You are on page 1of 4

Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: ______________

Pangalan ng Guro: ___________________________________

Module Code: Pasay-EPP4AG-W1-05

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EPP 4 AA
Unang Markahan / Unang Linggo / Ikalimang Araw

Layunin: Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang


ornamental bilang isang pagkakakitaang gawain.
-Pagtukoy sa Paraan ng Pagtatanim at Pagpapatubo ng mga Halamang Ornamental

ALAMIN NATIN
Ang pagtatanim o pagpapatubo ng mga halaman ay hindi magkakatulad. Ang mga
halaman o punong ornamental ay sa sanga nagmumula samantalang ang mga halamang gulay
naman ay sa buto nagmumula.
May dalawang paraan ng pagtatanim ng mga halamang ornamental, ang tuwirang
pagtatanim na kung saan diretso na sa taniman, maaring sanga o buto (malalaking buto) at di-
tuwirang pagtatanim na kung saan gumagamit pa ng kahong punlaan upang makapagpasibol
ng bagong halaman, maliit na buto at murang sanga naman ang pinapasibol dito.

Pagmasdan ang mga larawan.

A B
Ang larawan A ay gumagamit ng kahong punlaan upang makapagpasibol sa mga
butong pantanim. Ang larawan B naman ay diretso na sa taniman ang pagpapasibol sa mga
butong pantanim ngunit kailangang malalaking buto ang ipupunla.
Narito ang dalawang paraan ng pagtatanim.

Wastong Paraan ng Pagtatanim sa Di-Tuwirang Pagpapatubo


1. Ihanda ang kahong punlaan.
2. Ibabad ng magdamag ang mga butong pantanim o sangang pantanim sa tubig.
3. Ipunla sa kahong punlaan at takpan habang di pa lumalabas ang unang sibol.
4. Kapag nagsisimula nang sumibol ang mga buto, unti-unting ilantad sa araw ang kahong
punlaan.
5. Kapag nakabuo na ng tatlo o apat na totoong dahon, maaari na itong ilipat sa kamang
taniman.
6. Piliin ang mga payat at dikit-dikit na punla. Itanim sila na magkakahiwalay sa kahong
punlaan upang lumaki ng malusog saka sila ilipat sa kamang taniman.
7. Iwasang mapinsala ang mga ugat ng punla kung ito ay ililipat tanim.

Watong Paraan ng Pagtatanim sa Tuwirang Pagpapatubo


1. Ihanda ang lupang taniman at diligan.
2. Lagyan ng patpat at tali na may buhol upang maging gabay.
3. Gumawa ng mga butas sa ilalim ng buhol.
4. Maghulog ng 2-3 butong pantanim o sangang pantanim.
5. Takpan ng manipis na lupa ang bawat butas na may pantanim.
6. Maingat na diligan ang paligid ng butas.

https://www.slideshare.net/ConieDizon/halamang-ornamental-79509992
https://www.bioadvanced.com/articles/direct-sowing-starting-seeds-outdoors
https://funingerminatingseed.weebly.com/home.html
EPP Learners Material Pah 337-339
Pangalan: _____________________________________ Baitang at Pangkat: ______________
Pangalan ng Guro: ___________________________________

LINANGIN NATIN

A. Panuto:Punan ang mga hanay ng tamang paraan ng pagtatanim ng mga


sumusunod na ornamental plants sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa internet.

Bahagi ng Halaman na Paraan ng


Halamang Ornamental
Itatanim/Pinapatubo Pagtatanim/Pagpapatubo

sanga Tuwiran

B. Basahin at unawain.Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang.

buto at sanga tuwiran pagpapatubo

malalaki Maliliit na buto at murang sanga

_____1. Ito ang tawag sa paraan ng pagtatanim kung saan di na kinakailangan ang
kahong punlaan.
_____2. Sa di tuwirang pagtatanim,ito ang ginagamit upang makapagpasibol ng bagong
halaman.
_____3. Sa tuwirang pagtatanim, anong uri ng buto ang kailangan?

_____4. Ang______________ng mga halamang ornamental ay dapat bigyang pansin.

_____5. Kalimitan nagmumula sa _______________ ang mga halamang ornamental.

TANDAAN:
• Kalimitan ang mga halamang ornamental ay nagmumula sa
buto at sanga.
• Ang pagpapatubo ng mga halamang ornamental ay dapat
isaalang-alang o dapat bigyang pansin dahil dito nagmumula
ang ikagaganda ng mga tanim
PAGTATAYA

A. Panuto: Isulat sa baba ng pangalan kung tuwiran at di-tuwiran ang paraan ng


pagtatanim ng halamang ornamental.
Pangalan ng
5. Fortune
Halamang 1.Adelfa 2.Palmera 3.Pako 4.Mirasol
Plant
Ornamental
Paraan ng
Pagtatanim/ _________ ________ ________ ________ ________
Pagpapatubo

B. Panuto: Lagyan ng tsek ang paraan sa pagtatanim ng mga sumusunod na halaman.

Halamang Ornamental Tuwiran Di-Tuwiran


1. Gumamela
2. Cactus
3. Pakpak-Lawin
4. Kalachuchi
5. Bromeliads

C. Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

1. Sa di tuwirang pagpapatubo, bakit kailangang ibabad magdamag ang mga butong


pantanim?
A. Upang lumambot ito
B. Upang madaling matuklap ang seed-coat
C. Upang mas mabilis ang pag-usbong ng mga buto.

2. Kinakailangan na ilantad sa araw ang kahong punlaan kapag nagsisimula nang


sumibol ang mga buto.Bakit?
A. Upang di ito maninilaw?
B. Upang mas mabilis ang pagtubo ng mga halaman
C. Upang mawawala ang lamig sa mga buto

3. Sa paglilipat-tanim, ano ang dahilan kung bakit Itanim sila na magkakahiwa-hiwalay?


A. Upang madaling malinis kapag may damo
B. Upang maiwasan ang pag-aagawan ng mha halaman sa sustansya mula sa lupa at
sikat ng araw
C. Upang mas magandang tingnan ang mga ito

4. Sa tuwirang pagpapatubo ng mga halaman, dapat ihanda ang lupang taniman.Alin sa


mga sumusunod ang hindi kasama?
A. Bubungkalin ang lupang taniman
B. Tanggalin ang mga ligaw na halaman o damo na tumubo sa taniman
C. Diligan ito kahit wala pang halaman

5. Saan kalimitan nagmumula ang mga halamang ornamental?


A. Buto at dahon
B. Buto at sanga
C. Dahon at sanga

You might also like