You are on page 1of 8

SANAYANG PAPEL SA PAGKATUTO SA

ARALING PANLIPUNAN 4
Gawain Blg. 3, Kwarter 3
Pangalan ng Mag-aaral: ______________________________________________
Baitang at Pangkat: _________________________________________________
Petsa: ____________________________________________________________

ANG BALANGKAS O ISTRUKTURA NG


PAMAHALAAN NG PILIPINAS

I. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELC

Nasusuri ang balangakas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas


(AP4PABI-IIa-b-2)

II. Panimulang Konsepto

Magandang araw mga bata! Halina’t ipagpatuloy natin ang aralin


tungkol sa balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas. Napag-
aralan na natin ang tungkol sa antas na pambansa. Ngayon naman
bibigyang diin natin ang tungkol sa lokal na pamahalaan.

Sino-sino ba ang mga namumuno sa lokal na pamahalaan?


Ang pamahalaang lokal ayon sa itinatadhana ng Batas Republika Blg. 7160
ay binubuo ng mga lalawigan, lungsod, bayan at barangay.

Ang sangguniang panlalawigan, sangguniang panglungsod, sangguniang


pambayan, at sangguniang pambarangay ay mga sangay na lehislatibo sa lokal na
antas ng pamahalaan. Gawain ng mga ito ang pagbuo ng mga ordinansa para sa
nasasakupan.

Ang Pangulo ang may pangkalahatang pangangasiwa sa mga pamahalaang


lokal sa pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan o
Department of the Interior and Local Government (DILG).

LOKAL NA PAMAHALAAN

LALAWIGAN LUNGSOD/BAYAN BARANGAY


- nasa ilalim ng - ang alkalde at bise - ang pinakamaliit na
pamumuno ng alkalde ang namumuno politikal na yunit ng
gobernador katulong sa lungsod o bayan pamahalaan. Ito ay
ang bise gobernador katulong ang mga nasa pamumuno ng
na inihalal ng mga tao empleyado na hinirang kapitan ng barangay
at ilang opisyal na ng alkalde katulong ang mga
hinirang ng gobernador kagawad
Mga Batayan ng Antas ng Lokal na Pamahalaan

Lalawigan Lungsod Bayan

may sukat ng lupa sukat ng lupa


may sukat na 2,000 na may 50 km2
na aabot o higit pa
km2 o higit pa
sa 100 km2

di kukulangin sa 25,000 bilang


may 150,000
250,000 bilang ng ng taong
bilang ng taong
mamamayan na naninirahan sa
naninirahan
naninirahan dito lugar

kumita ng hindi taunang kita


taunang kita na
bababa sa 20 na 2.5 milyong
hindi bababa sa
milyong piso bawat piso
20 milyong piso
taon

Ngayong atin ng nasuri ang balangkas o istruktura ng lokal


na pamahalaan, tara! ating gawin ang mga sumusunod na mga
gawain.

III. Mga Gawain

Gawain 1- PALAISIPAN

Panuto: Buuin ang crossword puzzle. Tukuyin ang tamang salitang inilalarawan sa
bawat bilang. Piliin ang mga salita sa loob ng kahon.

LUNGSOD BARANGAY KAGAWAD

GOBERNADOR ALKALDE
PAHALANG
2. Namumuno sa lungsod o bayan
3. Namumuno sa lalawigan
5. Katulong ng Kapitan sa pamumuno ng barangay
PABABA
1. Pinakamaliit na politikal nay unit ng pamahalaan
4. May lawak na lupain na 100 km2

Magaling! Nasiyahan ka ba sa pagsagot ng gawain?


Galingan mo sa pagpapatuloy sa iba pang gawain

Gawain 2- LOKAL INFO

Maibibigay mo kaya ang hinihinging impormasyon sa bawat


bilang? Subukan mo, madali lamang ito!

Panuto: Ano-ano ang mga batayan ng antas ng lokal na pamahalaan? Punan ang
hinihingi ng tsart.
Pamahalaang
Kita Populasyon Sukat ng Lupa
Lokal

Lalawigan

Lungsod

Bayan

Magaling! Madali mong nasagutan ang Gawain 2. Ngayon


ay subukan mo namang sagutin ang Gawain 3.

Gawain 3- GRAPIKONG PANTULONG

Higit nating mapagyayaman ang mga natutuhan sa aralin na


ito sa pamamagitan ng paggawa ng Organizational Chart ng mga
namumuno sa ating lokal na pamahalaan.

Panuto: Alamin kung sino-sino ang kasalukuyang namumuno sa ating lokal na


pamahalaan. Punan ang graphic organizer.
LOKAL NA PAMAHALAAN

Lalawigan Bayan/Lungsod
(Albay) __

Gobernador: Alkalde:
1. ________________________ 3. ________________________

Bise Gobernador: Bise Alkalde:


2. ________________________ 4. ________________________

Barangay

Kapitan:
5. ________________________________

Mga Kagawad:
6. ________________________ 10. _______________________
7. ________________________ 11. _______________________
8. ________________________ 12. _______________________
9.________________________

Napakahusay mo binabati kita! Napagtagumpayan mong


naisagawa ang mga gawain.
IV. Susi sa P

K to 12 Most Essential Learning Competencies with CG Codes, page 38


Araling Panlipunan 4, Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 237-241
Araling Panlipunan 4 SLM, Ikaltlong Markahan- Modyul 2 (ADM)

Learning activity Sheets (LAS)


Development Team

Writer: Janice B. Dagsil T-II, San Isidro ES


Content Editors: Ma. Florencia D. Austero MT-1, Gabawan ES
Nilo L. Mayor MT-I, Anislag HS
Vivian N. Pangan MT-I, Malabog HS
Language Editors: Nick P. Azana P-I, Villahermosa HS
Alejo San M. Rontas P-I, Jovellar HS
Lay-out Artists: Eume Rey N. Naz T-III, Bariw NHS
Juvic R. Moratalla T-I, Bariw NHS
Ramilo Bacol ADAS III, SDO Albay
Education Program Supervisor: Myrna Lynne G. Bueno SDO Albay
V. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. BARANGAY
2. ALKALDE
3. GOBERNADOR
4. LUNGSOD
5. KAGAWAD

Gawain 2

Pamahalaang
Kita Populasyon Sukat ng Lupa
Lokal
hindi bababa sa 20 di kukulangin sa
sukat na 2,000 km2
milyong piso bawat 250,000 bilang ng
Lalawigan o higit pa
taon mamamayan

taunang kita na may 150,000


sukat ng lupa na
hindi bababa sa 20 bilang ng taong
Lungsod aabot o higit pa sa
milyong piso naninirahan
100 km2

taunang kita na 2.5 25,000 bilang ng sukat ng lupa na


Bayan milyong piso taong naninirahan may 50 km2

Gawain 3
1. Gobernador: Al Francis C. Bichara
2. Bise Gobernador: Edcel Greco Alexandre “Grex” B. Lagman
3-12. Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mga mag-aaral

You might also like