You are on page 1of 13

Kayamanan at

Karalitaan

Kabanata 10
Talasalitaan
Kayamanan
> pag-aari; mga mahalagang bagay na naipon o naitago;
bagay na mataas ang halaga; pagkaingat-ingatan;

Karalitaan
> kahirapan; dalita; sakuna; bigkis

Indulgencia
> utang na loob
Umaalipusta
>nanglalait

Sumilakbo
>biglang pagramdam; biglang paglabas

Mahalughog
>halungkatin; suriin mabuti

Niyurakan
>sinira
Mga Tauhan
 Kabesang Tales
 Simoun
 Kapitan Basilio
 Kapitana Tika (asawa ni Kapitan Basilio)
 Sinang (anak ni Kapitan Basilio)
 Manugang ni Kapitan Basilio (asawa ni Sinang)
 Hermana Penchang (manang na pinagsisilbihan ni
Juli)
Tagpuan

 Satahanan ni Kabesang Tales sa Sapang,


pagitan ng mga bayang San Diego at Tiyani
Buod
Pagkatapos ng masamang pangyayari kay Tandang Selo..

Nakituloy si Simoun sa tahanan ni Kabesang Tales sa dahilang ito


ang pinakamalaking bahay sa pagitan ng Sand Diego at Tiyani.

Sa kanilang pag-uusap ay itinanong ni Simoun sa Kabesa ang


lagay ng mga daan sa lugar na ito sapagkat inalok niya ang
kanyang rebolber kay Kabesang Tales at sinabing pwede niya
itong maging pantanggol laban sa mga tulisan.

Umaabot ng 200 hakbang ang layo ng rebolber na ito ngunit


tinanggihan muna ng Kabesa.
Dumating sa tahanan ay ang pamilya ni Kapitan Basilio na
may dalang pera na naghahalagang 3,000 piso para sa
mabibili nilang alahas mula kay Simoun.

Naroon din si Hermana Penchang na planong bumili ng


isang singsing na naipangako niya sa Birhen sa Antipolo
kung saan nabanggit din ng manang ang pagbpapabasa niya
ng aklat kay Juli.

Naparoon ang mga tao para tignan at bumili ng mga alahas


ni Simoun at kanya ng inilabas ang dalawang maleta na
naglalaman ng iba’t-ibang alahas na may kanya-kanyang
kasaysayan at uri.
Inilabas ni Simoun lahat ng kanyang alahas kung saan sa bawat
hiyas, hikaw, kwintas at singsing ay manghang-mangha ang mga
tao lalo na si Kapitan Basilio pagdating sa pinanggalingan ng
mga ito.

(Kung saan nabanggit ng dalawa na sayang at walang museo ang


Pilipinas para itago ang mga makasaysayang gamit na pag-aari
nito)

Si Kapitana Tikaw ay bumili ng agnos na may maliit na bahagi


ng batong kinadiinan ng ating Panginoong Hesukristo; Bumili
naman ng isang pares ng hikaw si Sinang at si Kapitan Basilio
ay kumuha ng kairel para sa alperes, pares ng hikaw para sa
kura.
Tinanong ni Simoun kung hindi ba bibili ng alahas si
Kabesang Tales ngunit wala itong pero, at nabanggit ni Sinang
ang agnos ni Maria Clara na may brilyante at esmeralda.

Dahil sa narinig ay ipinilit ni Simoun na bilhin ang agnos na


ito kay Kabesang Tales kahit sa halagang 500 piso. Napag-isip
ang kabesa. Ngunit nabanggit ni Hermana Penchang ang
paghihirap ni Juli na ipaalila ang sarili huwang lang maisanla
ang agnos na iyon kaya napahindi ang kabesa.

Nagpaalam Si Kabesang Tales sa mga tao na lalabas muna ito


para kausapin ang anak. Sa labas ay natanaw niya ang isang
prayle at isang tao na nagsasaka na ngayon sa kanyang bukirin.
Nakita niyang nagtatawanan ang dalawang magkasama ng
siya’y makita. Lalo na ng nakita ng isa sa dalawa ang
ginawa ng kanyang asawa ( na nakita ang kanyang asawa na
kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid) at
pinagtawanan pa lalo ang kanyang pagkalalaki.

Sumilakbo ang galit sa loob ni Kabesang Tales. Nalimot


niya ang lahat, lumiko at tumungo ang landas na nilalakaran
ng lalaki at prayle na patungo sa kanyang bukirin.

Bumalik ng bahay si kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na


di niya nakausap ang anak.
Pag-gising ni Simoun ng umagang iyon ay wala na ang
kanyang rebolber at si Kabesang Tales na nag-iwan ng sulat na
humihingi ng paumahin sa pagkuha ng kanyang baril ngunit
ipinagpapalit naman niya ito sa agnos ni Maria Clara.

“At sa wakas ay natagpuan ko na rin ang aking hinahanap,” –


Simoun

Lalo pang sumigla si Simoun ng dakpin ng mga guwardiya sibil


si Tandang Selo at ang balita na tatlo agad ang namatay
kinagabihan na putol ang leeg at may buhangin ang bibig.

Sa tabi ng isa sa tatlong bangkay ay may papel na kinasusulatan


ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.
Paghahambing
May mga pagkakataon ngayon na may mga tao paring
walang nakukuhang hustisya sa mga masasamang nangyari
sa kanilang buhay. Kaya maaring gustuhin nilang
maghiganti para maipaglaban ang sa tingin nilang dapat
noon ay natama na ngunit hindi sila nabigyan ng sapat na
pansin para iresolba ito.

You might also like