You are on page 1of 14

MODULE 6: LAYUNIN, PARAAN, SIRKUMSTANSIYA, AT KAHIHINATNAN

NG MAKATAONG KILOS

1. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating


katangian.
a. pasiya c. kakayahan
b. kilos d. damdamin

2. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika
ni Sto.Tomas de Aquino?
a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
b. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o
masama.

3. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t


mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman
ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing
sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa
kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy?
a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa
rin ang panloob na kilos.

4. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano


naman ang papel ng kilos-loob?
a. Umunawa at magsuri ng impormasyon c. Tumulong sa kilos ng isang
tao.
b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip. d. Gumabay sa
pagsasagawa ng kilos.

5. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?


a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na
ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan.
b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan
nakatuon ang kilos-loob.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng
isang kilos.
d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.

6. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?


a. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
b. Ito ang pinakatunguhin ng kilos.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o
kasamaan ng kilos.
d. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
7. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok
siya sa kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan
nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama.
Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa
dahil___________.
a. kinuha niya ito nang walang paalam
b. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
c. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
d. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto

8. May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay


mayroon ng asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang
kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon.
Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang
makikita sa sitwasyon?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti
o masama.
b. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na
masama.
d. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.

9. Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay


nagsaya. Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot
sila ng madaling-araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapit-bahay dahil sa
ingay na dulot nito. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya
ng kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti
o masama.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.
d. And sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos.

10. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang


siya ay manalo, ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at
responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng
kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang
kilos.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa
masamang
kilos at bagong masamang hangarin sa masamang kilos.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.
d. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.

11. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng


kahihinatnan ng kilos maliban sa _______________.
a. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at
kaakibat na pananagutan.
b. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
c. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.
d. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga
bagay na dapat isaalang-alang.

12. Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa


pagbibigay kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya
bilang doktor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may
magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga Salik na
Nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene?
a. Layunin c. Sirkumstansiya
b. Kilos d. Kahihinatnan

13. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang


makamit ang layunin.
a. Layunin b. Kilos
c. Sirkumstansiya d. Kahihinatnan

14. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil


ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo
ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
a. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.
b. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
c. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
d. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong
isulat na sagot sa pagsusulit.

15. Bakit hindi maaaring paghiwalayain ang panloob at panlabas na kilos?


a. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang
buong kilos, kahit mabuti ang panlabas.
b. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
c. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
d. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.

GAWAIN 1 (B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN)

1. May markahang pagsusulit si Erick. Siya ay pumasok sa kaniyang


silid at nagbasa ng kaniyang mga napag-aralan.
Layunin Makasagot ng tama at makapasa sa kaniyang pagsusulit.
Paraan Pagbabasa ng kanyang mga napag-aralan.
Sirkumstansiya May markahang pagsusulit si Erick kaya siya’y nagbasa.

2. Magaling sa asignaturang Matematika si Glenda. Siya ang


panlaban ng paaralan sa mga kompetisyon at palagi siyang
nananalo. Siya ay nagtuturo sa kapuwa niya kamag-aral na mahina
sa asignaturang Matematika tuwing hapon bago siya umuwi.
Layunin Nais niyang makatulong sa kaniyang kapuwa mag-aaral na mahina
sa asignaturang Matematika.
Paraan Nagtuturo siya sa kaniyang kapuwa mag-aaral tuwing hapon bago
siya umuwi.
Sirkumstansiya Si Glenda ay magaling sa Math, dahil dito tinutulungan
niya ang kanyang mga kaklaseng mahina sa asignaturang ito.

3. Si Jomar ay malungkot dahil naiwan siyang mag-isa sa kanilang


bahay. Tinawagan siya ng kaniyang barkada at niyayang mag-
inuman sila ng alak sa bahay ng isa pa nilang barkada. Dahil nag-
iisa si Jomar at nalulungkot, siya ay nakipag-inuman.
Layunin Maibsan ang lungkot na naramramdaman dahil sa pag-iisa sa
bahay.
Paraan Tinanggap ni Jomar ang paanyaya ng kaniyang barkada na
makipag-inuman sa isang bahay ng kanilang barkada.
Sirkumstansiya Si Jomar ay nag-iisa sa kaniyang bahay at dahil dito
naramdaman niya ang lungkot. Tinawagan siya ng kaniyang barkada, at
inimbitahan siyang makipag-inuman.

4. Matagal nang nais ni Kim na magkaroon ng cellphone. Isang araw,


habang mag-isa lamang siya sa kanilang silid-aralan ay nakita
niyang naiwan ng kaniyang kamag-aral ang cellphone nito. Kinuha
ito ni Kim at itinago.
Layunin Nais ni Kim magkaroon ng cellphone.
Paraan Kinuha ni kim at itinago ang cellphone nang siya’y mag-isa sa silid-
aralan at nakita niya itong naiwan ng kaniyang kamag-aral .
Sirkumstansiya Matagal nang gustong magkaroon ng cellphone si Kim
kaya nang makita niyang naiwan ang cellphone ng kanyang kaklase tinago
niya ito at kinuha,

MGA TANONG:
1. Ano-ano ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat
sitwasyon?

Sa unang sitwasyon (layunin) nais ni Erick na makasagot ng tama at


makapasa sa kanyang pagsusulit, (paraan) kaya’t nagbabasa siya ng
kanyang mga napag-aralan, (sirkumstansiya) mabuti ang kilos ni Erick
dahil siya’y nag-aaral upang makasagot.

Sa ikalawang sitwasyon (layunin) nais ni Glenda na makatulong sa


kaniyang kapuwa mag-aaral na mahina sa matematika (paraan) kaya’t
nagtuturo siya sa kanila tuwing hapon bago umuwi, (sirkumstansiya)
mabuti ang kilos ni Glenda sapagkat gusto niyang makatulong sa kanyang
kapuwa mag-aaral.

Sa ikatlong sitwasyon (layunin) nais ni Jomar na maibsan ang kanyang


lungkot na nararamdaman dahil sa pag-iisa nito sa kanilang bahay (paraan)
kaya tinggap niya ang paanyaya ng barkada na makipag-inuman,
(sirkumstansiya) nag-iisa si sa kaniyang bahay at dahil dito naramdaman
niya ang lungkot. Tinawagan siya ng kaniyang barkada, at inimbitahan
siyang makipag-inuman.

Sa ikaapat na sitwasyon (layunin) nais ni Kim na magkaroon ng cellphone,


(paraan) kaya kinuha niya ang cellphone ng kaniyang kaklase nang nakita
niya itong naiwan niya, (sirkumstansiya) Dahil sa matagal na pag- aasam
ni Kim na magkaroon ng cellphone, nang makita niyang naiwan ng kanyang
kaklase ang cellphone nito, kinuha ito ni kim at itinago.

2. May pagkakaiba ba ang kilos sa sitwasyon bilang 1 at 2 sa


sitwasyon bilang 3 at 4? Ipaliwanag.

Opo may pagkakaiba sa kilos sa sitwasyon 1 at 2 at sitwasyon 3 at 4,


sa sitwasyon 1 at 2, upang makamit ang layunin mabuti ang kilos na ginawa
hindi katulad sa sitwasyon 3 at 4, kung saan masama ang kilos na ginawa
upang makamit ang layunin.
3. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas tamang kilos, sitwasyon
1 at 2 o sitwasyon 3 at 4? Patunayan.

Sitwasyon 1 at 2, dahil para makamit nila ang layunin gumawa sila ng


paraan na nagpapakita ng kabutihan.

GAWAIN 2

1. Tingnan ang Gawain 1. Isulat ang iyong mga konsepto tungkol sa


kahulugan ng layunin, paraan, at sirkumstansiya ng makataong
kilos. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

Mahalaga ang layunin, paraan at sirkumstansiya ng makataong kilos


upang masuri ang pagkamabuti at pagkamasama ng kilos ng tao.

2. Matapos mong maisulat ang mga konsepto ay bumuo ng tatlong


pangkat.

3. Ibahagi ang sagot sa bawat isa at mula sa mga sagot ay bumuo


kayo ng inyong malaking konsepto mula sa kahulugan ng layunin,
paraan, at sirkumstansiya ng makataong kilos.

4. Maging malikhain sa gagawing presentasyon.

5. Mga Tanong:
a. Ano ang iyong natuklasan sa kahulugan ng layunin, paraan, at
sirkumstansiya mng makataong kilos?

Natuklasan ko na ang layunin ay panloob na kilos kung saan nakatuon


ang kilos loob. Ang paraan naman ay panlabas na kilos na kasangkapan o
paraan upang makamit ang layunin. At ang sirkumstansiya naman ay
tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o
nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

b. Bakit mahalaga na malaman ito ng tao?

Mahalaga na malamang ito ng tao upang masuri ng maayos na kilos at


mabuti lagi ang piliin.

c. Paano ito nakatutulong sa tao sa kaniyang pagpili ng


isasagawang kilos at pasiya?

Makakatulong ito sa pagpili ng isasagawang kilos at pasiya sa


pamamagitan ng pagsaalang alang ng kabutihan na maidudulot sa sarili at
kapuwa. Para din mapanagutan ng tao ang kaniyang kilos.

GAWAIN 3

Mga Sitwasyon Mabuting kilos Masamang Paliwanag


kilos
1. Nanalo si Mang Mabuti ang kilos
Philip bilang ni Mang Philip
baranggay dahil sa kanyang
captain sa
kanilang lugar.
 pagkapanalo
agad siyang nag
Wala siyang -lingkod bilang
inaksayang oras barangay
upang ibigay ang captain, wala
sarili sa kaniyang siyang
paglilingkod nang inaksayang oras
buong katapatan. at naglingkod
siya ng buong
katapatan
2. Nais ni Jaymee Masama parin
na matulungan ang kilos kahit na
ang
kaniyang kamag-
X mabuti ang
kanyang
aral na pumasa intensyon, dahil
kaya’t pinakopya ang
niya ito sa pagpapakopya ay
kanilang hindi mabuting
pagsusulit. paraan upang
makatulong.
3. Habang nasa Masama ang kilos
loob ng simbahan ni Pol at Andrew
si Pol at Andrew
X dahil pinag-
ay pinag-uusapan uusapan nila ang
nila ang kanilang isang bagay na
kamag-aral na di hindi naman sila
umano’y sigurado o may
nakikipagrelasyo alam, at ito ay
n sa kanilang paninira ng puri.
guro. Masama rin ang
kanilang kilos lalo
pa’t ginawa nila
ito sa loob ng
simbahan.
4. Si Mang Gerry Masama ang kilos
ay matulungin sa kahit na mabuti
kaniyang mga
kapitbahay. X ang ginagawa ni
Mang Gerry sa
Ngunit mata ng kanyang
lingid sa mga
kaalaman ng tinutulungan.
kaniyangmga Masama ito dahil
tinutulungan, na ang perang
ang perang ibinibigay niya ay
ibinibigay niya sa galing sa
mga ito ay galing pagbebenta ng
sa ipinagbabawal na
pagbebenta niya gamot. Kailangan
ng ipinagbabawal tandaan na kung
na gamot. masama ang
panloob na kilos,
magiging
masama ang
buong kilos kahit
mabuti ang
panlabas
MGA TANONG:

a. Sino-sino sa tauhan ang nagpakita ng mabuting kilos? Sino-sino


ang hindi?

Si Mang Philip lamang ang nagpakita ng mabuting kilos habang sila


Jaymee, Pol, Andrew at si Mang Jerry ang mga tauhan na hindi nagpakita ng
mabuting kilos.

b. Ano ang masasabi mo sa bawat tauhan? Pangatwiranan.

Si Mang Philip ay mabuting tao dahil pinanindigan niya kaagad ang


kanyang tungkulin bilang barangay captain, wala na siyang inaksayang oras,
at handa siyang maglingkod ng buong katapatan. Si Jaymee ay masasabi
kong mabait dahil tinulungan niya ang kanyang kamag-aral na pumasa
ngunit hindi niya alam na mas kawawa ang kanyang kaklase dahil wala
siyang natutunan buhat ng pagpapakopya ni Jaymee. Masasabi ko namang
sina Pol at Andrew ay walang takot sa Diyos dahil doon pa nila ginawa ang
pagtsitsismisan sa loob ng simbahan, habang si Mang Gerry naman ay
masasabi kong mabait at may mabuting intensiyon at ito ang makatulong
ngunit ang paraan na ginawa niya upang maisakatuparan ito ay hindi
maganda, pwede naman siyang magbigay ng pera ngunit hindi galing sa
pagbebenta ng illegal na droga kundi galing sa isang marangal na trabaho.

c. Paano mo nahusgahan kung mabuti o masama ang pasiya at kilos


na ginawa ng
mga tauhan sa bawat sitwasyon?

Hinusgahan ko kung ano ang mabuti o masamang pasiya at kilos na


ginawa ng mga tauhan ay kung ang layunin sila sa ginawang kilos ay mabuti
o masama at ang kilos na ginawa upang makamit ang layunin. Makikita rin
ito sa magiging resulta ng kanilang pasiya at kilos kung ito ba’y
makadaragdag ng kabutihan o magdudulot lamang ng kasamaan sa
kaniyang paligid.

GAWAIN 4

Sitwasyon na nagsagawa ng pasiya at kilos:

Bumibili ako ng mineral water sa isang stand sa downtown, napansin


ko na sobra ang sukli na ibinigay ng bata at mapapansin na hindi siya
masyadong marunong sa pagbibilang kaya isinauli ko kaagad ang sobrang
sukli.

Layunin: Ang maisauli ang sobrang sukli sa batang tindera.

Paraan: Pagsauli ng sobrang sukli sa batang tindera.


Sirkumstansiya: Nagsobra sa pagbigay ng sukli ang bata kaya Isinauli ko
kaagad ang sukli, nadaragdagan ang aking kabutihan sapagkat hindi ko
sinamantala ang sitwasyon kung saan hindi masyadong marunong ang bata
sa pagbibilang.

MGA TANONG:

1. Ano ang masasabi mo sa iyong kilos, mabuti ba o masama?


Patunayan.

Masasabi kong mabuti ang kilos na ginawa ko dahil isinauli ko ang


sobrang sukli sa tinder.

2. Ano ang iyong reyalisasyon matapos mong gawin ang gawain?


Naging masaya
ka ba o hindi? Ipaliwanag.

Nagkaroon ako ng reyalisasyon na sa lahat ng bagay na aking gagawin


kailangan parating suriin ko ang aking pasiya bago ko ito isakilos para sa
ikabubuti ng aking sarili at ng kapuwa. Naging masaya ako pagkatapos kong
gawin ito dahil kahit papano sa pagbabalik ko ng sukli makadaragdag ito sa
kanilang kita.

3. Paano nakatutulong sa iyo ang pagsusuri ng kilos bago ito


isagawa?

Nakatulong ito dahil isinaalang- alang ko ang mga maaaring maging


resulta ng aking kilos bago koi to ginawa.

TAYAHIN ANG IYONG PAG-UNAWA

1. Ano ang kahulugan ng kilos? Ipaliwanag.

Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na


nasasalamin ang ating pagkatao, ibig sabihin nito kung ano tayo at kung ano
ang kalalabasan ng ating kilos ito ay batay sa ating pagpapasiya na
nangangahulugang hindi ng lahat ng ating isinasagawang kilos ay mabuti.

2. Ano-ano ang salik na nag-uugnay sa makataong kilos? Ipaliwanag


ang bawat isa.

Una ang layunin, ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan


nakatuon ang kilos- loob, ikalawa ang paraan, ito ang panlabas na kilos na
kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin, ikatlo ang sirkumstanya,
ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o
nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos, at ang ikaapat ang
kahihinatnan, mahalaga na masusing pag-isipan at pagplanuhang mabuti
ang anumang isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas na
pananagutan na dapat isaalang- alang.

3. Bakit hindi maaaring ihiwalay ang panloob na kilos sa panlabas


na kilos? Ipaliwanag.
Hindi maaaring ihiwalay ang panloob na kilos sa panlabas na kilos
sapagkat kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos,
kahit na mabuti pa ang panlabas.

4. Ibigay ang iba’t ibang uri ng sirkumstansiya at magbigay ng


halimbawa sa bawat isa.

SINO: Ang pagkuha ni Arnold ng pera ng kanyang lola. Nakadaragdag ito ng


panibagong kasamaan dahil ang pinagnakawan niya ay mismo ang kaniyang
lola.

ANO: Ang pera na ninakaw ni Arnold sa kanyang lola ay panbili pala ng


gamot. Mas masama ang kilos ni Arnold sapagkat nahirapan sa paghinga ang
kaniyang lola hanggang madala ito sa hospital.

SAAN: Ang paninirang puri sa kamag-aral sa loob ng simbahan.


Nadaragdagan ang masamang kilos dahil ginawa nila ito sa loob ng
simbahan.

PAANO: May nakalimutan si Nestor sa pagsusulit nila kaya napatingin siya sa


papel ng kaniyang kakalse at nakita niya ang sagot kaya kinopya niya ito.
Nababawasan ang kasamaan ng kaniyang kilos dahil hindi niya ito
pinagplanuhan.

KAILAN: Nasunugan ang isang pamilya sa lugar nila Chris. Imbis na tulungan
niya ito sinamantala pa ni Chris ang sitwasyon at ninakawan sila. Lalong
nadaragdagan ang kasamaan ng kaniyang kilos dahil sa sitwasyon ng
pamilyang nasunugan.

5. Paano nahuhusgahan kung ang layunin ng kilos ay mabuti o


masama? Magbigay ng halimbawa.

Ang pamantayan sa kabutihan ng kilos ay kung iginagalang ng taong


nagsasakilos ang dignidad ng kanyang kapuwa.

Halimbawa: Binigyan ko ang kaibigan ko ng pagkain dahil wala siyang


baon, ngunit ginawa ko lamang ito dahil nais kong magpagawa ng takdang
aralin sa kaniya bilang kapalit. Sa sitwasyon mabuti ang kilos na ginawa ko
ngunit ang layunin ko ay hindi maganda.

6.Sa iyong palagay, upang ang kilos ay maging mabuti, saan ba ito
dapat nakabatay? Ipaliwanag.

Kinakailangan ito’y nakabatay sa batas moral upang masiguro na ang


kilos na ginagawa ak mabuti hindi lamang para sa akin kundi para rin sa
aking kapuwa.

PAGHIHINUHA NG BATAYANG KONSEPTO

Ang mabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi lamang sa


kalikasan nito kundi sa motibo at sirkumstansiya kung paano mo ito
ginagawa. Kaya’t mula sa layunin, paraan, at sirkumstansiya ng kilos ay
madaling makikita o masusuri ang kabutihan o kasamaan nito.
KILOS
MAKATAONG KILOS NG TAO

KILOS- ISIP NATURAL SA


Naaapektuhan ng: may: ISANG TAO

TAKOT LAYUNIN

GAWI PARAAN

KARAHA SIRKUMSTAN

KAMANG KAHIHINATN
-
MANGAN
MASIDHI
NG
DAMDAM
Pag-uugnay ng batayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao

1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad


bilang tao?

Ang mga konseptong ito ay makatutulong sa akin sa pamamagitan ng


pagsisilbing gabay sa aking pagpili ng kilos sa aking araw- araw na
pamumuhay kung saan maari ko itong gamitin sa mga sitwasyong
kakaharapin ko araw- araw.

2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga
pagkatuto sa modyul na ito?

Pag-aaralan ko ng mabuti ang mga natutunan ko at sisiguraduhing


lubos ko itong nauunawaan, at isasabuhay ko rin ang mga ito nang sa
ganoon mailapat ko ito sa aking pang araw- araw na gawain at upang
makatulong sa kapwa.

E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO


GAWAIN 5

MGA PAGSUSURI NG PAGTATAYA NG PALIWANAG


SITWASYON KABUTIHAN O KABUTIHAN O
KASAMAAN NG KASAMAAN
KILOS BATAY SA NG KILOS
LAYUNIN, BATAY SA
PARAAN, LAYUNIN,
SIRKUMSTANSY PARAAN,
A, AT SIRKUMSTANSY
KAHIHINATNAN A, AT
NITO KALALABASAN
NITO

1.Niyaya ka ng Layunin: Layunin: ang Hindi naman


iyong Maglaro sa pagkakaroon ng masama ang
kamag-aral na Computer shop kasiyahan ay paglalaro sa
huwag Paraan: Hindi bahagi ng computer shop,
pumasok sa klase papasok sa klase kanilang ngunit hindi nila
at at pupunta sa paglalaro. ito dapat gawin
pumunta sa computer shop Paraan: Dapat sa tuwing sila’y
computer Sirkumstansiya hindi pumunta sa may pasok,
shop upang : Pagliban sa computer shop maaari itong
maglaro rito. klase upang pag may pasok, makaapekto sa
makapaglaro sa hindi ito masama kanilang pag-
computer sjop. ngunit dapat may aaral at magdulot
Kahihinatnan: disiplina tayo at ng pagkaroon ng
Makakaapekto ito mga mababang
sa kanilang pag- prinaprayoridad. marka. Dapat
aaral, maari Sirkumstansiya prinapayoridad
silang makakuha : naging masama muna nila ang
ng mababang ang kilos dahil sa pag-aaral.
grado na pagliban nila sa
ikakadismaya ng klase upang
kanilang makapaglaro.
magulang. Kahihinatnan:
Magkakaroon ito
ng epekto sa
kanilang pag-
aaral at maaari
nila itong
mapabayaan.
2. Nangungulit Layunin: Layunin: Ang layunin ng
ang iyong katabi makapasa ang parehong mabuti aking katabi ay
na pakopyahin katabi ang kanilang mabuti, ang hindi
mo siya sa Paraan: layunin na bumagsak, ngunit
pagsusulit pangungulit na makapasa. ang paraan na
dahil maaari pakopyahin ko Paraan: Hindi ginamit niya ay
siyang siya. mabuti ang masama dahil
bumagsak. Sirkumstansiya ginawang paraan kailanman ay
: Pangungulit ng ng iyong katabi hindi naging
katabi na dahil ang mabuti ang
mangopya. kanyang pangongopya,
Kahihinatnan: pangungulit ay maari din siyang
Ang hindi maaaring makadistorbo sa
pagkatuto kung makadistorbo sa aking pagsasagot
papakopyahin pagsasagot ko. at sa paglipas ng
siya. Sirkumstansiya panahon
: mali ang kilos masasanay na
na ito dahil ang lamang siyang
pangongopya ay gawin ito, kaya
hindi tama, at kailangan siyang
siya’y payuhan na mag-
nakakadistorbo. aral sa susunod
Kahihinatnan: na mga
Ang hindi niya pagsusulit dahil
pagkatuto kung hindi makakabuti
papakopyahin at para sa kaniya
masasanay ang
siyang gawin ito. pangongopya.
3. Nakita mo na Layunin: Layunin: ang Sa ganitong mga
nalaglag maisauli ang pagnanais na sitwasyon
ang pitaka sa pitaka ng babae. maibalik agad nararapat lang na
isang Paraan: Ibalik ang pitaka sa manaig parin an
babae sa loob ng ito sa may-ari. babae ay isang gating kabutihan
simbahan. Sirkumstansiya nagpapakita ng at disiplina sa
: Pagsauli ng kabutihan. sarili upang
pitaka habang Paraan: ang patuloy tayong
nasa simbahan pagsasauli ng makapaglingkod
pa ang babae. pitaka ng babae sa ating kapwa
Kahihinatnan: ay isang kahit sa maliliit
Lubos na magandang kilos. na bagay lamang
pagkatuwa ng Sirkumstansiya dahil para sa iba,
babae dahil sa : madadagdagan malaki na ang
pagsasauli ng ang kabutihan ng tulong na
pitaka. kilos dahil ginawa naibibigay natin.
ito sa loob ng
simbahan.
Kahihinatnan:
Matutuwa ang
babae na
nangangahuluga
ng mabuti ang
kilos na ginawa.

Pagninilay

Gawain 6
* Natutunan kong may dalawang uri *Ang napulot kong aral ay dapat
ng kilos, pag-isipan ng mabuti ang mga kilos
ang makataong kilos at ang kilos ng na gagawin dahil tayo ay may
tao. pananagutan sa lahat ng ating kilos.
* Natutunan kong may mga salik na
* Isa sa aking mga realisasyon ay
nakakaa-
tayong mga tao’y hindi perpekto,
pekto sa kilos ng tao, ito ang takot,
makakagawa at makakagawa tayo
gawi,
ng mga pagkakamali ngunit
karahasan, kamangmangan, at
maiibsan natin ito sa pamamagitan
masidhing
ng paggawa ng mabuti, pagiging
damdamin.
mapanagutan, at mapanuri sa mga
* Natutunan kong maaring
desisyong gagawin na hindi lamang
mabawasan ang
makabubuti para sa atin kundi para
kabutihan at kasamaan ng isang

Gawain 7

Suliranin Layuni Paraan SirkumstaKahihinatnanKomento,


n nsiya Paghuhusga:payo,Mabutiat
o masama ang kilos?
lagda ng
Bakit?
magulang
Nakakita Maibali Ibibigay sa May Mabuti ang Mabuti ang
ako ng k ang kinauukula nakahulog kilos ko dahil iyong ginawa,
P500.00 pera sa n o sa lost ng P500.00 kahit na gaya ng turo
habang may- and found at nakita hindi ako namin dapat
ako’y ari. sa ko ito nakakakilala ibabalik mo
naglalaka paaralan, habang sa may-ari parati ang
d sa para naglalakad. naghanap mga bagay
paaralan. mahanap ako ng na
ang may- paraan natatagpuan
ari . upang mo sapagkat
maipaalam hindi ito sa
na nakakita iyo,
ako ng pera ipagpatuloy
at upang mo ang
mahanap mabuting
ang may-ari. gawaing ito.

You might also like