You are on page 1of 2

Erin Gabrielle G. Manuel 10 – St.

Paul VI

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO
KABANATA 1 – 10

Nagsimula ang El Filibusterismo sa isang Bapor Tabo na naglalayag sa Ilog Pasig patungo sa
Laguna. Dito makikita ang mga tauhan na nagtatalo dahil sa hirap ng paliko-likong daan ng ilog
Pasig at kung paano nila ito malulutas, dito nagkasumbatan at nagkainitan ng ulo ang mga
tauhan. Sumunod naman ay ang mga tauhan sa ilalim ng kubyerta ay kung saan nagsisiksikan
ang mga Indio at mga Tsino, dito nag-uusap sina Basilio, Kapitan Basilio, at Isagani patungkol
sa malabong posibilidad na pagtatayo ng akademiyang nagtuturo ng wikang Kastila. Bumalik
ang eksena sa itaas ng Bapor kung saan nagtatawanan at nagkukwentuhan ang mga tauhan, dito
naikwento nina Padre Florentino, Padre Salvi, at ng kapitan ng barko ang tatlong alamat na
nasabing naganap sa lugar na dinaanan. Isa na sa alamat na nabanggit ay ang hinuhang
pagkapaslang ng sinasabing Ibarra, kaya naman ay napalula ng tingin si Simoun ang tinutukoy
na Ibarra, habang dumaraan dito ang Bapor. Tumungo naman ang nobela sa istorya ni Kabesang
Tales, isang magsasakang biktima ng pang-aapi ng mga prayle dahil inangkin ng hindi karapat-
dapat ang kaniyang pinaghirapang lupain. Dahil sa pagpatol niya sa mga mang-aapi siya ay
ipinadakip at ipinatutubos sa malaking halaga. Ang tanging paraan na naiisip ng kaniyang anak
na si Juli upang maitubos ang kaniyang Ama ay isangla ang kaniyang sarili sa mayamang
kababaryo, ngunit kapalit nito ay dapat manalo si Kabesang Tales sa kaso upang maitubos niya si
Juli. Habang pauwi ang nabanggit na binatang si Basilio upang makituloy sa tahanan ni Kapitan
Tiyago ay nahinto ang kaniyang sinasakyang Kutsero sa paglabag nito sa ilang mga patakaran,
hindi pagbitbit ng sedula, at hindi paglalagay ng ilaw sa karwahe. At dahil dito, nakulong ang
kutsero. Pagdating naman ni Basilio sa tirahan ni Kapitan Tiyago ay nabalitaan niya galling sa
isang katiwala, na nadakip si Kabesang Tales. Natuluyan nang mawalan ng gana kumain si
Basilio dahil dito.
Si Basilio ay nagising sa kampana para sa Misa de Gallo, at pumunta sa puntod ng kaniyang ina
na si Sisa. Habang nasa puntod siya, nag balik-tanaw siya sa mga napagdaanan niyang hirap
noong siya’y bata pa. Dati niyang pinangarap magtapos ng pag-aaral. Natagpuan siya ni kapitan
Tiyago sa San Diego at pinag-aral sa San Juan de Letran. Nang makapagtapos siya, nilipat siya
ni Kapitan Tiyago sa Ateneo Municipal. Sa ngayon, dalawang buwan nalang at mapapakasalan
na niya ang anak ni Kabesang Tales na si Juli. Habang paalis ng gubat si Basilio, nakakita siya
ng anino ng isang lalaki. Nakita ni Basilio na si Simoun pala ito, na naghuhukay sa kabilang
bahagi ng balete. Papatayin na sana ni Simoun ang binata dahil may alam siyang sikreto na
ikamamatay ni Simoun, ngunit may tiwala siya na hindi niya pagsisisihan ito. Tuluyan na
nagsagutan ang dalawa. Linahad ni Simoun na nagsikap siya sa nakaraang 13 na taon, at
iniimbita si Basilio sa kaniyang paghihiganti laban sa pamahalaan. Ngunit hindi niya tinanggap
ito at sinabi na gusto lamang mapatupad ang akademiya na magtuturo ng wikang kastila.
Nagising si Juli at umasa na nabiyayaan siya ng Birhen ng 250 pesos para sa kaniyang ama,
ngunit hindi ito dumating. Nakita ng dalaga ang kaniyang lolo na si Tandang Selo, at sinabi na
sabihin sa kaniyang ama na nakapasok siya sa isang murang kolehiyo. Naiwan sa bahay si
Tandang Selo at pinanood lamang ang mga taong nakasuot ng mga magagandang damit para sa
pasko. Dumating ang mga kamag-anak ng matanda, at nagulat dahil hindi na makasalita si
Tandang Selo. Nabalitaan ni Hermana Penchang na siya ang sinisisi ni Juli sa masamang
pangyayari, sinabi ni Hermana Penchang na nagaganap ang mga “parusa” na ito dahil
makasalanan ang dalaga. Pinilit niya si Juli na basahin ang “Tandang Basio Macunat” na isinulat
ng isang prayle, at tinuruan din magdasal. Pumuntang Maynila si Basilio para makita si Juli.
Nagsalo-salo ang mga prayle dahil sa pagkakakulong ni Kabesang Tales, ngunit nakalabas ito
dahil sa tulong ni Juli. Pagkauwi ay nakita niyang iba na ang nagmamay-ari ng kaniyang lupa.
Dumating si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales, at ang mga mamamayan ng San Diego para
bumili ng alahas galing kay Simoun. Lahat ay bumili maliban kay Kabesang Tales, dahil wala na
halaga ang mga alahas ni Juli maliban sa nakuhang alahas ni Maria Clara. Nakita at inibig ito ni
Simoun, at tinanong kung magkano kukunin ni Kabesang Tales kapalit sa agnos. Hindi alam
kung ano sasabihin, lumisan muna si Kabesang Tales at sinabing babalik siya bago dumilim,
upang maitanong muna sa anak. Habang paalis, nakita niya ang prayle at ang bagong may-ari ng
kaniyang lupain. Sinundan niya ang mga ito papunta sa kaniyang bukirin. Kinaumagahan, hindi
dumating si Kabesang Tales, ngunit isang sulat para kay Simoun na galing sakaniya., nakasulat
rito ang paghihingi ng tawad sa pagkuha ng kaniyang rebolber, kapalit sa agnos ni Maria Clara.
Dumating ang gabi at kumalat ang balita na namatay ang prayleng tagapangasiwa ng lupa, ang
bagong may-ari ng lupain ni Kabesang Tales, at ang asawa nito.

You might also like