Esp Report

You might also like

You are on page 1of 7

(Jane) 1.

Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating


katangian.

a. pasiya
b. b. kilos
c. kakayahan
d. damdamin

Ang napili naming sagot ay ang letrang B. - Kilos

Ang kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasalamin sa ating pagkatao,


kung ano tayo, at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagkilos.

(Jaimelynn) 2. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos


ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino?

a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.


b. Sapagkat nakakapagpasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran
c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag isipan
d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.

Ang tamang sagot ay ang letrang C - Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na
pinag-isipan.
—Ang moral na kilos ay ang ating mga aksyon na nagmumula sa malayang pag-
iisip at pagpapasya, na naaayon sa ating konsensya at prinsipyo. Ito ay
nagpapakita ng ating kakayahang mag-isip at kumilos bilang tao, hindi lamang
sumusunod sa instinto.

(Rychelle) 3. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang


lugar kung kaya't mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay, ngunit
lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa
mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga
nahuhuling tsuper sa kalsada, Tama ba o mali ang kilos ni Jimmy?

a. Tama, dail marami naman siyang natutulungan na nangangailangan


b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong
c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos
d. Mali, dahilkahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang
panloob na kilos.
Ang tamang sayot ay ang letrang D. - Mali ang ginagawa ni Jimmy.

Sa kabila ng kanyang mabuting panlabas na kilos na pagtulong sa kaniyang mga


kapwa, hindi ito sapat upang bigyang-katwiran ang kanyang panloob na kilos na
pangongotong. Ang mga aksyon niya ay hindi naaayon sa prinsipyo ng integridad at
moralidad. Sa konteksto ng katanungang ito, ang adbokasya ng kabutihan ay hindi
dapat galing sa maling gawain, tulad ng pangongotong. Ang integridad at pagiging
matuwid ay dapat na sinusunod hindi lamang sa harap ng iba, kundi pati na rin sa
likod ng mga ito.

(Renz) 4. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos,


ano naman ang papel ng kilos-loob?

a. umunawa at magsuri ng impormasyon

b tumungo sa layunin o intensiyon ng isip

c. tumulong sa kilos ng isang tao

d. gumabay sa pagsasagawa ng kilos.

Ang napili naming sagot ay ang letrang B.- Tumungo sa layunin o intensiyon ng
isip. Dahil inilahad sa etika ni Sto. Tomas De Aquino, na ang moral na kilos ay ang
makataong kilos sapagkat malayong patungo ito sa layunin na pinag-isipan.

(Akeem) 5. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?

a. ito ay tumutuky sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa
ay nakaaapekto sa kabutihan

b. ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-
loob.

c. ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdagsa kabutihan o kasdamaan ng isang


kilos.

d. ito ay nakapagbabago sa halaga ng isang kilos.

Ang aking napiling sagot ay ang letrang B.- Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na
nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob"
Ang pahayag na ito ay hindi kahulugan ng sirkumstansiya. Ang sirkumstansiya ay
tumutukoy sa mga kondisyon o kalagayan na nakaaapekto sa isang kilos. Ito ay
hindi naglalarawan ng panloob na kilos na nakabatay sa kilos-loob ng isang tao.
Ang kilos-loob ay tumutukoy sa mga personal na saloobin, motibasyon, at intensyon
ng isang indibidwal. Hindi ito direktang kaugnay ng sirkumstansiya na nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa mga pangyayari o kalagayan na nagpapakilos sa isang
tao.

(Xian) 6. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?


a. ito ay tumutukoy sa panloob na kilos

b. ito ang pinakatunguhin ng kilos

c. ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.

d. ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.

Ang sagot dito ay ang letrang D.- Sa pagsusuri natin sa katanungan, madali nating
mapapansin na ang letrang d ay hindi angkop sa kahulugan ng layunin. Ang
layunin ay hindi nakabatay sa kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ang layunin ay
ang pinakatunguhin o hinaharap na resulta ng isang kilos, at hindi ito nakasalalay
sa kung saan nakatuon ang kilos-loob ng isang tao. Ang kilos-loob ay tumutukoy sa
kalooban o intensyon ng isang tao sa paggawa ng isang kilos.

(Justine) 7. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay
pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet
kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama.
Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa
dahil___________.

a. kinuha niya ito nang walang paalam

b. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang

c. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang

d. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrerespeto.


Ang sagot ay ang letrang - D.

Kung titignan nating mabuti ang sitwasyon, ang pagkuha pa lamang ng pera sa loob
ng kabinet ng iyong magulang ay isa nang kasalanan na dapat ikonsidera
dahil nararapat ka munang humingi ng permiso. Nadagdagan pa ang kaniyang
kasalanan dahil ang akto na ito ay nagpapakita na wala siyang respeto sa mga
magulang niya dahil hindi siya humihingi ng permiso bago siya kumuha ng pera.

(Jane) 8. May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito
ay mayroon ng asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang
kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon.
Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang
makikita sa sitwasyon?

a. ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o


masama.
b. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama
c. Ay sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama
d. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos

Ang sagot ay ang letrang B. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti
ang masama.
—Sa sitwasyon ni Alex, kahit na nagmamahal siya sa isang may-asawang babae at
nagkaroon sila ng relasyon, ang kanyang kilos ay mali. Ang kanyang pagmamahal
ay hindi nagbibigay ng katwiran para sa kanyang kilos. Kahit na siya ay
nagmamahal, ang kanyang kilos ay hindi maaaring maging mabuti dahil ito ay isang
paglabag sa pangako ng babae sa kanyang asawa.

(Jaimelynn) 9. Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga


kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan
hanggang umabot sila ng madaling-araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapit-
bahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa
sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?

a. ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.


b. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o
masama.
c. Ay sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama
d. Ang sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos

Ang sagot na tamang prinsipyo ay ang opsiyon c: "Ang sirkumstansiya ay maaaring


gawing mabuti ang masama." Sa ganitong konteksto, ang mabuting kilos para sa
iisang grupo ng tao ay maaaring maging hindi maganda para sa iba
(Rychelle) 10. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa
araw nang siya ay manalo, ginampanan niya nang lubos ang kaniyang
tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa
sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang
kilos at bagong masamang hangarin sa masamang kilos.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.
d. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.

ang sagot ay ang Letrang C: Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti


o masama. Ito ay dahil sa sirkumstansiya ni Julianna bilang pangulo ng kaniyang
pangkat, maaaring lumikha siya ng mabuti o masama, depende sa kaniyang mga
kilos bilang lider. Sa kaso nga ng kaniyang pagiging pangulo, itinaas niya ang
kaniyang responsibilidad at ginampanan ang kaniyang tungkulin. Sa huli,
nagmukhang gumawa siya ng mabuti sa kaniyang pagiging pangulo ng kaniyang
pangkat.

(Renz) 11. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng


kahihinatnan ng kilos maliban sa
a. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na
pananagutan.
b. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
c. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.
d. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay
na dapat isaalang-alang.

Ang tamang sagot ay ang letrang A.. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may
dahilan, batayan, at kaakibat napananagutan.- dahil hindi ito ang tamang
pagpapakahulugan.

12. Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa


pagbibigay kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya
bilang doktor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may
magandang idudulot pasyenteng iinom nito. Alin sa mga Salik na Nag-uugnay
sa makataong kilos ang mga pinakita ni Gene?
a. Layunin
b. Kilos
c. Sirkumstansiya
d. Kahihinatnan
Ang napili naming sagot ay ang letrang D – Kahinatnan
Ang kahinatnan ay isa sa mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos na ipinakita
ni Gene. Bilang isang espesyalistang doktor sa puso, siya ay maingat sa pagbibigay
ng tamang gamot sa kaniyang mga pasyente dahil alam niya na hindi lahat ng
gamot ay may magandang idudulot sa mga pasyente na iinom nito. Ang kahinatnan
ay tumutukoy sa mga resulta o epekto na maaaring mangyari base sa mga kilos o
desisyon na ginawa. Sa kaso ni Gene, ang kahinatnan ay ang posibleng epekto ng
mga gamot na ibinibigay niya sa kaniyang mga pasyente. Ito ang nag-uugnay sa
kaniyang pagiging maingat at pagpili ng tamang gamot upang makamit ang
pinakamabuting kahinatnan o resulta para sa kaniyang mga pasyente.

( Xian) 13. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan


upang makamit ang layunin.
a. Layunin
b. Kilos
c. Sirkumstansiya
d. Kahihinatnan

Ang tamang sagot ay ang letrang B – kilos, ang kilos ay ang nakikita o ang
panlabas na kasangkapan upang isagawa ang isang bagay na nilayong gawin.

(Xian) 14. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral-


dahil ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita
mo ang sagot mula saiyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
a. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita..
b. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
c. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
d. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na
sagot sa pagsusulit.

Maliwanag na makikita na ang tamang sagot ay ang letrang D – mali na kumopya


sa iyong kamag-aral dahil hindi mo naman pinaghirapan ang iyong sagot. Hindi ka
natututo ng mga bagong bagay, at nawawala ang pagkakataon na ipakita ang iyong
tunay na kakayahan. Bukod dito, labag ito sa etika at nagpapakita ng kawalan ng
respeto sa sarili at sa iba.

(Justine) 15. Bakit hindi maaaring paghiwalayain ang panloob at panlabas na


kilos?
a. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit
mabuti ang panlabas.
b. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
c. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
d. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.

Ang tamang sagot ay ang letrang A – kung masama ang panloob, magiging
masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas.

Palaging tatandaan na ang panloob at panlabas na kilos ay palaging magkaugnay,


kung kayat hindi mo ito mapaghihiwalay. Kung ang iyong panloob na kilos ay
masama, magiging masama rin ang iyong panlabas na kilos dahil dito.

You might also like