You are on page 1of 3

Kabanata 59 - Pagkamakabayan at Kapakanang Pansarili

-Nailathala sa Maynila ang pag-aalsa. Iba’t-ibang balita ang kumalat tungkol


dito at ito ay pinaniwalaan base sa nararamadaman at damdamin.
-Naliligalig ang mga tauhan sa kumbento. Ang ilan naman ay pumupunta sa
palasyo upang maghandog ng tulong sa pamahalaan.
-Sa isang piging sa Intramuros ay pinag-uusapan ang galit ng Kapitan
Heneral kay Crisostomo Ibarra at ang pagbibigay ni Kapitana Tinchang ng
mahal na pamaskong regalo sa Kapitan Heneral.

Kabanata 60 - Ang Kasal ni Maria Clara

-Bumisita sina Don Tiburcio, Donya Victorina, at Linares sa bahay ni


Kapitan Tiyago upang pag-usapan ang napagkasunduang kasal nina Maria
Clara at Llinares. Magaling na si Maria Clara ngunit maputla parin at bumati
sa mga bisita.
-Nagkita sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara sa asotea. Ipinaliwanag ni
Crisostomo na itinakas siya ni Elias sa bilanggo. Sinabi rin ni Crisostomo na
ipinapatawad na niya si Maria Clara at maging masaya ito.
-Paalis na si Crisostomo nang pigilan siya ni Maria Clara at ikinuwento ang
mga nangyari sa kanya. Ipinaliwanag ni Maria Clara na abang nilalagnat
siya ay nalaman niya kung sino ang totoo niyang ama. Nabasa rin niya ang
liham ng kanyang ina na nagsaad na hindi siya pwedeng magpakasal nang
walang pahintulot sa kanyang ama na si Padre Damaso.
-Hinagkan ni Maria Clara ang mga labi ni Crisostomo Ibarra at niyakap ito.
Pagkatapos ay lumayo si Crisostomo at muling tumalon sa pader upang
bumalik sa bangka. Si Elias ay nag-alis ng sombrero at nagpugay nang
buong pitagan kay Maria Clara.

Kabanata 61 - Tugisan sa Lawa

-Nagsasagwan si Elias patungo sa San Gabriel at nag-uusap ang dalawa.


Maya’t-maya ay tahimik na nag-iisip si Crisostomo. Hinikayat ni Crisostomo
si Elias na sumama sa kanya ngunit tinanggihan siya nito.
-Nang dumaan sila sa tapat ng palasyo’y napansin nila na nagkakaguluhan
ang mga bantay. Inutusan ni Crisostomo si Ibarra na humiga upang matago
ng mga damo.
-Pinatigil ng mga bantay si Elias at tinanong. Sinagot sila ni Elias at sinabi
na siya’y taga-Maynila at nirasyunan ng dama ang hukom at kura. Nang
makalayo sina Elias at Crisostomo ay nag-usap ulit sila.
-Binalak ni Elias na bumalik sa Pasig ngunit nakita niya ang isang bangka na
may mga guwardiya sibil. Sinabi ni Elias kay Crisostomo na siya’y tatalon sa
tubig upang maligaw ang mga guwardiya sibil at sa Noche Buena ay
magkita sila ni Crisostomo sa libingan ng nuno nito.
-Binaril at hinabol ng mga guwardiya sibil si Elias na lumalangoy. Nang
makita nila ang pagkukulay-dugo sa tubig ay umalis na sila.

Talasalitaan:
1.Naligalig – nabalisa; nabagabag
2.Nasugpo – napigil
3.Quare – salitang Latin na nangangahulugang “bakit”
4.Huling habilin – kasulatang naglalaman ng pamamahagi ng ari-arian ng
isang tao matapos na siya’y mamatay
5. Katibayan – ebidensya; pruweba
6.Chica – salitang Kastila na nangangahulugang “batang babae”
7.Kahalili – kapalit
8.Sumadsad – dumaong
9.Nahihibang – nagdedeliryo; panandaliang naguguluhan ang isipan dahil
sa sakit o karamdaman
10. Kalapastangan – kawalan ng galang
11. Sinapupunan – matris o bahay-bata ng babae kung saan lumalaki ang
sanggol
12. Itinakwil – nilimot; itinapon; ibinasura
13. Mahihinuha – masasapantaha; maakala
14. Sambalilo – sombrero
15. Hukom – tagahatol o tagagawad ng parusa
16. Palwa – bangka
17. Ipinihit – inilihis o iniba ang direksyon
18. Sisisid – lalangoy sa ilalim ng tubig
19. Noche Buena – Bisperas ng Pasko
20. Tinugis - hinabol

You might also like