You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawan ng Edukasyon
Rehiyon ng Caraga
Dibisyon ng Agusan del Norte
Hilagang Distrito ng Kitcharao
MATAAS NA PAARALAN NG KITCHARAO

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
PAGTATAYA

PANGALAN: ___________________________________ PETSA: _______________


TAON AT PANGKAT: ____________________________

PANUTO: Ang mga pagtatayang inyong masasagutan ay bahagi na ng modyul na nabasa at posibleng
nasagutan na ninyo, kaya’t kung sa tingin ninyo ay kulang ang inyong mga naisagot sa modyul na
naibigay, maaaring paunlarin pa ang inyong mga kasagutan sa pagtatayang ito. Sa bawat bahagi ay may
nakasaad kung anong modyul at gawain ito kinuha. Pakisuyong siguruhin na may maisasagot kayo sa
pagtatayang ito. (Paalala kailangan ninyong sagutan lahat ng mga gawain at lahat ay makapagpasa sa
oras ng pagpapasa ng mga assessment/WLAS.)
Gamitin ang papel na ito sa inyong pagsagot sa mga gawain at kung maaring gumamit ng ibang
papel kung kinakailangan.

WEEK 1&2 Written Work

WEEK 1 - Gawain 1: SURIIN


Mga Panuto:
1. Magbigay ng limang karapatang alam mo bilang tao.
2. Isulat ito ayon sa kahalagahan mula sa mahalaga hanggang pinakamahalaga.
3. Isulat sa sulatang papel ang iyong sagot.

1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. __________________________________________________________
5. __________________________________________________________

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang maaaring epekto ng hindi pagbibigay ng pagpapahalaga sa karapatan?
2. Ano kaya ang epekto nito sa iyong pagkatao?
3. Bakit kailangang pahalagahan ang karapatan?

WEEK 2 – Gawain 1: BALIKAN!

Panuto: Isulat sa loob nag kahon ang mga nalalaman mong karapatan at tungkulin sa buhay.

Karapatan sa buhay Tungkulin sa buhay


1. 1.
2. 2.
3. 3.

WEEK1&2 Performance Work

WEEK 1 – Gawain 4: Karapatan mo, Ipaglaban mo!

Panuto: Tukuyin kung ano ang mga karapatang nalabag sa mga sumusunod na sitwasyon. Ipaliwanag
ang
bawat sitwasyon.

1. Si Nilda ay isang mag-aaral, habang siya ay naglalakad pauwi sa bahay, nakasalubong niya ang
kaniyang kaibigang si Joan na namumutla at nanginginig sa takot. Ayon kay Joan ginahasa siya ng
kaniyang Tiyohin. Ibinahagi ni Joan habang iyan ng iyang ang kalapastangang ginawa ng kanyang
Tiyohin. Bilang isang kaibigan ano ang gagawin mo?

2. Si Tony ay matalik mong kaibigan. Isang di inaasahang pangyayari ang nasaksihan mo


pagkatapos ninyong maglaro ng basketball. Sinakal siya at napatay dahil sa pagtatalo ng kabilang
grupo na mga kalaro ninyo. Lumayas ang suspek at isa ka sa mga nakasaksi sa malagim na
pangyayaring iyon. Ano ang gagawin mo?

WEEK 2 – Gawain 4 : Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa sa mga mahalagang konsepto
sa babasahin. Isulat ang iyong sagot sa sagotang papel.

1. Ano-ano ang tatlong mahalagang karapatan para sa iyo? Bakit mo ito pinapahalagahan?
2. Ano ang dapat gawin ng tao upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan?
3. Bakit kailangang tuparin ng isang indibidwal ang kanyang tungkulin at hubugin ang sarili tungo sa
pagpapakatao?

Natapos mo na ang iyong mga gawain. Binabati kita!

Inihanda ni: Iniwasto ni:


Abegyll Lolit A. Micabalo Remy M. Ocite

Tinala ni:
Roche Y. Ocaña

You might also like