You are on page 1of 3

Pangalan: FRANCIE MAER Q.

CHIA
Pangkat: 9-Apitong

PANAPOS na Gawain sa nobelang “Noli Me Tangere”

Kabanata 60: Ang Kasal Ni Maria Clara


Mga tauhan at ginampanan sa kabanata:

1. Maria Clara – Ipapakasal kay Alfonso Linares at pinagbubulungan na siya ay maganda ngunit hangal sa pag-ibig.
2. Crisostomo Ibarra – Inakusahan na Pilibustero at tumakas sa mga guwardiya sibil.
3. Elias – Ang tumulong kay Crisostomo Ibarra upang makatakas at makipagkita kay Maria Clara.
4. Kapitan Tiago – Siya ay natutuwa dahil ikakasal na si Maria Clara kay Alfonso Linares.
5. Alfonso Linares – Ang magiging asawa at ipapakasal kay Maria Clara.

ARAL:

Mali ang pagpapakasal ng walang nabuong pagmamahalan sa dalawang taong magpapakasal. Puro
away, hindi pagkakaintindihan at kaguluhan lamang ang madadala nito.

Kabanata 61: Ang Panunugis sa Lawa


Mga tauhan at ginampanan sa kabanata:

1. Crisostomo Ibarra – Ang mestizong lalaki na tinutugis ng mga guwardiya sibil.


2. Elias – Ang nagligtas sa buhay ni Ibarra sa pamamagitan ng pagtalon sa tubig upang iligaw ang mga guwardiya sibil
at ang pagtatago niya kay Ibarra.
3. Guwardiya Sibil – Ang nagtanong kay Elias kung may nakita siyang lalaking mestizo at inutusan na ikalat kung sino
ang nakakita sa lalaking iyon.
4. Konstabularyo – Ang humabol kina Elias at namaril sa kanila sa lawa kaya nagpasya si Elias na pataguin na si
Ibarra at tumalon sa tubig upang iligaw ang mga konstabularyo.
5. Sawimpalad – sila ang dahilan kung bakit humingi ng tulong si Elias kay Crisostomo Ibarra. Subalit di pinagbigyan-
kagustuhan ito ni Crisostomo dahil hindi lamang nakikinig si Crisostomo, gusto nya rin na makita nya ito at
mapatunayan.

ARAL:

Makikita nanaman dito ang kabaitan ni Elias dahil nais niyang dalhin pa sana si Ibarra sa
Mandaluyong para magtago. Ang mga tunay na kaibigan tulad ni Elias ay mahirap mahanap kaya
sila ay dapat nating pahalagahan. May mga maaasahan tayong kaibigan na gagawin ang lahat para
lamang maprotektahan tayo. Kahit minsan ay mapahamak na sila ay ipagtatanggol pa rin tayo.
Kabanata 62: Ang Pag-amin ni Padre Damaso
Mga tauhan at ginampanan sa kabanata:

1. Maria Clara – nagluluksa sa balita na patay na si Crisostomo Ibarra at papasok sa kumbento.


2. Padre Damaso – Makikita sa kabanatang ito ang pagiging ama niya kay Maria Clara na hinahangad lamang ang
pinakamabuting desisyon para sa kaniyang anak at dahil sa pagmamahal niya rito.
3. Crisostomo Ibarra – Ibinalita na siya ay namatay sa pagkalunod sa lawa at siya ang dahilan ng pagdesisyon ni
Maria Clara na pumasok sa kumbento.
4. Alfonso Linares – ang ipinagkasundo ni Padre Damaso at Kapitan Tiyago na ipakasal kay Maria Clara matapos
mabalitaang namatay sa lawa si Crisostomo Ibarra.
5. Diyos – Hiningian ni Padre Damaso ng tulong at hiniling na siya na lamang ang parusahan kaysa sa anak niya na si
Maria Clara.

ARAL:
Nasa huli lagi ang pagsisisi. Isipin lagi ang makabubuti hindi lamang para sa sarili kundi pati sa mga taong nasa paligid
mo din. Mali ang desisyon ni Padre Damaso na ituloy pa rin ang kasal ni Maria Clara at Linares pero mabuti din na sya
ay pumayag sa kagustuhan ng anak na wag nang magpakasal si Maria Clara at pumasok nalang sa kumbento

Kabanata 63: Noche Buena


Mga tauhan at ginampanan sa kabanata:

1. Sisa – Tuluyang nabaliw at binato ng isang babaeng nasa daan ngunit panandaliang nagbalik ang kanyang alaala at
kinalaunan ay binawian ng buhay sa piling ng kanyang anak.
2. Basilio – Anak ni Sisa na labis ang pagdurusa sa pagkawala ng kaniyang ina at kapatid at siya ay umalis ng sugatan
at hindi pa tunay na magaling.
3. Elias – Inutusan niya si Basilio na sunugin ang bangkay nila ni Sisa at ipinahukay ang mga gintong ibinaon niya.
4. Mag-anak na Tagalog – natagpuan nila si Basilio na sugatan at walang malay at inalaagan nila ito.
5. Sinang, Victoria, Iday – sila-sila ay nag-uusap tungkol sa kasal ni Maria Clara at pagligtas ni Alfonso Linares kay
Kapitan Tiyago.

ARAL:
Laging pahalagahan ang ating mga mahal sa buhay hangga’t sila’y nabubuhay pa. Ihalintulad na lang natin ang
pagmamahal ni Basilio sa kanyang ina na kahit siya ay hindi pa lubos na magaling ay inuna niyang isipin ang kanyang
nanay dahil baka ito ay nag-aalala na sa kaniya.

Kabanata 64: Katapusan


Gumawa ng sariling impresyon tungkol sa naging wakas ng nobelang NOLI ME TANGERE.

Para sa akin, ang impresyon ko lamang sa naging wakas ng Noli Me Tangere ay bitin ito. Napakaraming katanungan
ang bumubuo sa aking isipan. Tulad na lamang ng kung ano kaya talaga ang nangyari o kapalaran ni Maria Clara sa
kanyang pagpasok sa kumbento o beateryo lalo na’t naroon si Padre Salvi na mayroong pagnanasa sa kaniya. Isa din
ang kung ano ang naging kahihinatnan ni Kapitan Tiyago maliban sa siya ay naging palaboy. At panghuli ay ang kung ano
na ang balita kay Crisostomo Ibarra at kay Basilio na binigyan ni Elias ng kayamanan. Hihintayin ko ang kanilang
pagbabalik sa El Filibusterismo.
TALASALITAAN: Ibigay ang kahulugan ng bawat salita.

Kabanata 60:

1 .Naanyayahan – Naimbita, Inimbitahan


2. Pumanhik - Umakyat
3. Ipinamalita – Ipinalaganap, Ipinakalat
4. Tinitingala – Hinahangaan, Kinikilala
5. Natanaw – Nakita, Nasulyapan
6. Ipinagtapat – Inamin, Inilahad ang damdamin

Kabanata 61:

1. Kinahantungan – Kinahinatnan, Kinalabasan


2. Sinipat-sipat – Hinahanap, Inalam
3. Lantsa – Bangka
4. Nalilito – Naguguluhan
5. Inasinta – Tinira, Pinatamaan
6. Sarhento – Militar, Sundalo

Kabanata 62:

1. Selebrasyon – Pagdiriwang
2. Kumbento – Tirahan ng Kura
3. Asotea – Balkonahe
4. Bumulong – Palihim o mahinang pagsasalita
5. Ipahinto – Ipinatigil
6. Tumingala – Tumingin sa itaas

Kabanata 63:

1. Dampa – Bahay-kubo
2. Halakhak – Pagtawa ng malakas
3. Tumindig – Tumayo
4. Kwartel – Himpilan o tahanan ng mga kawal at sundalo
5. Alperes – Pinuno ng pulisya sa isang bayan
6. Humandusay – Humilata, Humiga

Kabanata 64:

1. Pagdadalamhati – Pagluluksa
2. Kutsero – Taong nagpapalakad ng kalesang hila ng kabayo
3. Disenterya – Ito ay isang uri ng sa sakit sa tiyan
4. Humuhusay – Gumagaling
5. Obispo – Ay isang opisyales ng simbahang Katoliko na namumuno sa isang diocesa o "diocese"
6. Natagpuan - Nahanap

You might also like