You are on page 1of 30

KABANATA 3

Sa kabanatang ito inilahad ang pagpasok ni Klay sa mundo ng Noli Me Tangere bilang parusa
sa kanya upang mas malaman nya ang history ng Pilipinas. Sa pagpasok nya ay nakilala ni
Klay sina Maria Clara at Ibarra, siya'y nanibago sa mundong kanyang ginagawalawan sa
panahong ito.May mga bagay na hindi sya pamilyar.

Kitang-kita rin sa panahon na ito na makapangyarihan ang mga kalalakihan kaysa sa


kababaihan. Maraming bagay ang ibang-iba sa mundong ginagalawan ngayon.Katulad na lang
sa pananamit, konserbatibo ng mga tao noon kaysa ngayon.

Ang kanilang katawan ay balot na balot sa tela. Ang karakter sa pelikulang ito ay
pinagbibidahan nila Maria Clara , Ibarra at Klay. Si Ibarra ay isang makisig at matipunong lalaki
na handang gawin ang lahat para sa minamahal na si Maria Clara. Si Maria Clara naman ay
isang tinaguriang mahinhin , siya'y malumanay kung magsalita at ubod ng ganda at bait ng
kanyang ugali.

KABANATA 4
Pinakita din dito ang kagandahan ng kulturang ang ganda ng mga
selebrasyon,kababaihan,kalalakihan,pananamit at mga pagkain.Sa parte ng kanilang
selebrasyon ay pinakita din ang kapangyarihan ng mga namumuno sa kanila ,ang mga
prayle.Pinapakita kung gaano kalawak ang kapangyarihan ng mga prayle.
KABANATA 5

Pinapakita din dito na napaka taas nga ng tingin ng mga tao sa mga kura,dahil sa kanilang
posisyon sa simbahan kung kaya't minsan ay inaabuso nila ito.At kung minsan ay dahil sa taas
ng kanila katungkulan ay grabe na kung iabuso ang mga kapwa na mas mababa ang lebel sa
kanila.

KABANATA 6

Ang episode na to ang makikita na tin na halos pinapaikot sa pagkilala sa personalidad ng ating
mga bidang karakter ng pagiging mabait at kosebatibo daw ni ibarra at ang kagandahan ng
boses at kagalingan ni maria clara sa pagtugtog ng piano.

KABANATA 7

Sa simula ay makikita natin ang muling pagkikita nila maria clara at Ibarra pagkatapos ng ilang
taong paghihintay nila sa isa't isa.sa eksena ng ito ay sinabihan ni Ibarra si Maria clara na siya
lamang ang babaeng kanyang minamahal kahit na ilang taon pa silang nag ka hiwalay.
KABANATA 8

Sa unang eksena ay pinakita ang pag mamaliit ng mga mayayaman sa mahihirap,iniisip nila na
ang mahihirap ay mga bobo at indio kaya hindi sila umaangat.Pinakita rin dito ang mga tulisan
na hinarang upang maghanap ng armas ng mga Espanol at muntikan nang patayin si ibarra.

KABANATA 9

Ipinakita muli dito na halos lahat ng masasamang tao noon ay parte ng simbahan, nakakatawa
nga tignan na kung sino pa ang malapit sa diyos ay sila pa ang gumagawa ng mga kasalanan
pinakita rin dito ang takot nila sa mga taong hindi na bulag sa katotohanan katulad ni
Crisostomo ibarra na kinatatakutan nilang nag aklas laban sa kanila.
KABANATA 10

Nagtagpo sila Padre Salvi at Crisostomo, sa kanilang pag-uusap, binastos ng Padre ang ama ni
Crisostomo na siyang naging dahilan ng pagsabog sa galit ni Crisostomo, at nagkaroon ng
pagtatalo.Kung sino pa ang syang nararapat na gumawa ng mabuti , sya pa ang gumagawa ng
karahasan.

KABANATA11

nakita ni maria clara sina ibarra at padre salvi at sinabi ni padre salvi na sinaktan sya ni ibarra.
Nakita rin natin sa episode na ito ang kasamaan ni padre salvi,dahil kaniyang binugbog si
krispin dahil itoy naabutan niyang natutulog.
KABANATA12

Sa episode na ito ay itinanggi nila krispin at basilio ang pananakit sa kanila ng kura sa kanilang
nanay na si Sisa dahil sa takot na baka siyay saktan din nito.

KABANATA 13

Nakita natin ang napaka saklap na buhay ng dalawang bata na si krispin at basilio gayun
paman ay napaka suerte parin nila na kahit pabaya ang kanilang ama ay meron silang napaka
mapagmahal na ina.
KABANATA 14

Ibinalita ng utusan ni maria clara na sya ding mata at tenga na ni padre salvi sa paligid ni maria
clara ,ang napag usapan nila ibarra at maria clara kung saan ay binalita ni ibarra ang nangyari
kina krispin at basilio sa dalaga ,ito naman ay ikinagalit ng kura.

KABANATA 15

Sa kabanatang ito na ipinakita din dito ang kultura ng dating Pilipinas ang pag ka mahinhin ng
mga babae at ang mga lenggwahe na gamit ang pamaypay na isa sa mga pangunahing
ginagamit ng mga dalaga upang mapabuti ang kanilang nararamdaman sa isang lalaki.
Natuklasan din ni ibarra sa epysa iting ang kabuuang nangyari sa kanyang ama.

KABANATA 16

Nasaksihan din natin sa kabanatang ito na ang plano si ibarra na magpa


tayo ng eskwelahan sa sandiego upang makatulong sa mga kabataan na walang kakayahan na
makapag aral, balak nyang ituloy ang kabutihang ginawa din noon ng kanyang ama.
KABANATA 17

sa kabanatang ito ay pinuntahan ni ibarra ang balak niyang pag tayuan ng paaralan.Sa
panahong ito, may mga tao ring hindi bulag sa katotohanan na nangyayari sa kapaligiran na
kanyang ginagalawan.

KABANATA 18
Sa parte na to ang makikita natin ang tuluyang pang papasakit ng kura sa mga bata,hindi niya
ito pinapauwi ng maaga at hindi pinapayagan bumitaw sa trabaho nila sa simbahan hanggat di
nila nababayaran ang nawawalang pera.Napaka grabe ang panghaharas ng kura sa mga bata
KABANATA 19

Nagkita sina pilosopo tasyo at Ibarra,binalitaan nga ni tasyo si ibarra ukol sa kadiliman na nasa
paligid.
pagkatapos sy binalita na din ni sisa ka ibarra ang pag bawi ng kura sa kanyang mga
anak.Nalaman din natin na muli na namang nasaktan ng kura si Krispin.

KANATA20
Nanghihingi ng tulong si sisa kay ibarra upang makuha ang kanyang anak na si krispin sa
simbahan.Ngunit hindi pa rin nila mahanap si krispin,at pinakahuli nmn ng mga guwardiya sibil
si basilio sahil sila nga ay napagbintangang nag nakaw ng malaking halaga.
KABANATA 21

Ang sinabi ni Ibarra na “Mayaman ka man o mahirap sa baying ito hindi ka pa rin mananalo sa
mga naghahari-harian.” Tama siya, dahil kahit ano pa ang kaantasan mo sa buhay wala kang
laban sa mga taong katulad ng mga masasamang prayle

KABANATA 22

Dito ito ay tuluyan nangang nawala sa kanyang bait si sisa at nagsimula nang mag salita mag
isa,sinabihan ang kanyang anak na magkikita kita rin sila.
KABANATA 23

Nalaman natin na pinag iinitan nnmn si ibarra ng tao sa kanyang paligid.


Habang si sisa ay tuluyan paring hinahanap ang kanyang mga anak at tuluyan na ngang
nawawala sa kanyang sarili.

KABANATA 24
.
Habang ang relasyon naman nila ibarra at maria clara ay pinag kakalalahan ni maria dahil tila
minsan lamang sila mag kita at mag usap at nangangamba pa siya kung mawawala muli ang
kanyang mahal an si Crisostomo.Ilang araw, buwan o taon pa sila magkikita.

KABANATA 25
Hindi matigil ang pag aalala ni maria clara para kay Crisostomo dahil sa mga gulo na pinasukan
nito at sinabihang sanga sanga ang daan ang pinasok nito.Ngunit ang nais lamang ni maria
clara ay ang hindi siya muling iwanan ni Crisostomo kahit ano pa man.

KABANATA 26
Nawala naman ang pangamba ni maria clara sa kanyang nobyong si Ibarra..
Habang si sisa naman ay tukuyan paring pinipilit makapasok sa simbahan upang mayakap muli
ang kanyang mga anak.

KABANATA 27

Sa Kabanatang ito makikita natin na si Sisa ay nangungulila sa kanyang mga anak. At biglang
pumunta si ibarra kay Sisa at bilang may mga sundalo ang pumunta sa kanila.

KABANATA 28

Sa kabanatang ito mapapanood natin na si Ibarra ay tinugis ng mga sundalo. Nang


kinabukasan naman ay naglakbay sila at natagpuan nila na si Sisa ay nilalapastangan ng mga
kalalakihan. Natalakay din sa kabanatay na ito na sila Ibarra ay may balak na misyon at iyon
ang ipagamot si Sisa. Ngunit si Ibarra ay nagdadalawang isip dahil siya'y nag aalala na baka
lumalala ang sakit ni Sisa sa utak.

KABANATA 29

Sa kabanata na ito patuloy na nangungulila si Sisa sa kanyang mga minamahal sa buhay kung
kaya't nagplano si Ibarra na ipadala sa pagamutan si Sisa at ito naman ay umayon sa kanilang
plano.Naipasok si Sisa sa pagamutan.
Patuloy ang pagkikita nila Maria Clara at Ibarra ngunit may nalalabing araw lang sila kung
magkita.

EP 30

Dito ay inakala ni Maria Clara na may namamagitan kina Klay at Ibarra. Kung kaya't si Ibarra
ay nagtungo kung nasaan si Mari Clara at ito'y kanyang hinarana
KABANATA 31

Sa kabanatang ito makikita natin ang importansya ng pagiging konserbatibo ng mga tao.Ang
babae at lalaki ay dapat na hindi magkasama basta-basta dahil ito'y magiging usapin agad sa
lugar.

KABANATA 33

Sa kabanatang ito , makikita natin na nagkaroon ng plano na pagaralin ni Ibarra ang lahat ng
mga mga bata mapa lalaki man o babae ngunit hindi pabor dito si Padre Damaso. Sa kabanata
ding it mapapanood natin na napaka strikto ng mga kababaihan pagdating sa mga kilos na
dapat ay mahinhin lang at tila'y walang kapangyarihan.

KABANATA35

Sa kabanatang ito matatapuan natin na walang karapatan ang babae sa lahat ng bagay at tila'y
para sa kanila ang mga babae ay dapat na nasa bahay lang. Walang karapatan sa pag aaral at
bumoses.
KABANATA 36

Dito ay mapapanood na dinakip si Padre damaso ng idiyo at kanilang ginulpi sa Padre


Damaso.Dahil sa labis na kagustuhan ni Padre Damaso na siya / mga lalaki lamang ang
nararapat na may kapangyarihan.

KABANATA 37

Sa kabanatang ito matutuklasan natin na labis ang pagmamaltrato ng mga makapangyarian sa


mga mababang uri. Mapapanood rin na walang ibang magagawa ang mga kababaihan kundi
ang sumunod sa mga kalalakihan.

KABANATA 38

Sa kabanatang ito , makikilala natin ang tauhan na si Elias na syang nambugbog kay Padre
Damaso at patuloy na pinaghahanap. Dito rin ay nagkaroon ng pagtitipon at nandoon ang
magkasintahan na sila Maria Clara at Ibarra
KABANATA 39

Sa Kabanatang ito nagkaroon ng pagtitipon. At bukod doon ay alam ni Elias na Narito ang mga
Espanyol upang kunin ang likas na yaman ng bansang Pilipinas.

KABANATA 40

Sa Kabanatang ito, makikita na ang pagiging komserbatibo ng mga kababaihan kahit sa


kanilang paguugali. Dito ay makikita na patuloyy pa ring hinahanap ni Padre Damaso si Elias.
KABANATA 41

Sa kabanatang ito, masasalimuha natin na kahit gaano pa kabalot ang pananamit ng isang tao.
Kung madumi ang pagiisip ng iba ay wala pa ring ligtas ang mga kababaihan.

KABANATA 42

Si Elias ay sumapi sa isang pangkat na laban sa mga prayle.Dahil siya'y kilala na ng mga prayle
at tuluyang tinutugis napilitan nyang sumama sa pangkat na ito.

KABANATA 43

Sa kabanatang ito makikita na malakas ng impluwensya ni Klay sa Nakaraan marahil na sa


panahong iyon ay marami syang alam.
KABANATA 44

Dito ay makikita natin na gagawin ni Padre Salvi ang lahat para lang hindi magkatuluyan sina
Maria Clara at Ibarra.Wiling syang gawin ang kung ano-ano para lang mapunta sa kanya si
Maria Clara.

KABANATA 45

Hindi papayag si Padre Damaso na magkaroon ng karunungan o makapag aral ang mga
kababaihan at gagawin nya ang lahat para lang hindi matuloy ang plano ni Ibarra na magpatayo
ng Eskwelahan para sa mga bata

KABANATA 46

Sa kabanatang ito, pilit nilang wasakin ang hangarin ni Ibarra na makapagpatayo ng


eskwelahan. Tila'y gusto lamang nila na sila ang magkaroon ng kapangyarihan sa lahat
KABANATA 47

Sa panahong ito, tanging mga prayle lamang may may kapangyarihan sa lahat. Kahit na sa
mga pagdedesisyon at kung ano-ano pa man. Halos lahat ng tao ay walang kakayahang
bumoses dahil sa takot.

KABANATA 48

Sa Kabanatang ito , mapapanood na lahat ay kaya mong gawin lalo na't kung ito ay pangarap
mo. Katulad sa ipinakita ni Ibarra na hindi sya titigil hangga't hindi nagkakarooon ng
kapayapaan at Magandang buhay kasama ang kanyang minamahal na si Maria Clara

KABANATA 49
Sa Kabanatang ito mapapanood na tanging prayle lang ang makapangyarian sa bansa. At
tanging lahat ay kaya nilang gawin para lang hindi sila malamangan
KABANATA 50

Dito ay mapapanood na Malakas ang impluwensya ng mga prayle sa panahon at bulag pa rin
ang mga tao sa mga nangyayari sa bansa. Tila Ay nakakulong sila sa rehas na puno ng takot.

KABANATA 51

Dito ay mahihinuha na hindi lahat ng tao sa paligid mo ay totoo sa iyo.Dapat at marunong


tayong kumilatis ng kung sino man sa ating mga tabi. Baka kung sino ang malapit sa atin sila pa
ang tila'y ahas na nakapalibot sa atin.

KABANATA 52

Ipinakita rin sa kabanata na ito Kung gaano kalupit ang mga prayle.Kung gaano kahirap ang
buhay ng nga tao sa kamay ng mga prayle.
KABANATA 53

Ipinapakita sa kabanata na ito ang pagkakaroon ng lakas ng loob na harapin ang mga taong
pilit na hinihila ka pababa. At ipinapakita rin sa kabata na ito na walang sino man ang
makakapag pagpigil sa dalawang taong nagmamahalan.Makikita rin dito na kung lubos na
pagmamahal ay hindi masisira ang relasyon basta-basta.

KABANATA 54

Ipinapakita sa kabanata na ito kung gaano kasuklam ang mga prayle at kung gaano kalakas
ang kanilang kapangyarihan noon, gaya na lamang na kaya ka nila ipakulong kahit pa wala
Kang kasalanan.Dahil sa kanilang tanyag na kapangyarihan at hari-harian , kaya nilang
manipulahin ang lahat ng bagay.

KABANATA 55

Ipinakita sa kabanata na ito ang unti-unting pagkasira Ng mga prayle sa buhay ni Crisostomo,
kasabay din nito ang unti-unting pagkasira ng pag-iibigan ni Maria Clara at Crisostomo Ibarra.
KABANATA 56

Ipinakita sa kabanata na ito ang pangaalispusta nang mga prayle sa taong ang nais lamang
ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kabataan.Pinapakita rin dito ang pagnanasa
ng mga prayle sa mga bagay at kung sino.

KABANATA 57

Makikita din dito ang mga pagpapahirap nila sa ating mga ninuno. Ipinapakita din sa kabanata
na ito ang pagkakaroon ng lakas ng loob ni Crisostomo Ibarra na harapin ang mga pagsubok na
dahil sa mga prayle.At dito lang din nalaman ni Ibarra na may sakit ang nobya dahil walang
nagsabi nito sa kaniya. Labis ang saya ang ng dalawa nang magkita muli sila. Kitang-kita ang
pagmamahalan ng dalawa sa isa't-isa, at nangako si Ibarra na ipaglalaban ang pag-iibigan nila.

KABANATA 58

Pinapakita sa kabanatang ito na kahit anong pagsubok ang ibigay sa dalawang nag
mamahalan hindi padin nito kayang sirain ang pagmamahalan ng dalawa, gaya na lamang nang
pag-iibigan nila Maria Clara at Crisostomo Ibarra kahit anong pagsubok ang gawin ng mga
prayle hindi padin nila ito mapatigil ang matamis na pagmamahalan . Dahil walang makakasira
sa pag-iibigan Ng dalawang nag mamahalan lalo na't kung ito ay lubos na pagmamahal.
KABANATA 59

Sa kabanatang ito ang masamang plano ni Padre Salvi para pabagsakin si Crisostomo Ibarra.
Makikita din sa kabanata na ito ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili pagiging desisdido sa
buhay at pagkakaroon ng pag-asa.

KABANATA 60

Pinapakita sa kabanatang ito ang pagmamahalan Nina Crisostomo At Maria Clara,


pagmamahal na walang makakapag pigil Kahit pa may tumututol sa kanilang wagas na
pagmamahalan.
KABANATA 61

Ipinapakita sa kabanata na ito ang labis na pagkamuhi ni Padre Damaso kay Crisostomo Ibarra.

KABANATA 62
Pinapakita sa kabanata na ito kung gaano kasama Ang mga prayle. Pinapakita din dito Ang
mga kalapastanganang ginawa ni Padre Damaso sa ina ni Maria Clara.

KABANATA 63
Napakaganda Ng kabanata na ito dahil sa kabanatang ito ipinakita Ang pag Payag ni Kapitan
Tiago sa pag papa kausap Nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Makikita sa episode na ito
ang saya ng Mabatid ni Crisostomo ang pag payag ni Kapitan Tiyago sa pagpapakasal nila ni
Maria. Ngunit makikita din sa episode na ito Ang pag amin ni Padre Damaso na siya Ang tunay
na ama ni Maria Clara. Pinapakita dito ang labis na pagkagalit ni Maria Clara kay Padre
Damaso.
KABANATA 64

Ipinapakita sa kabanata na ito Ang pagkakabuo ng Pang kay para sa himagsikan Laban sa mga
prayle at guardia sibil.

KABANATA 65

Makikita sa kabanatang ito ang nagdadalawang Isip ni Maria Clara Kung ano ba ang kaniyang
pipiliin ang kanyang nobyo ba o ang liham Ng kaniyang ina na nagpapatunay na si Padre
Damaso nga ang kanyang ama, Sa huli ay pinili ni Maria Clara ang Liham ng kanyang Ina at
nalaman niya nga na si Padre Damaso talaga ang kanyang ama. Nanglumo si Maria Clara nang
mabasa ang sulat.

KABANATA 66

kung gaano pahirapan ng mga prayle ang ating mga kababayan at ipinakita din dito Kung
gaano pagsamantalahan ng mga prayle ang mga kababaihan noon. Ipinakita din sa kabanata
na ito kung gaano kamahal ni sisa ang kanyang mga anak, pagmamahal na nauwi sa pagkasira
ng kanyang sarili .
KABANATA 67

Ipinakita di dito na Kahit ano Pang problema ang danasin nila Maria Clara at Crisostomo Ibarra
ay walang makakapag hiwalay sa kanilang Dalawa.At ipinakakita din na ang mga ito ay may
sampung katao na, na binayaran laban kay Ibarra. Ang mga tulisan man ito ay may planong
sumugod at paslangin ang mga guardia sibil. Isang kasinungalingan na naman ang ginawa ng
kura, ito'y gumawa ng kwentong walang katotohanan, gamit ang panggagaya sa mga panulat ni
Ibarra, gumawa ang kura ng isang liham tungkol sa pag-aaklas at sinabing ito'y galing kay
Ibarra. Ako'y nainis sa mga kuwentong ginawa nito na walang katotohanan, kaawa-awa ang
mangyayari kay Ibarra, panigurado.

KABANATA 68

Ipinakita sa kabanata na ito ang kasamaan na ginawa ni padre Salvi sa pamamagitan ng pag
bibintang nito kay Crisostomo Ibarra. At ipinakita din dito ang kalapastanganan ginawa ni Padre
Salvi sa isang musmos na bata na si Crispin.
KABANATA 69

Ipinakita sa kabanata na ito ang kaitiman ng budhi ng mga prayle. At ipinakita din dito ang
nagtraydor ni Padre Salvi kay Crisostomo Ibarra. Pinapakiita dito na kahit sino pa man ang tao
na kahit nasa tabi mo ay kaya kang traydorin.

KABANATA 70

Ipinakita sa kabanata na ito ang hindi makatarungang pag dakip at paghatol ng mga guardia
sibil kay Crisostomo Ibarra.

KABANATA 71

Ipinapakita sa parte ng ito Ang unti-unting pagka mulat Ng ating mga kababayan sa nangyayari
sa kanilang bayan, ang pang aalipusta ng mga prayle at pananakop ng mga españiol. Ipinakita
din sa kabanata na ito ang unti-unting pagkakabuo ng himagsikan laban sa mga
mananakop.Unti-unting natatauhan ang mga Pilipino sa mga nangyayari sa bansa.
KABANATA 72

Ipinakita sa kabanatang ito ang unti-unting paglaban ng ating kababayan laban sa mga guardi
sibil.

KABANATA 73
Ipinapakita sa kabanatang ito ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili at pagkakaroon ng lakas ng
loob. Ipinakita din dito ang hindi makatarungang pag dakip at di makatarungang pang aabuso
ng mga guardi sibil lalo na sa mga kababaihan.Nakakalungkot makita si Basilio na tumatangis
dahil ang kaniyang minamahal na kapatid ay patay na at nakalibing. Nakakainis ang mga
guardia sibil, wala silang pakialam, at walang alam.

KABANATA 74
Pinapakita sa kabanata na ito ang pagkakaroon ng lakas ng loob at pagtitiwala sa bawat isa.
Ipinakita din sa kabanatang na ito ang unti-unting pagsiklab ng himagsikan Laban sa mga
guardia sibil.Kita din dito ang pagiging matapang at kayang ibuwis ang buhay para sa bayan.
KABANATA 75

Ipinapakita din sa kabanata na ito ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat isa upang
makalaban sa mga kaaway.

KABANATA 76

Pinapakita sa kabanata na ito ang simula ng matinding pagsubok sa pagmamahal nila


Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Ipinapakita din sa kabanatang ito kung gaano kahirap ang
mawalan ng mahal sa buhay.Gagawin ang lahat para lang sa minamahal.
KABANATA 77

Pinapakita sa kabatanang ito kung paano nadurog ang puso ni Maria Clara dahil akala nila na
patay na si Crisostomo. Ipinapakita din dito Ang nagliliyab na galit ni Maria Clara sa mga prayle
lalo na kay padre Salvi dahil sila ang dahilan ng inaakala ng pagkamatay ni Crisostomo.At
tinuloy pa rin ni Padre Damaso ang planong pagpapakasalan kay Maria Clara at Alfonso ngunit
sa pagkakataon na ito ay lumaban si Maria Clara at sinabing hindi magpapakasal sa iba.

KABANATA 78
Katapangan sa pagpili nito na papasok na lamang siya sa kombento kesa pagpakasal sa taong
hindi niya naman mahal. Kapag magisa na lang sa buhay ay katapangan ang iiral sa lahat.

KABANATA 79

Sa kabanatang ito malaki ang galit ni Kapitan Tiyago kay Padre Damaso dahil nalaman nya na
anak ni Padre Damaso si Maria Clara.
KABANATA 80

Pinapakita sa kabanata na ito ang kalungkutan ng mga karakter sa kwento dahil sa paglisan ni
Maria Clara. Makikita din sa kabanata na ito ang pagsisisi ni kapitan Tiago sa hindi nito
pinaglaban ang pagmamahal nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra sa mga prayle.

KABANATA 81

Ipinakita sa kabanata na ito ang kalungkutan sa pagpapaalam ni Maria Clara sa mga taong
kaniyang minamahal. Pinapakita na ang pagmamahal ang makapag ligtas sa iyo sa lahat ng
bagay o pangyayari.

KABANATA 82

Ang kabanatang ito ay nagpapahiwatig na kahit gaano man kagulo ang mundo , marami man
ang gusto kayong paghiwalayin , walang sino man ang makakahadlang o makakapaghiwalay sa
dalawang lubos na nagmamahalan. Ito na rin ang huling kabanata.

You might also like