You are on page 1of 2

REVIEWER NOLI ME TANGERE

MGA TAUHAN

1. Don Filipino Lino - ang pinuno ng mga pangkat ng liberal (kabataan) sa pulong sa tribunal.
2. Kapitan Basilio – ang pinuno ng mga konserbado (matatanda)
3. Alferes- pinuno ng mga guardia sibil.
4. Sisa – isang mabuting ina na nabaliw dahil sa pagkawala ng kanyang mga anak na sina Crispin at
Basilio.
5. Pedro – ang asawa ni Sisa.
6. Don Pedro Ibarramendia – pinakaninuno ni Crisostomo.
7. Don Saturnino – lolo ni Crisostomo at ama ni Don Rafael Ibarra.
8. Don Rafael Ibarra – ama ni Crisostomo
9. Donya Consolacion - ang ginang ng alferes na ikinahihiya niya dahil sa kakatwang itsura nito.
10. Elias - ang pilotong nakipaglaban sa buwaya at nagligtas kay Crisostomo mula sa pagkahulog ng
batong panghugos.
11. Salome – kasintahan ni Elias.
12. Ketongin – ang binigyan ni Maria Clara ng locket o relikaryo.
13. Albino - ang binatang pinakamagulo sa piknik na nagsabing may butas sa bangka.
14. Kapitan Heneral - Siya ang dumating na sugo ng Espanya mulla sa Maynila na tumira kina Kapitan
Tiyago.
15. Pilosopo Tasyo- ang hiningan ng payo ni Ibarra tungkol sa pagpaoatayo ng paaralan. Para sa mga
nakakaunawa, siya ay pilosopo, ngunit sa mga mahina ang isip siya ay isang baliw.
16. Taong Madilaw (Karyo) - ang taong nabagsakan ng batong panghugos sa halip na si Crisostomo.
17. Lucas- ang kapatid ng taong madilaw na nagpahiram ng pansugal sa magkapatid na Bruno at
Tarsilo.
18. Bruno at Tarsilo – magkapatid na nais maghiganti dahil sa pagkamatay ng kanilang mga magulang
at lulusob sa kuwartel.
19. Sakristan Mayor (Agaton)- ang nagbintang at bumugbog kay Crispin at namatay sa paglulon ng
barya.
20. Balat - ang isa sa ninuno ni Elias na kilabot na tulisan.
21. Andong Luko-luko – ang nadamay sa mga nahuli sa kaguluhan pero wala namang kasalanan
22. Alfonso Linares- ang binatang pamangkin ni Don Tiburcio de Espadana na ipakakasal kay Maria
Clara.

Mga Pangyayari sa Noli Me Tangere

1. Nilait ni Padre Damaso ang alaala ng ama ni Crisostomo kaya’t nagalit si Ibarra at muntik nang
masaksak ang pari.
2. Nagpunta si Lucas kay Ibarra para humingi ng pera pero kulang ang ibinigay ni Crisostomo kaya kay
Padre Salvi siya nakipag-usap at nakipagtulungan
3. Nag-usap usap sa libingan sina Pedro, Bruno at Tarsilo para sa gagawing paglusob sa kuwartel
4. Sinabi ni Padre Salvi sa alferes na lulusubin ang simbahan at kuwartel.
5. Naghanda ang alferes at mga guardia sibil.
6. Nilusob ang simbahan sa pamumuno ni Pedro na nais maghiganti sa nangyari sa kanyang mga
anak.
7. Nilusob ang kuwartel sa pamumuno nina Bruno at Tarsilo na nais maghiganti sa mga guardia sibil.
8. Dahil nakapaghanda ang mga guardia sibil sa tulong ni Padre Salvi, hindi nagtagumpay ang
rebelyon.
9. Marami ang namatay at nahuli ang ibang sumama sa rebelyon.
10. Si Crisostomo ang pinagbintangan na utak ng rebelyon dahil siya ang sinabi ng ibang nahuli ngunit
hindi ito napatunayan.
11. Hinuli si Ibarra ng mga guardia sibil sa pamumuno ng alferes.
12. Para maligtas si Ibarra kinuha ni Elias ang mahahalagang gamit ni Ibarra.
13. Nang matuklasan ni Elias na ninuno ni Ibarra ang dahilan ng kasawian sa buhay ng kanyang mga
ninuno ay muntik na niyang masaksak si Ibarra at pagkatapos ay tumakbo.
14. Sinunog ni Elias ang bahay ni Ibarra pagkatapos upang walang ebidensyang magamit kay Ibarra.
15. Pagsabi ni Padre Salvi kay Maria Clara na may alam siyang lihim tungkol sa kanya ay ipinagpalit ng
dalaga ang liham ni Crisostomo sa ama na siyang nagdiin dito.
16. Tinulungan ni Elias na tumakas si Ibarra. Pinaulanan ng bala ng mga sibil ang tumalon na si Elias sa
lawa sa pag- aakalang si Crisostomo ito.
17. Nakarating si Elias sa gubat at doon namatay.
18. Napabalitang patay na si Don Juan Crisostomo Ibarra.

Mga Pangyayari sa Tauhan

1. Saan nagpunta sa loob ng 7 taon:


Nangibang bansa: Crisostomo Ibarra ; Pumasok sa kumbento: Maria Clara

2. Mga Alaala
Crisostomo: dahon ng sambong; Maria Clara: liham ni Ibarra sa ama
3. Pinagsamantalahan
Padre Salvi: Maria Clara; Padre Damaso: Pia Alba
4. Mga Asawa
Donya Victorina:Don Tiburcio; Donya Consolacion: Alferes
5. Saan kura
Padre Salvi: San Diego; Padre Sibyla: Binondo
7. Kalaban ng simbahan: Erehe; Kalaban ng pamahalaan:Filibustero
8. Paano pinatay?
Lucas: Ibinitin sa puno; Sakristan Mayor: Pinalulon ng barya
9. Anong nangyari sa Katawan?
Katawan ni Sisa: inilibing; Katawan ni Elias: Sinunog
10. Paano namatay?
Padre Damaso : Natagpuang patay sa higaan; Pilosopo Tasyo: Natagpuang patay
sa may pintuan.

You might also like