You are on page 1of 2

Talasalitaan:

1. nanlumo - nanghina, nalungkot


2. nakapagpamangha - nakagulat, nakapagpahanga
3. gabutil - maliit
4. hiyas - alahas
5. sisidlan - lalagyan
6. kalupi - wallet
7. laket - maliit at at manipis na sisidlan

Buod:
Ikinagulat ng lahat nang nakituloy ang mag-aalahas na si Simoun kay Kabesang Tales.
Kahit kapos ay malugod na tinanggap ni Kabesang Tales si Simoun na namamalagi ng
isang araw at isang gabi. Nagdala si Simoun ng pagkain at
dalawang katulong. Napatanong si Simoun kung sapat na ba ang rebolber na dala nito
upang ipagtanggol ang sarili kung sakali man ay may mga tulisan.

Dumating ang mga taong nais bumili ng mga alahas at nagbatian ng Maligayang Pasko.
Naroon sina Kapitan Basilio, Kapitan Tika, at pati si Sinang. Ang Kapitan ay
gugugol ng tatlong libong piso. Si Hermana Penchang naman ay bibili ng
singsing para sa Birhen ng Antipolo ngunit hindi nito kasama si Huli.

Ipinakita ni Simoun ang mga alahas. Ilan dito ay mga kolyar na Cleopatra, singsing
ni Sila, singsing ng Senador sa Roma, singsing ni Lombelle, at hikaw ni Maria
Antonieta. Ninais bilhin ni Sinang ang hikaw na may
pagka-asul at may gabutil na mais na brilyante ngunit ito ay nangangahalagang
tatlong libong piso, kaya't hindi na niya ito binili. Nanlumo rin si Hermana dahil
nais niya ito para sa Birhen.

Naroon ang mga hiyas sa ikalawang sisidlan na may iba't ibang hugis at kulay.
Mayroong siparo, diyamante, esmeralda, rubi, at perlas. Sa ikatlo naman ay naroon
ang mga kalupi, orasan, kuwintas, at relikaryong may brilyante. Ang ikaapat
naman ay naglalaman ng mga bato na nakapagpamangha sa lahat. Ayaw tumingin ni
Kabesang Tales ng mga lahas sapagkat naaalala nito ang kanyang kasawian.

Nasabi ni Simoun na tinatawaran ni Quiroga ang brilyanteng asul ng anim na libong


piso ngunit ito'y tumanggi dahil sa mahalaga ito. Walang nais humawak ng mga
alahas. Samantalang si Kabesang Tales ay tulala at napagtantong ang isang
maliit na brilyante lamang ay makakapagpabalik sa kanilang buhay at makatutubos kay
Huli.

Naglabas si Simoun ng isang sisidlan, "Ang kahong ito ay naglalaman ng buhay at


kamatayan, ng lunas at lason, at sa isang dakot nito'y ang mamamayang Pilipinas ay
kaya kong paluhain." Pumili na ang mga mamimili. Naalala ni Hermana
ang laket ni Huli at nais itong bilihin ni Simoun ng limang daang piso matapos na
malaman na ito ay dating kay Maria Clara. "Pupuntahan ko muna ang aking anak upang
ipaalam sa kanya. Babalik ako bago magdilim," wika ni
Kabesang Tales. Ang gabing iyon ay tatlo ang natagpuang patay, ang prayleng
nangangasiwa sa hacienda (Padre Clemente), at ang bagong hahawak ng mga lupa nio
Kabesang Tales. Sa bayan
nama'y natagpuang patay ang asawa ng bagong mag-aari ng lupa.

Isang liham ang iniwan ni Kabesang Tales kinabukasan. Kinuha ni Tales ang rebolber
upang sumama sa tulisan at kapalit nito ang laket na nais ni Simoun. "Sa wakas ay
natagpuan ko rin ang aking tauhan, may pagkamahinahon nga lamang ngunit
may salita," sabi ni Simoun. Ipinadala niya sa mga tauhan ang sisidlan sa Los
Banos.

Dumating ang mga guwardiya sibil upang hulihin si Kabesang Tales ngunit wala ito
kaya't si Tandang Selo ang kinuha.
Sa lugar ng pinagitaan ng mga bangkay na napatay kinagabihan ay may papel na
sinulatan ng dugo ng salitang Tales.

Tauhan:

1. Simoun
2. Kabesang Tales
3. Kapitan Basilio
4. Kapitan Tika
5. Sinang
6. Hermana Penchang
7. Quiroga
8. Guwardiya Sibil
9. Tandang Selo
10. Tatlong natagpuang Patay

Simbolismo:
1. Ang pagpatay kay Padre Clemente at iba pang mga karakter sa kuwento ay maaaring
magpahiwatig ng kawalan ng katarungan at paghahanap ng paghihiganti sa lipunan. Ito
ay nagpapakita ng karahasan at kaguluhan na umiiral sa lipunan,
kung saan ang mga mahihirap ay madalas na biktima ng pang-aapi at karahasan mula sa
mga nasa kapangyarihan.

2. Ang salita na nakasulat sa dugo sa tabi ng bangkay ay maaaring maging simbolo ng


paghihiganti at pagkamuhi. Ito ay isang mapanakot na mensahe na nagpapahiwatig ng
intensiyon ng mga gumawa ng krimen na maningil at magdusa sa mga
taong kinasusuklaman nila. Ito ay nagpapakita ng hindi pagkakapantay-pantay at
kawalang-katarungan sa lipunan.

Pag-uugnay:
1. Ang pagdating ni Kapitan Basilio at iba pang mga mayayaman upang bumili ng
alahas ay nagpapakita ng disparidad sa yaman sa lipunan. Habang ang mga mayayaman
ay may kakayahang magluho at gumastos nang malaki para sa mga bagay na
hindi kinakailangan, ang mga mahihirap tulad ni Kabesang Tales ay nagtitiis sa
hirap at kahirapan.

2. Ang pagkamatay ng mga karakter sa kuwento, lalo na ang paggamit ng pangalan ni


Tales sa isang sulat na nakasulat sa dugo, ay maaaring maging tumutukoy sa mga
karumal-dumal na krimen at mga paghihiganti na nagaganap sa kasalukuyang
panahon. Ito ay isang paalala na ang karahasan at paghihiganti ay patuloy na
nagdudulot ng pinsala at pagkawasak sa lipunan.

You might also like