kagamitan sa panghuling ayos ang kilala mo?
2.Alam mo ba ang gamit nito?
3.Ano ang mangyari kung hindi tama ang paraan sa paggamit mo sa
mga ito?
4.Paano mo mapaganda ang iyong ginawa?

4.4 Paglalapat Sagutin ng pabigkas: Sa paggawa ng produkto o proyekto, gaano kahalaga ang malaman mo
(4 minuto) ang tamang paggamit at tamang paraan ng panghuling ayos?
5.Pagtataya ( 13 minuto)

Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay
wasto, at kung mali naman ay ISULAT ANG TAMANG SAGOT. Isulat ang iyong sagot sa
patlang bago ang bilang.

1. Sa paggawa ng produkto kinakailangang mag-ingat sa mga


matutulis at matatalim na bagay.
Pasulit 2. Palaging tiyakin na walang duming makasasagabal sa gamit na
iyong pipinturahan o kaya ay babarnisan.
3. Gumamit ang angkop na liha angkop sa iba’t ibang bagay.
4. Ang paggamit ng primer sa pagpipintura ay hindi nakakatulong
upang maging maganda ang kalabasan ng produkto.

5. Mainam gamitin ang makitid na brush sa malalapad na bahagi ng


kukulayan.

6.Takdang-Aralin ( 2 minuto)
Pagpapalinang/Pagpapau Gawin ang sumusunod: Gumawa ng sariling disenyo ng proyekto at isagawa ang tamang
nlad sa kasalukuyang pamamaraan sa pagpipintura.
aralin
7.Paghahanda para sa
bagong aralin ( 2 minuto)
Tumawag ng piling bata para makapagsabi sa harap ng klase ng isa sa mga kagamitan sa
Panapos na Gawain
panghuling ayos at ang paraan nito.

Prepared by:

Pangalan: Francisco C. Gaon Jr. Paaralan: Bogo Central School I


Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Bogo City Division
Contact Number: 09976277811 Email address: Francisco.gaon001@deped.gov.ph

You might also like