You are on page 1of 8

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
QUARTER 2 – MODULE 7

Layunin, Paraan at
Sirkumstansiya ng
Makataong Kilos

1
Modyul 7: Layunin, Paraan at Sirkumstansiya ng Makataong Kilos
Unang Bahagi
Layunin ng modyul na ito na higit na makapagsuri ka ng kabutihan o kasamaan ng iyong isinasagawang
kilos at pasiya. Sa pamamagitan nito, matutulungan kang lubos na mapagnilayan kung paano ka nakapagsasagawa
ng makataong kilos at mula rito ay matututunan mo na mahalagang maunawaan na ang layunin, paraan,
sirkumstansiya, at kahihinatnan ng kilos ay nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao.

Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa:

8.1 Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at mga sirkumstansya ng makataong kilos.
(EsP10MK-IIg-8.1)
8.2 Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang sitwasyon batay sa
layunin, paraan at sirkumstansya nito.(EsP10MK-IIg-8.2)

Sa nakaraang modyul ay natukoy at nalaman mo ang mga mga yugto ng makataong kilos at mga hakbang
sa moral na pagpapasiya. Ang mga yugto ng makataong kilos ni Sto. Tomas de Aquino ay Pagkaunawa sa layunin,
Nais ng layunin , Paghuhusga sa nais makamtan , Intensiyon ng layunin , Masusing pagsusuri ng paraan ,
Paghuhusga sa paraan , Praktikal na paghuhusga sa pinili , Pagpili ,Utos ,Paggamit , Pangkaisipang kakayahan ng
layunin at Bunga.

Sa aralin namang ito ay maipaliliwanag mo ang layunin, paraan at mga sirkumstansiya ng makataong kilos at
nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan at
sirkumstansya nito. Halina, basahin at unawain mo ito.
Layunin, Paraan at Sirkumstansiya ng Makataong Kilos
May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o masama.
Ang mga ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi.
Una, Layunin. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob.
Tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos (doer); hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay
personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito ang pinakalayunin o pinatutunguhan ng kilos. Ang pamantayan
sa kabutihan ng layunin ay kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang dignidad ng kaniyang kapwa.
Ikalawa, Paraan. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. Ang
paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos dahil ang kabutihan ng panlabas na kilos ay ang nararapat na
obheto nito. Ikatlo, Sirkumstansiya. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na
nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Maaaring ang mabuti ay mas
maging mabuti at ang masama ay mas maging masama. Narito ang iba’t ibang sirkumstansiya:

Iba’t Ibang Sirkumstansiya Kahulugan


Sino Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa
ng kilos o sa taong maaaring
maapektuhan ng kilos

Ano Ito ang tumutukoy sa mismong kilos,


gaano ito kalaki o kabigat

Saan Ito ang tumutukoy sa lugar kung saan


ginagawa ang kilos.
Paano Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano

2
isinagawa ang kilos.

Kailan Ito ay tumutukoy sa kung kailan


isinagawa ang kilos.

Ikaapat, Kahihinatnan. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may
kaakibat na pananagutan. Anuman ang gawing kilos ay may kahihinatnan. Mahalaga na masusing pag-
isipan at pagplanuhang mabuti ang anumang isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas na
pananagutan na dapat isaalang-alang.
Ikalawang Bahagi
Gawain I-A: Graphic Organizer
Panuto: Buuin ang sumusunod na graphic organizer . Kopyahin ang pormat at sagutan sa sagutang papel. (8 puntos)

Si Brent ay malungkot dahil


naiwan siyang mag-isa sa
kanilang bahay.Nagpunta sa LAYUNIN
kabilang bayan ang kanyang mga
magulang. Tinawagan siya ng
PARAAN
kaniyang barkada at niyayang
lumabas at mag-inuman . Dahil
nag-iisa siya sa bahay at
ANO:
nalulungkot , sinabi niyang doon
SIRKUMSTANSYA
sa kanilang bahay na lamang sila SINO:
mag-inuman ng alak. SAAN:

Kahihi- PAANO:
natnan KAILAN:

Gawain I-B: : Damdamin Mo, Share Mo!


Panuto: Isulat mo ang iyong pananaw at damdamin tungkol sa layunin, paraan o sirkumstansiya ng ipinakitang kilos
sa iyong sagutang papel.
1. Hindi malinaw ang mga batayan sa pagpili ng honor students kaya ________________________________
2. Nagsinungaling sa klase ang inyong pangulo tungkol sa totoong pangyayari kaya_____________________
3. Pinapaamin ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa kaya ___________________________________
4. Tumutulong sa inyong mga kapitbahay ang iyong Tito ngunit napag-alaman mong galing ito sa pagbebenta ng
droga kaya___________________________________________________________
5. Maaaring makasama sa kalusugan ng mga tao ang itatayong pabrika kaya bilang Mayor ng bayan ay
____________
Gawain II-A: Suriin Mo!
Panuto: Basahin ang sitwasyon. Tukuyin ang layunin, paraan, sirkumstansiya at kahihinatnan ng ipinakitang
kilos.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. May pagsusulit sa Science ang 10-Sampaguita na kinabibilangan nina Joy at Jen.Nakita ni Joy si Jen na
umiiyak na magaling sa asignaturang ito kaya nilapitan niya ito at dinamayan upang makakopya siya mamaya sa
kanilang pagsusulit.
Layunin:________________________________________________________________
Paraan:________________________________________________________________
Sirkumstansya:__________________________________________________________
3
Kahihinatnan:
Mabuti o masama? _____________________________________________________
Bakit?________________________________________________________________
B. Ano ang nararapat na gawin ni Joy?__________________________________________
Gawain II-B
A. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamot ang nararapat
sa pasyente dahil alam niya bilang doktor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot
sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene?
A. Layunin B. Kilos C. Sirkumstansiya D.Kahihinatnan
2. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay manalo, ginampanan niya nang
lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang
makikita rito?
A. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
B. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong
masamang hangarin sa masamang kilos.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.
D. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
3. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500
piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama. Nadaragdagan
ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil__________.
A. kinuha niya ito nang walang paalam
B. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
C. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
D. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto
4. Ang nagpapakita ng kabutihan o kasamaan ng isang makataong kilos.
A. Paraan B.Sirkumstansiya C. Layunin D. Kahihinatnan
5. Ang panloob na kilos na kung saan nakatuon ang kilos-loob.
A.Paraan B.Layunin C.Sirkumstansiya D.Kahihinatnan
6. Ito ang panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang naisin.
A. Paraan B.Layunin C.Sirkumstansiya D.Kahihinatnan
7. May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa. Anong sirkumstansiya
ang magpapabuti sa kanyang sitawasyon?
A. Ipagpatuloy pa rin ang kanyang pagmamahal sa babae hanggang magkaroon sila
ng relasyon.
B. Itigil na agad ang nararamdamang pagmamahal sa babae .
C. Gumawa ng paraan para maghiwalay ang babae at kanyang asawa.
D. Sulsulan ang babae na iwan ang asawa.
8. May markahang pagsusulit sa ikatlong linggo si Erick. Ano ang dapat na layunin ni Erick?
A. Magbalik-aral habang may oras pa para makapasa sa pagsusulit.
B. Mangopya sa darating na eksam at di na magrebyu.
C. Umasa na makakapasa sa pagsusulit kahit di mag-aral.
D. Gawin ang lahat basta makapasa sa pagsusulit.
B. Panuto: Piliin ang tamang sagot ng mga nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra lamang sa sagutang papel.
A B
___1. Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na A. Paraan
nasasalamin ang ating pagkatao. B. Sino
4
___2. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan C. Makataong kilos
upang makamit ang layunin. D. Sirkumstansiya
___3. Tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng E. Humusga at
kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o mag-utos
kasamaan ng isang kilos. F. Panloob na kilos
___4.Ang papel na ginagampanan ng isip. G.Layunin
___5. Nagmumula ito sa isip at kilos-loob H. Saan
___6. Ito’y tumutukoy sa panloob na kilos kung saan I. Paano
nakatuon ang kilos-loob. J. Kahihinatnan
___7. Ang sirkumstansiya na tumutukoy sa tao na K. Ano
nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring L. Kailan
maapektuhan ng kilos. M. Panlabas na kilos
___8. Uri ng sirkumstansiya na tumutukoy sa
mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.
___9. Ito ang tumutukoy sa lugar na pinagganapan ng kilos.
___10. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagsasagawa ng kilos.
___11. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may
dahilan, batayan, at may kaakibat na pananagutan.
___12. Ito ay tumutukoy sa pagkakataon o panahong isinagawa ang kilos.
GAWAIN III: Pagbasa at Pag-unawa
Panuto: Basahin at unawain ang talata . Kopyahin ang mga naibigay na tanong at sagutin sa iyong sagutang papel.
A. May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o masama. Ang una
ay ang layunin, ito ay hindi nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito
ang pinakalayunin o pinatutunguhan ng kilos. Ikalawa ay paraan, ito’y ang panlabas na kilos na kasangkapan o
paraan upang makamit ang layunin. Ikatlo, sirkumstansiya na tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na
nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. At ang panghuli ay kahihinatnan. Ang lahat
ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na pananagutan.
Mga Tanong:
1-4. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa kabutihan o kasamaan ng kilos?
5-8. Ibigay ang kahulugan ng bawat salik.

5
Susi sa Pagwawasto

Gawain I-A Graphic Organizer


1. Layunin: Gustong magsaya ni Brent.
2. Paraan: Niyaya ang kabarkada na uminom ng alak sa bahay na lang nila.
Sirkumstansiya : 3. Ano: Pagyaya sa kabarkada na uminom ng alak sa kanilang bahay.
4. Sino: Si Brent na nagyaya ng kabarkada na uminom ng alak sa kanilang bahay.
5.Saan: Sa bahay nila Brent.
6.Paano: Di nagpaaalam sa mga magulang si Brent.
7.Kailan: Nang wala sa bahay ang kanyang mga magulang at siya’y nag-iisa.
8. Kahihinatnan :Mapapagalitan si Brent ng kanyang mga magulang dahil di siya nagpaalam na magpapapunta ng
kabarkada sa bahay para mag-inuman lamang.

Gawain I-B Damdamin Mo,Share Mo! Malayang pagsagot


Gawain II-A Suriin Mo
A. Layunin: Makakopya sa pagsusulit nila sa Science.
Paraan: Nilapitan at dinamayan ni Joy si Jen nang makita niya itong umiiyak.
Sirkumstansya: Nang makita niya si Jen na umiiyak.
Kahihinatnan: Masama ang ipinakitang kilos ni Joy
Dahil hindi totoo ang kanyang ipinakitang pagdamay kay Jen, nais lamang niyang makakopya sa
pagsusulit kaya niya ito ginawa.
B. Malayang pagsagot Gawain III Pagbasa at Pag-unawa
Gawain II-B 1-4 Layunin, Paraan, Sirkumstansya at Kahihinatnan
5. Layunin - hindi nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay
1. C 6. A B. 1. C 6. G 11. J personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito ang pinakalayunin o
2. A 7. B 2. A 7. B 12. L pinatutunguhan ng kilos.
3. C 8. A 3. D 8. K 6. Paraan- ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan
upang makamit ang layunin.
4. C 4. E 9. A
7. Sirkumstansiya - tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan
5. B 5. F 10.I ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o
kasamaan ng isang kilos.
8. Kahihinatnan- ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may
dahilan, batayan, at may kaakibat na pananagutan.

Sanggunian

A. Inilimbag ng Pamahalaan
Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-
aaral.Unang Edisyon.Pasig City

6
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10


QUARTER 2, WEEK 7

MELC: Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan at mga sirkumstansya ng makataong kilos.
K to 12 BEC CG: EsP10MK-IIg-8.1
MELC: Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin,
paraan at sirkumstansya nito.
K to 12 BEC CG: EsP10MK-IIg-8.2

Pangalan:________________________________________ Petsa:_____________________
Baitang at Seksiyon:________________________ Iskor:_____________________
Gawain A.1
Panuto : Isulat ang L kung Layunin, P kung Paraan at S kung Sirkumstansiya ang nilalayon ng bawat sitwasyon sa
iyong sagutang papel.
___1. Gustong mapalapit ni Henry sa dalagang hinahangaan.
___2. Pinadalhan ni Henry si Mia ng love letter upang ipaalam ang kanyang paghanga.
___3. Tuwing hapon ay tinuturuan nang libre ni Joy ang kanyang mga kaklase sa Math.
___4. Nais ni Paul na makapagtayo ng sariling bahay .
___5. Pangarap ni Jim na magkaroon ng magagandang sasakyan .

Gawain A.2
Panuto: : Basahin ang talata at sagutin ang mga naibigay na tanong sa iyong sagutang papel.
A. May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o masama. Ang una
ay ang layunin, ito ay hindi nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito
ang pinakalayunin o pinatutunguhan ng kilos. Ikalawa ay paraan, ito’y ang panlabas na kilos na kasangkapan o
paraan upang makamit ang layunin. Ikatlo, sirkumstansiya na tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na
nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. At ang panghuli ay kahihinatnan. Ang lahat
ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na pananagutan.
Mga Tanong:
1-3. Ano-ano ang mga salik na nakaaapekto sa kabutihan o kasamaan ng kilos?

Gawain A.3
Panuto: Isulat mo ang iyong pananaw at damdamin tungkol sa layunin, paraan o sirkumstansiya ng ipinakitang kilos
sa iyong sagutang papel.
1. Hindi malinaw ang mga batayan sa pagpili ng honor students kaya _____________________
2. Nagsinungaling sa klase ang inyong pangulo tungkol sa totoong pangyayari kaya ___________________

7
8

You might also like