You are on page 1of 9

DAANBANTAYAN ADVENTIST MULTIGRADE SCHOOL

School ID # 404342
Pajo,Daanbantayan, Cebu

LEARNING MODULE 1

ARALING
PANLIPUNAN 1

Quarter 1 (Week 1-2)

PANGALAN:__________________________________________________

I. Debosyunal
1|Page
Panalangin:
Panginoong Hesus, turuan mo akong mag-alay ng pusong nagpapasalamat at
nagpupuri sa lahat ng aking karanasan. Turuan mo akong laging magalak sa lahat
ng bagay, magdasal ng walang humpay, at magpasalamat palagi. Dahil lahat ay
galing sa Iyong biyaya kaya Ikaw lamang ay sapat na. Salamat po Panginoon. Amen

Ang Salita ng Diyos


Ang Pinakamahalagang Utos
“Sinabi ni Hesus sa kaniya: Ibigin mo ang Panginoon
mong Diyos nang buong puso mo, nang buong kaluluwa
mo at nang buong pag-iisip mo. Ito ang una at dakilang
utos. Ang pangalawa ay katulad din nito: Ibigin mo ang
iyong kapwa tulad ng iyong sarili.”
Mateo 22:37-39

II. LESSON PROPER

Mga Layunin:
1. Naipakilala ang iyong sarili.
2. Napahahalagahan at maipagmalaki mo ang iyong sarili.
3. Mailalarawan mo ang sariling pisikal na katangian sa pamamagitan
ng iba’t ibang malikhaing pamamaraan.
Aralin 1

Pagkilala sa Sarili
Pasukan na naman . May makikilala kang mga bagong kamag-aral at
kaibigan.
Basahin natin ang usapan nina Mara at Lara.

Bawat tao ay may PANGALAN.


2|Page
Ano ang pangalan mo?
Ako po si ________________________________________________________________ .

Bawat tao ay may mga MAGULANG.


Ano ang pangalan ng tatay mo?
Ang pangalan ng tatay ko ay si
_________________________________.
Ano naman ang pangalan ng
nanay mo? Ang pangalan ng nanay ko ay si
_______________________________________.
Mga bata dapat alam mo ang PETSA NG IYONG KAPANGANAKAN o ang
iyong KAARAWAN.

Kailan ang iyong kaarawan?


Ako ay ipinanganak noong _____________________________.

Mahalagang alam mo ang BUWAN,


ARAW at PETSA ng iyong kapanganakan
para masabi kung ilang taong gulang ka
na o ang iyong EDAD.
Ilang taong gulang ka na?
Ako ay ___________ taong gulang.

3|Page
Mahalagang malaman ninyo kung saan
kayo NAKATIRA o ang inyong ADDRESS o
TIRAHAN.
Saan ka nakatira?
Ako ay nakatira sa
______________________
______________________.
Ang PAARALAN ay ang lugar kung
saan ka nag-aaral.
Saan ka nag-aaral?
Ako ay nag-aaral sa
___________________________
___________________________.

TANDAAN
Mahalagagang malaman mo ang mga batayang impormasyong sa iyong
sarili.
 ang iyong pangalan
 pangalan ng iyong magulang
 ang iyong kaarawan at edad
 ang iyong tirahan
 ang pangalan ng iyong paaralan
Magagamit mo ang ito sa pagpapakilala sa mga bagong kaibigan, kamag-
aral at kalaro.

4|Page
ARALIN 2

Mga Natatanging Katangian Ko


Bawat isa sa atin ay may katangian. Ang mga katangiang ito ay
kahawig ng sa ibang Pilipino.
Pilipino rin ako. May sarili akong
katangian bilang Pilipino. Maitim
ang aking balat, kulot ang buhok ko
at mababa o pandak ako.

Ako rin ay Pilipino. Maputi ang balat


ko. Matangkad ako. Matangos ang
ilong ko.

Ang Katangiang Pisikal ay naglalarawan sa


panlabas na anyo ng isang tao.
Ang karaniwang Pilipino ay may katamtamang laki o
taas. Ang balat ay kulay kayumanggi. Ang buhok ay
karaniwang tuwid at kulay itim. Ang mga mata naman ay
medyo singkit at kulay itim rin. Ang ilong ay hindi
matangos.

May mga Pilipino namang kulot ang buhok,


maliit ang katawan, at maitim ang balat .

5|Page
May ibang Pilipino na may matangos na ilong,
matangkad at may maputing balat.

Mayroon ding ilan na singkit ang mga mata.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa iyong katangiang pisikal.


Ikaw ba ay kayumanggi at itim ang buhok?
Ikaw ba ay kulot at kulay itim ang balat? O di kaya’y maputi ang
iyong balat, matangos ang ilong at matangkad? O baka naman ikaw
ay may mga mata na masingkit.

Magkakaiba man ang ating mga katangiang pisikal ay Pilipino pa rin


tayong maituturing.
Pahalagahan at ipagmalaki mo ang iyong mga katangiang
pisikal.

Tandaan: Mayroon kang pisikal na katangian na


naiiba sa iyong mga kamag-aral.
Mayroon kang mga katangiang pisikal na
naiiba sa ibang mga tao tulad ng iyong thumb
print.
Bawat isang tao ay natatangi rin. Dapat mong igalang
at pahalagahan ang kanilang angking katangian.
6|Page
PANGALAN:___________________________________________
Pagsasanay 1 : Isulat kung Tama o Mali.
_____________1. Wala kang katulad.
_____________2. Maputing-maputi ang balat natin.
_____________3. Magkakatulad ang hugis ng ilong natin.
_____________4. Katulad na katulad ka ng iyong kaklase.
_____________5. Nakakahiya ang mga katangiang Pilipino.
_____________6. Walang pagkatulad ang kulay mo sa iba.
_____________7. May iba sa atin na may matangos na ilong.
_____________8. Ang iba sa atin ay kulot na kulot ang buhok.
_____________9. May pagkatulad man tayo sa ilang katangian,
magkakaiba parin tayo.
_____________10. May mga pisikal na katangian tayo na nagpapakilala
sa atin bilang Pilipino.

Pagsasanay 2: Basahin ang mga sumusunod at isulat ang iyong sagot sa


patlang. Piliin ang iyong sagot sa kahon.

para maipakilala ang iyong sarili edad kaarawan


address o tirahan pangalan

1. May bago kang kamag-aral galing sa ibang paaralan. Nais mo siyang


makilala. Ano ang itatanong mo?
_____________________________________
2. Naliligaw ka sa mall. May nakita kang pulis. Ano ang sasabihin mo?
___________________________________

7|Page
3. Tinanong ka ng iyong guro kung kalian ka ipinanganak. Ano ang
sasabihin mo?
_______________________________________
4. Kaarawan mo at tinanong ka ng bisita king ilang taon ka na. Ano ang
sasabihin mo?
__________________________________________
5. Bakit mahalagang malaman ang mga impormasyon tungkol sa
iyong?

Pagsasanay 3:
A. Kung ikaw ang kausap ng bata, ano ang iyong isasagot? Isulat sa
mga
Ako ay si Nelson Ribo.
Ikaw, Sino ka?
______________________
______________________
______________________
______________________

Ilang taon ka na?


Kailan ang iyong
kaarawan? _________________________________
_________________________________
______________________

_________________________________
_________________________________
______________________

______________________ Saan ka nakatira?

8|Page

God bless!
9|Page

You might also like