You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Alugan National School of Craftsmanship &


Home Industries
School ID: 303493

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN - 9

Pangalan Petsa
Baitang/Seksyon Iskor

I. MULTIPLE CHOICE: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang Ekonomiks?


A. Ang Ekonomiks ay isang agham
B. Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan
C. Ang Ekonomiks ay isang agham sa lipunan
D. Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao

2. Ang Ekonomiks ay nagmula sa salitang oikonomia na ang ibig sabihin ay


____________?
A. Pamamahala ng Bahay
B. Pamamahala ng Barangay
C. Pamamahala ng Tao
D. Pamamahala ng Sambahayan

3. Ano ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya?


A. Mixed Economy
B. Market Economy
C. Command Economy
D. Tradisyunal na Economy

4. Ito ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan?


A. Tradisyunal na Ekonomiya
B. Command Economy
C. Mixed Economy
D. Market Economy

5. Ito ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan?


A. Tradisyunal na Ekonomiya
B. Mixed Economy
C. Market Economy
D. Command Economy

6. Ang sistemang ito ay kinapapalooban ng elemento ng market at command economy?


A. Tradisyunal na Ekonomiya
B. Market Ekonomy
C. Command Economy
D. Mixed Economy

7. Ano ang Batas na nangangalaga sa kapakanan ng mamimili?


A. R.A. 7391
B. R.A. 7392
C. R.A. 7393
D. R.A. 7394

8. Bakit mahalaga ang ekonomiks?


A. Mahalaga ito sapagkat ito ay bahagi ng buhay mo.
B. Mahalaga ito sapagkat ito ay makatutulong sa buhay mo.
C. Mahalaga ito sapagkat ito ay makatutulong sa pagbuo ng matalinong desisyon.
D. Mahalaga ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon.

9. Bakit umiiral ang kakapusan?


A. Dahil mahirap ang mga mamamayan.
B. Dahil maraming sakim na mayayaman
C. Dahil maraming politikong korap
D. Dahil limitado ang pinagkukunang yaman at walang katapusang pangangailangan
at kagustuhan ng tao

10. Ano ang palatandaan ng kakapusan?


A. Ang pagkasira ng kalikasan
B. Ang pagkalbo ng kagubatan
C. Ang pagkasira ng mga makinarya
D. Lahat ng nabanggit

11. Bumubuo ito sa matalinong pagdedesisyon


A. Opportunity Cost at Trade off
B. Marginal Thinking at Incentives
C. Wala sa nabanggit sa itaas
D. Binanggit ng Option A at B

12. Ang trade-off ay _______________?


A. Tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit
B. Tumutukoy sa mga bagay na gustong bilhin
C. Purchasing power
D. Tumutukoy ito sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay

13. Ang opportunity cost ay ____________?


A. Tumutukoy sa mga bagay na gustong bilhin
B. Purchasing power
C. Tumutukoy ito sa pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay
D. Tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit

14. Ano pangunahing layunin ng produksyon ay ____________?


A. Upang makalikha ng kita
B. Upang makagawa ng bago o likhang sining
C. Upang makaakit ng mga mamimili
D. Upang magkaroon ng pagkonsumo ang mga tao
15. Ang kasabihang ni John watson Howe na “There isn’t enough to go around” ay
nangangahulugan na _________________________?
A. Marami ang ating pinagkukunang yaman
B. Marami ang ating nakatagong yaman
C. Kapos tayo sa mga likas na yaman
D. Ito ay sumasalalim sa suliraning ng kakapusan

II. TAMA O MALI: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI
naman kung ang pahayag ay di-wasto.

_____1. Itinuturing na pangunahing suliraning pangkabuhayan ang kakapusan.


_____2. Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit
ang lahat ng pinagkukunang-yaman.
_____3. Ang ekonomiya at sambahayan ay may pagkakatulad.
_____4. Ang kakapusan ay tuon ng pag-aaral ng ekonomiks.
_____5. Ang bawat tao ay may pangangailangan at kagustuhan.
_____6. Ang kagustuhan ng tao ay hindi nagbabago.
_____7. Sapat na ang damit, tirahan, at pagkain para sa isang tao.
_____8. Lahat ng tao ay parehas ang pangangailangan at kagustuhan.
_____9. Ipinanukala ni McConnel, Brue at Barbiero ang teorya ng Hirarkiya ng
Pangangailangan.
_____10. Ang mga tao ay hindi konsumer.
_____11. Ang pagkonsumo ay bahagi ng buhay ng tao simula nang kaniyang
pagsilang sa mundo.
_____12. Ang napakaraming pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kung
bakit may pagkonsumo.
_____13. Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaaring ikonsumo agad.
_____14. Ang mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input.
_____15. Ang tubo o profit ay tumtukoy sa kita.

III. IDENTIFICATION: Hanapin ang sagot sa Word Box na naglalarawan ng


bawat pahayag sa bawat aytem.

A. DENR B. DTI C. Insurance Commission E Cooperative


D. FPA F. ERC G. POEA H. Korporasyon
I. SEC J. DENR - EMB K. PRC L. Partnership
M. BFAD N. HLURB O. Republic Act 7394 P. Sole Proprietorship

1. Ang __________________ ay negosyo nap ag-aari at pinamamahalaan ng isang tao.


2. Ang __________________ ay isang organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na
nagkasundo at sumasang-ayon paghatian ang mga kita at pagkalugi sa pagtatayo ng isang negosyo.
3. Ito ang pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo.
4. Ito ay binubuo ng mga kasapi na karaniwan ay hindi bababa sa 15 miyembro na kabahagi sa
puhunan at tubo.
5. Batas na nangangalaga sa kapakanan ng mamimili.
6. Dito dumadaing ang mga tao higgil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon.
7. Reklamo laban sa sa illegal recruitment activities
8. Hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran sa Seguro.
9. Nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon
10. Namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran.
11. Reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan.
12. Nangangalaga sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya.
13. Pangangalaga sa maling etiketa ng gamut, pagkain, pabango at make-up
14. Nangangalaga sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng pyramiding na gawain
15. Nangangalaga sa paglabag sa etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-salot.

IV. ENUMERATION: Ibigay ang “Limang Pananagutan ng mga Mamimili”


1.
2.
3.
4.
5.

You might also like